Chapter 20

89 9 0
                                    

JARED POV

PUYAT na puyat pa rin si Jared at kulang pa talaga ang dalawang-oras na tulog niya at ngayong alas-tres nang hapon ay damang-dama niya ang antok kaya tumayo siya para magtimpla ng kape at inumin ito kahit tanghaling-tapat. Kailangan niya ito pang-pagising.

"Hey! Jared!" bati sa kanya nang kararating lang na si James. 

Umupo pa ito sa upuan na katabi ng inuupuan niya. Hindi niya naman ito ka-close, hindi niya rin kasi gusto ito dahil sa kayabangan nito at pagdating naman sa trabaho ay mahina at uma-absent pa. Kagaya na lang kahapon, nag-half-day lang si James at hindi nag-overnight samantalang alam naman nito na may dapat silang tapusin sa trabaho, hindi lang ito mapaalis sa trabaho dahil may malakas na kapit daw na hindi naman niya alam kung sino iyon at kaanu-ano nito iyon.

"Sige, una na ako sa'yo. May trabaho pa akong tatapusin eh," paalam na niya. Tatayo na sana siya nang nagsalita na naman ito.

"Dito ka na muna at may eke-kwento pa ako sa'yo," pigil na sabi sa kanya ni James.

"Saka na lang tayo magkwentuhan, oras ng trabaho eh," tanggi niya.

"Nakita ko ang girlfriend mo kagabi sa isang bar at may kasamang lalaki," dire-diretsong sabi nito. 

Kaagad nagpanting ang tenga niya sa sinabi ni James at nangigigil na kenwelyuhan ito. Sa lahat ba naman ng kalokohang sasabihin nito pati ba naman ang girlfriend niya ay idadamay nito? Talagang nakakagalit iyon para sa kanya.

"Lokohin mo na ako nang kung ano! 'Wag mo lang idadamay ang girlfriend ko!" galit niyang banta kau James. 

Nagtaas ito ng dalawang kamay."Wooh, relax," awat nito sa kanya," I'm telling the truth, katunayan ay may mga ebedensiya pa ako. Mga picture," sabi nito. 

May kinuha ito sa bulsa na nakatuping papel at ipinakita sa kanya. Sa bond paper lang ito naka-print at mukhang galing pa sa CCTV camera dahil may oras sa ibaba. Malinaw ang pagkakakuha na si Zoey at ang CEO ang kasama nito nasa malapit ng kalsada, magkaharap at hawak-hawak ng CEO ang braso ni Zoey. Nakadama siya ng paninibugho pero pinilit niyang hindi mag-isip ng masama para sa kasintahan at sa boss nito.

"Nakita ko sa bar ang girlfriend mo at nakita ko na pumasok sila sa VIP room ng CEO, silang dalawa lang," sumbong pa nito, "ayoko naman magsabi sa'yo kaso nagi-guilty kasi ako eh, kasamahan kita sa trabaho at mabuti naman tayo sa isa't-isa. Nakita ko na niloloko ka nang girlfriend mo-

"Hindi niya ako niloloko!" galit pero mahinang sabi niya rito, "lumabas lang siguro sila dahil sa trabaho at wala ng ibang dahilan iyon!" diin niya. 

Hindi niya pinaniniwalaan na lolokohin siya ni Zoey, hindi gagawin iyon ng nobya niya dahil alam niyang mahal na mahal siya nito kaya malabo iyon.

"At kailangan sa bar?" tanong sa kanya ni James at may sarkasmo ang boses nito, "kakaiba naman pa lang trabaho iyon? Magkasama rin sila umalis. Hindi mo ba naiisip kung saan sila sunod pumunta?" nakangising tanong sa kanya ni James. Mas diniin niya ang paghawak sa kwelyo ni James.

"Hindi ganoong klaseng babae si Zoey!" gigil niyang tugon kay James.

"Hindi ba?" tanong nito, "sguro hindi mo rin naisip na lolokohin ka ng girlfriend mo at ipagpapalit ka sa boss niya? Sabagay, higit siyang lamang kaysa sayo," nakangising insulto pa nito sa kanya.

"Manahimik ka!" galit niyang saway rito. Iniamba na niya ang kamao kay James at galit na galit siya at gusto niyang suntukin ito. 

"Jared,'tol, huminahon ka!" awat sa kanya ni Aldrin. 

Nasa tabi na pala niya ito at hindi niya napansin. Hinila na siya nito palayo kay James, mabuti at sila lang ang nandoon kaya walang ibang nakakita sa eksena nila ni James. Nakangisi lang si James na inaayos pa ang damit na nagusot.

The Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon