capιтυlυм IV

82 9 2
                                    


Maui: "Bakit muna? Bakit niyo sine-search tong' pangalan na to?"

Hario: "Nakasulat yan dun sa loob ng pinto ng magulang ni A."

Maui: "SERYOSO!?????? NASAN!???"


Sinamahan ni Hario si Maui sa pinto habang si Alfi naman ay naiwan sa kwarto. Binuksan ni Hario ang bilog na takip sa sikretong susian.


Hario: "Ayan o!"

Maui: "Totoo nga......."

Hario: "Ang alin???"

Maui: "Siya..."

Hario: "Si Lucilia?? sino ba kasi yan????"

Maui: "Tara balik na tayo sa kwarto ni Alfi, doon ko sasabihin."

Hario: "Oo tara baka makita pa tayo ni Wilton dito sa pinto."


Pagbalik ng dalawa, umupo sila sa tabi ni Alfi at nagsimula nang magkwento si Maui.


Maui: "Alam nyo, nung bata pa ako, palaging nag pupunta yung magulang mo sa bahay namin A."

Alfi: "O tapos??"

Maui: "Isang beses bago ako bumaba ng hagdan, narinig ko na sinabi ng mama mo sa mama ko na, "Wala ng ibang paraan. Kailangan mong protektahan si Lucilia. Ipangako mo! Siguraduhin mong alam niya na ang lahat bago pa man mangyari ang Ritus. At sabihin mo sa kanya na MAHAL NA MAHAL NAMIN SIYA NG PAPA NIYA."

Hario: " RITUS!!!!!!????? HALA GAGO ANO YUN!??"

Alfi: "So, ibigsabihin may kapatid ako......."

Maui: "Oo Hario, RITUS! yan din yung nadinig ko kanina kila mama "ECLESIA RITUS" daw. Parang ganun na nga Alfi, may kapatid ka..."

Hario: "Puta, ano ba yang RITUS NA YAN!??

Alfi: "Teka muna pre! bakit hindi mo nabanggit sa akin ang tungkol diyan ha MAUI??"

Maui: "Hindi ko naman alam dati kung importante yun dahil sobrang bata ko pa nun. At ngayon ko nalang din naalala ang tungkol dun simula nung makita ko na sine-search niyo si Lucilia."

Alfi: "Nakakapagtaka lang, bakit sa magulang mo hinabilin ang kaligtasan ng kapatid ko? at bakit siya kailangan protektahan? protektahan kanino?"

Maui: "Wala na akong ibang narinig pagkatapos nun dahil sabay sabay silang yumuko at nagdasal. Natakot ako nun kaya umakyat ako ulit at natulog. Simula nun hindi ko na siya naalala."

Hario: "Eh nasaan na kaya siya ngayon?"

Alfi: "Yun din ang tanong ko sa isip ko.."

Maui: "Wala naman ibang makakasagot nun kung di si Wilton lang..."

Alfi: "At ang magulang mo....."

Maui: "Oo....."

Hario: "ANO BA TONG MGA NANGYAYARI TANGINA NAGUGULUHAN NAKO."

Maui: "Bakit di mo pa kasi kausapin si Wilton ALFI!!!!!"

Alfi: "Mamaya kakausapin ko na siya.... Yung tungkol dun sa susi hindi ganun ka importante sakin yun, pero yung pati tungkol sa kapatid ko inilihim niya sakin? Hindi ko na papalampasin yun."

Maui: "Kakausapin ko din si mama mamaya paguwi ko."


Natulala nalang si Alfi sa mga nalaman niya.


OCCISOR (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon