ZOEY POV
Hinabol ni Zoey si Gelo at hinawakan sa braso para pigilan ito. "O-okay na ako. Ako nang bahala sa sarili ko," sabi niya.
"Umuwi ka na, hindi ka dapat pumupunta sa ganitong lugar," mahinahon pero malamig na utos ni Gelo sa kanya.
"O-okay na ako-
"Fuck! Ano ka ba? Sabi ko umuwi ka na at baka mapahamak ka na naman at madagdagan na naman ang malabag ko dahil sa'yo!" nanggigigil na sigaw nito, "alam mo bang bawal kaming manakit pero nanakit ako dahil sa'yo! Dahil hindi ka nag iingat!" sumbat na nito sa kanya.
Doon tuluyan tumulo ang mga luha niya. Hindi na niya kayang pigilan at sobrang sakit na para sa kanya ito, na sinusumbatan siya ni Gelo na hindi rin naman niya gugustuhing mangyari sa kanya ang mapahamak nang ganito.
"Sorry!" bulalas niya, "hindi ko sinasadyang maging pabigat sa'yo. H-hindi ko sinasadyang maperwisyo ka. Sorry." Tinakpan niya ang mukha niya at napahikbi na siya.
"Zoey, please," pakiusap na nito.
Kaagad niyang pinunasan ang mga luha niya at pinigilan ang mapahikbi.
"Magpapaalam lang ako sa kanila at uuwi na ako," malamig na tugon niya saka iniwan ito.
Matapos siyang magpaalam ay nakita niya na sinundan siya ni Gelo, palabas ng bar. Magpapara na sana siya ng taxi nang may humawak sa braso niya.
"Ihahatid na kita," mahinahong sabi ni Gelo.
"'Wag na. Tingin ko naman ay hindi na ako mapapahamak at kung mapahamak naman ako ay hayaan mo na ako nang hindi kita maperwisyo," malamig na sabi niya.
Napabuntong hininga si Gelo."Hindi naman pwede 'yon Zoey, oras na mapahamak ka tapos na rin ang misyon ko-
"Misyon! Misyon! Lagi na lang 'yan ang naririnig ko sa'yo!" sigaw na niya, "oo na! Misyon mo lang ako! Na wala ka talagang pakialam sa akin dahil iniisip mo lang ang kapakanan mo at ako! Ako! Misyon mo lang! May silbi lang ako kasi makukuha mo ang gusto mo kapag nagawa mo ang misyon mo sa akin." Napahikbi siya at hinabol ang paghinga. "Alam mo ba kung gaano ako natakot kanina sa ginawa ni James? Takot na takot ako kasi akala ko magagawa na niya ang masama niyang balak sa akin at dumating ka nga para iligtas ako pero hindi ka naman nag-aalala sa akin. Sarili mo lang iniisip mo!" sumbat niya.
"Kung sarili ko lang ang iniisip ko ay hindi ko gagawin sa;yo ito! Hindi ko hahangarin ang kaligayahan mo!" sumbat din ni Gelo sa kanya.
"Sinasaktan mo ako, Gelo." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya, "inumpisahan mo nang mabait ka at malambing tapos sa isang iglap, manlalamig ka at magiging masama sa akin. Sana umpisa pa lang ay hindi ka na naging malapit sa akin," puno ng lungkot na sabi niya.
"Sana nga. Para hindi ka umabot sa ganito."
Tinitigan niya ito. Blangko ang emosyon sa mukha nito at wala na talaga itong pakialam sa kanya. Siguro lahat nang unang ipinakita nito sa kanya nito ay pagpapanggap lang para sa misyon nito.
"Hindi na kita aabalahin pa, hanggang sa matapos ang misyon mo at tuluyan ka nang maging anghel," malamig nang tugon niya rito.
"Dapat lang 'di ba? Kasi iyon lang naman ang magagawa mo para magawa ko ang misyon ko sa'yo. Magiging masaya ka sa buhay kasama si Jared at magiging anghel ako," tugon nito.
"S-sorry sa abala." Tinalikuran na niya ito.
"Zoey-
"Hindi ako mapapahamak. 'Wag kang mag alala, mag-iingat ako," putol niya sa sasabihin nito at tuluyan na siyang umalis.
BINABASA MO ANG
The Wish Granted
FantasySa isang iglap nawasak ang lahat ng mga plano at pangarap ni Zoey at Jared, dahil sa isang aksidenteng naging dahilan nang pagkawala ni Jared sa buhay ni Zoey. Naging mahina si Zoey, na umabot na mas pinili niyang wakasan ang buhay upang muling maka...