'Di parin makapaniwala si Alfi sa mga nangyayari. Dinala siya ni Wilton sa sala at pinaupo para pakalmahin.Alfi: "NASAN NA SI HARIO???"
Wilton: " 'Di ko alam Sir...."
Alfi: "NAKITA KO SIYA KANINA!!! PATAY!!! butas ang isang mata, putol ang kamay at ang daming saksak sa katawan!"
Wilton: "Pero nasan na yung katawan niya Sir???"
Alfi: "Si kuya Henry! alam niya kung nasan' yun! dahil tinawag ko siya nang makita ko ang katawan ni Hario. Lumabas siya sa bahay nila at sabi niya tawagin ko daw si Dr. Kilner! tas' pagbalik namin ni Dr. Kilner ay wala na yung katawan ni Hario at si Kuya Henry!!!"
Wilton: "Sigurado ka ba Sir?? Baka nag hahallucinate ka lang dahil dun sa pina-inom ko sayo."
Alfi: "ANONG PINAINOM MO SA'KIN???"
Wilton: "ATARAX.."
Alfi: "ATARAX?????????!!!"
Wilton: "Hydroxyzine.. treatment siya para sa Anxiety at Nausea, napansin ko kasi kahapon na parang balisa ka pag-gising mo at diba sabi mo Sir, nahihilo ka?"
Alfi: "Nahihilo nga ako pag-gising ko, dahil binangungot ako diba'? Akala ko sinadya mo 'kong painumin ng pam-patulog Wilton."
Wilton: "Ba't ko naman gagawin yun Sir..."
Alfi: "Alam ko.... Pero Wilton! SIGURADONG SIGURADO AKO NA NAKITA KO SA HARIO KANINA!! HINDI AKO NAG HA-HALLUCINATE O ANO. SIGURADO AKO!"
Wilton: "Eh' Nasan na siya Sir?"
Alfi: "Hindi ko rin alam.... Kailangan nating' i-report sa pulis to Wilton."
Wilton: "I-report as ano? Murder? Missing? tingin mo may maniniwala satin' Sir? kung yung 18-D massacre nga na andun na mismo yung biktima sa bahay eh wala paring' nakitang kahit anong ebidensya, kaya sinukuan nalang ng mga pulis yung kaso."
Alfi: "Kaibigan ko si Hario.... Kailangan ko siyang hanapin. Hindi ako susuko."
8 AM
Dali-daling' umalis si Alfi ng bahay para pumunta sa bahay ni Hario. Habang naglalakad di parin mawala sa isip ni Alfi ang nakita niya nung' umaga. Bigla niya namang' naalala yung napanaginipan niya nung isang araw na may namatay pero hindi niya nakilala dahil hindi kita ang muka. Naisip niya na baka, nagkatotoo pala yun at si Hario ang nakita niyang patay sa panaginip.
Alfi: "PERO IMPOSIBLE!!"
Hindi parin siya makapaniwala sa nangyayari.
Mag sa-sampung minuto nang kumakatok si Alfi sa bahay nila Hario pero walang sumasagot.
Alfi: "Mrs. Cecil???? Mr. John???????"
Patuloy parin sa pag-katok. At ilang sandali pa ay may narinig si Alfi yapak ng paa mula sa loob. Sumilip si Alfi mula sa bintana para malaman kung sino ang nasa loob. Laking gulat nito nang makita si Cecil na nakayuko sa sahig at tila ba ay may pinapakinggan mula sa ilalim.
Alfi: "Mrs. Cecil!! Mrs. Cecil! Paki bukas po ng pinto!"
Nagmadali namang' tumayo si Cecil nang marinig si Alfi. At agad naman niyang binuksan ang pinto.
Alfi: "Mrs. Cecil! nariyan ho ba si Hario?"
Nakangiting sinagot ni Cecil si Alfi.
Cecil: "Nasa inyo diba? Sabi niya kagabi sa inyo raw siya matutulog."
BINABASA MO ANG
OCCISOR (ON GOING)
Mystery / ThrillerAnong' meron sa kwarto? Nasaan ang susi? Bakit hindi ako pwedeng pumasok? Sino ka ba talaga? Ano ba kayo? Bakit may nagdadasal? Sinong pumatay sa kanya? HUWAG BASAHIN ANG LATIN. 2018 © Zelevo Veler