Chapter 4

141 14 0
                                    

TAPOS na siyang makaligo at nakabihis na siya, nang panglakad niya nang lumabas siya ng banyo. Nanlaki pa mata niya nang makitang nakahiga ang misteryosong lalaki sa higaan niya at nakayakap sa unan niya.

"Hoy! Tumayo ka nga diyan!" sita niya sa lalaki. Umupo naman ito at inayos ang cap niya, "ano bang sadya mo rito? Sulpot ka nang sulpot, tapos kailangan sa loob pa ng banyo ko?" matalim ang tingin niya na sabi rito.

"Hindi ko sinasadya, saka 'wag mong i-big deal 'yon. Makakalimutan din naman natin lahat ng 'yon, pag natupad ang wish mo at maging anghel na ako, " balewalang sabi nito. Napatingin siya rito.

"Makakalimutan natin? Kahit ikaw makakalimutan ako?" tanong niya.

"Oo, hindi na kasi ako tao n'on at pag naging anghel ako, aalisin lahat ng ala-ala sa akin. Ganoon din ikaw."

"Ganoon ba," hindi niya alam kung bakit pero nakadama siya ng lungkot nang sabihin nito na makakalimutan siya nito pag naging anghel na ito. Inalis na lang kaagad niya sa isip ang sinabi nito at muling tinignan ang misteryosong lalaki.  "So, anong ginagawa mo rito?" usisa niya rito.

"Gusto lang kitang babalaan. 'Wag kang masyadong madaldal, muntikan ka ng mabuking ng ilang beses kanina. Kung gusto mo matupad kahilingan mo, mag iingat ka," seryosong sabi nito.

"Sorry," hingi niya nang paumanhin. Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya, "sorry na at salamat. Ang saya saya ko, nakapiling ko na ulit si Jared," nakangiting pasasalamat niya.

"Iyan ang kahilingan mo at ayan ang misyon ko," seryosong tugon nito.

"Salamat pa rin, misteryosong lalaki." Napakunot ang noo nito sa tinawag niya. Napakagat labi naman siya, "ayaw mo kasing sabihin pangalan mo, eh. Kaya 'yon tawag ko sayo," katwiran niya dito.

"Bahala ka sa gusto mong tawagin sa akin. Aalis na ako, basta tandaan mo ang babala ko sayo," paalala nito sa kanya.

"Oo," nginitian niya ito, "ayaw mo ba talagang sabihin pangalan mo sa akin?" pangunngulit niya rito. Umiling ang lalaki at tumalikod. "Sige, dahil sabi mo anghel ka, angel na lang itatawag ko sayo, kasi ikaw ang anghel ng buhay ko na nagligtas sa akin." Nagulat siya nang humarap ito sa kanya at hinila ang braso niya.

"Don't you ever dare call me that name!" maootoridad na sabi nito na ikinagulat niya. Napatitig siya sa mga mata nito. May bahid ng sakit sa mga mata nito.

"S-sige, kung ayaw mo. S-sorry," nauutal na tugon niya. Binitawan siya nito at umatras ito. Napatili siya nang biglang iangat nito ang suot niyang hanging shorts. "Ano ba!" sita niya at ibinaba ang shorts niya na umangat.

"Palitan mo 'yan. Magpantalon ka!" utos nito sa kanya.

"Ayoko nga! Okay na 'to!" nakasimangot na sabi niya.

"Kaya hindi ka magustuhan ng Nanay ni Jared eh, paano ang hilig mo sa maiksing short. Ang matatanda mga conservative 'yan sila at tingin nila, ang mga nagsusuot ng mga maiiksing short eh, malalandi," paliwanag nito sa kanya.

"Talaga? Ang advance naman nila mag isip, porket naka-short malandi agad?" may bahid ng inis na sabi niya.

Napangiti na ito, gusto niyang makita ang mga ngiti nito kaya iniangat niya ang kamay niya para taggalin ang sombrero nito. Nang pagtatangkaan na niya, na tanggalin ang cap nito ay mabilis na hinawakan ng lalaki ang kamay niya.

"Don't!" saway nito sa kanya. Ibinaba niya ang kamay niya at seryosong tumingin sa kaharap.

"Sorry, na-curious lang akong makita ang mukha mo," paliwanag niya.

"Magpalit ka na at nang makababa ka na, inaantay ka ni Jared," paalala nito sa kanya. Namilog ang mga mata niya nang maalala ang kasintahan.

"Oo nga pala!" Tumakbo siya sa kabinet niya at kumuha ng pantalon doon para ipalit sa short niya saka pumasok sa banyo at doon nagpalit. Nang makalabas siya ng banyo nandoon pa rin ang lalaki at nakaupo na ito sa kama.

The Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon