capιтυlυм V

76 9 4
                                    




11 PM

Nang makauwi si Alfi ay naabutan niya si Wilton sa Sala na nonood ng T.V. Umupo ito sa tabi ni Wilton at kalmadong nagtanong...


Alfi: "Wilton, pwede ba kitang makausap?"

Wilton: "Tungkol saan ba Sir Alfi?"

Alfi: "Tara doon tayo sa kusina... Parang gusto ko mag chaa."


Pumunta sila sa kusina at agad namang' pinagtimpla ni Wilton si Alfi ng chaa.


Wilton: "Tungkol saan ito Sir?"

Alfi: "Bago ang lahat, sana sagutin mo ako ng walang halong kasinungalingan. Dahil gusto ko na malaman ang lahat... lahat-lahat ng tungkol sa pamilya ko at sa bahay na to."


Sandaling napatigil si Wilton sa pag-halo ng chaa. Ilang sandali pa ay ini-abot niya na ang tasa kay Alfi.


Alfi: "Sino si Lucilia?"

Wilton: "Bakit sir? pano mo nalaman ang tungkol diyan?"

Alfi: "Hindi na importante yun, gusto ko lang sagutin mo ako ng diretso."


Umupo silang dalawa.


Wilton: "Teka Sir, paano ko ba sisimulan to?"

Alfi: "Simulan mo dun sa... pagsasabi ng totoo...."

Wilton: "Si Lucilia..... Si Lucilia dapat ang unang magiging anak ng magulang mo... "

Alfi: "Unang anak??? Akala ko ba ako lang ang kaisa-isang anak nila mama?"

Wilton: "Dalawang dekada na ako nagsisilbi sa pamilyang' ito.. Siguro marami rin akong' hindi nalalaman tungkol sa mga magulang mo, pero dito ay sigurado ako.."


Bago pa man ipagbuntis ni Mrs. Avena si Lucilia ay ako na ang katiwala ng yong' mga magulang. Araw-araw silang namimili ng mga gamit para sa bata kahit hindi pa ito lumalabas. Kitang-kita ko ang tuwa sa tuwing uuwi sila ni Mr. Artur galing sa pamimili. Gustong-gusto ni Mrs. Avena ng anak na babae. Hindi maikakaila yun dahil halos lahat ng binibili niyang' gamit ay puro pambabae, kahit hindi pa nila alam kung babae o lalaki ang magiging anak nila.  Si Dr. Kilner pa nga ang laging nag che-checkup kay Mrs. Avena. Makalipas ang ilang buwan, nag rekomenda si Dr. Kilner na dalhin nila sa Hospital si Mrs. Avena para i-pacheck kung anong kasarian ng magiging anak nila ng papa mo. Umuwing' malaki ang ngiti niMrs. Avena dahil nalaman nila na kambal ang dinadala  nito lalo pa nang malaman nila ang resulta ng NIPT na walang' natagpuang Y Chromosome. Sa makatuwid, malaki ang tiyansa na dalawang babae ang dinadala ni Mrs. Avena. Tuwang-tuwa si Mrs. Avena maging ang papa Artur mo. Sa tuwa nila, ay halos ipa-ukit nila ang naisip nilang pangalan sa labas mismo ng pinto ng kwarto nila. Si LUCILIA at si SOPHI.

Lumipas ang mga araw at pumutok na ang panubigan ni Mrs. Avena. Sinundo kami ni Dr. Kilner at sinakay sa Ambulansya. Mahigpit naman ang kapit ni Mr. Artur sa kamay ni Mrs. Avena habang nasa biyahe papuntang hospital.


Artur: "Kaya mo yan Ave, kaya mo yan!"

Kilner: "Huwag ka mag-alala Ave, malapit na tayo."


Habang ako ay nakaupo lamang sa gilid at nakatingin sa kanila. Wala akong magawa dahil unang beses kong maka-kita ng manganganak. Nang dumating na sa Hospital, Agad namang' kumuha si Kilner ng mga nurse niya para i-assist ang mag-asawa. Madaling nakarating sa Emergency Room si Mrs. Avena. Si Kilner mismo ang nag-sagawa ng operasyon. Hindi mapakali ang papa mo sa kaba at excitement habang nag-hihintay kami sa waiting room. Makalipas ang 10 Hrs ay tinawag na ni Kilner si Sir Artur. Sandali silang nagusap sa labas, bago pumasok sa loob si Sir Artur. Kitang-kita ko sa mga mata ni Sir Artur ang lungkot nung mga panahong' yun. Sigurado ako na may masamang nangyari.


OCCISOR (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon