ZOEY POV
"DAD? Vion?" gulat na bulalas ni Gelo. Agad na humiwalay sa pagyakap si Zoey kay Gelo nakita niya ang mapanghusgang tingin ng ama ni Orion, sa kanya.
"Is this girl is your secretary? You never told me, Orion, that you're playing your secretary," nakakainsultong tanong nito.
"Dad!" saway ni Gelo, sa papa ni Orion. Hindi niya ini-expect na mapagmataas pala ang papa ni Orion.
"What? Don't tell me you're serious about having relationships with girls like that? Ang tulad ba niya ang ihaharap mo sa amin Orion? Mamili ka naman sana ng mas mataas pa sa babaeng iyan!"
"Sir, nagkakamali po kayo," hindi na niya napigilang sabat sa harapang pang-iinsulto sa kanya ng ama ni Orion, "wala po kaming kahit anong relasyon ng anak niyo."
"Wala pero nagyayakapan kayo rito? Sabagay baka naman naglalaro lang kayo ng anak ko at hindi ka naman talaga niya ire-relasyon kasi sino ka lang ba?" nakakainsultong sabi na naman nito.
"Stop it Dad!" galit ng sigaw ni Gelo. Kita na ang galit sa mukha nito, "respetuhin mo naman si Zoey! Hindi siya ganoong klaseng babae na iniisip mo!" diin nito sa ama.
"Orion!" galit na sigaw ng Papa ni Orion.
"Dad, Kuya, please," pakiusap ng tinawag na Vion ni Gelo.
Ito ang kapatid ni Orion at isang magandang babae pala ito at ang sexy para itong super model at kahit walang gaanong make-up at napaka-simple lang nito ay hindi natago niyon ang kagandahan ni Vion. Ito rin ang babaeng naging asawa ni Gelo at ang babaeng minahal nito.
"Hindi ko hahayaan na ang tulad lang niya ang makatuluyan mo, Orion, kaya tigilan mo na iyang kalokohan mo!" galit na sigaw ng Papa ni Orion at umalis na ito pero si Vion ay nagpaiwan.
"Sorry Kuya," hingi ng paumanhin ni Vion kay Gelo.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti.
Mukhang mabait si Vion at hindi tulad ng Papa nito na mapagmataas ang mababa ang tingin sa kanya.
"Bakit nandito pala kayo? Akala ko pupunta kayo kay Lola-
"Hindi na natuloy, Kuya, tapos nagyaya kumain si Dad sa labas kaya nandito kami," putol ni Vion sa sasabihin sana ni Gelo.
Napabuntong hininga si Gelo.
"Sorry talaga, Kuya, saka sa'yo na rin, Miss," turan din sa kanya ni Vion.
"Zoey," kaagad niyang pakilala sa sarili.
"Zoey, pasensiya ka na kay Dad. Ganoon talaga iyon pero ayos ka sa akin," nakangiting sabi ni Vion.
"Kung alam lang nito. Siya ang mahal at gusto ni Gelo at hindi ako," sabi niya sa isip.
"Sige na, Vion, sundan mo na si Dad sa loob. Ihahatid ko na si Zoey pauwi," utos ni Gelo kay Vion.
"Opo Kuya," tugon nito, "ingat kayo," bilin nito at niyakap si Gelo.
Parang may pumilipit na kamay sa puso niya at hindi niya alam kung bakit pero naisip niya na baka nasasaktan lang siya para kay Gelo. Siguradong nasasaktan ito ngayon na makaharap at nakakausap ang babaeng minahal at nasaktan nito noon.
Humiwalay na sa pagyakap ang dalawa.
"Sige po, Ate Zoey, sundan ko na si Dad," paalam ni Vion sa kanya.
Nginitian niya ito. "Sige," tugon niya.
Umalis na si Vion at saka siya hinawakan ni Gelo sa kamay kaya napatingin siya rito. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
The Wish Granted
FantasySa isang iglap nawasak ang lahat ng mga plano at pangarap ni Zoey at Jared, dahil sa isang aksidenteng naging dahilan nang pagkawala ni Jared sa buhay ni Zoey. Naging mahina si Zoey, na umabot na mas pinili niyang wakasan ang buhay upang muling maka...