capιтυlυм ιιι

79 11 0
                                    




Walang umiimik sa tatlo habang nasa biyahe pauwi. Naguguluhan si Maui sa nangyayari. Si Alfi naman ay hindi padin makapaniwala na mayroong' susi si Wilton sa kwarto ng mga magulang niya. Sa loob ng sampung taon simula nang mamatay ito ay kahit minsan ni hindi nabanggit sa kanya ni Wilton ang tungkol dito. At si Hario naman ay paulit-ulit pinapanood ang nakita niya sa bahay ni Mrs.Elis. Hindi siya nagsasalita. Hanggang basagin ni Maui ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Mauivel: "So, ano ngayon ang plano mo Alfi?"

Alfi: "Ako? Hindi ko alam, gustong-gusto kong tanungin si Wilton tungkol sa susi pero parang may pumipigil sa utak ko, hindi ko alam kung ano."

Mauivel: "Andun na yun eh, alam mo na kung nasan yung susi, bakit hindi mo pa itanong mismo sa kanya ng diretso?"

Alfi: "Bahala na....."

Mauivel: "Anong bahala na! eh bakit hindi mo pa tanungin paguwi mo?"

Alfi: "Ewan ko Maui, parang natatakot ako."

Mauivel: "Natatakot ka saan!??"

Alfi: "Sa mga malalaman ko, sa totoo lang okay naman yung buhay ko ngayon."

Mauivel: "So ano ngayon kung okay ang buhay mo ngayon?"

Alfi: "Pakiramdam ko kasi may mabigat na dahilan kung bakit inilihim sakin yun. Sa ngayon, hindi pa ako handa malaman kung ano man meron dun. Oo marami akong tanong, pero hindi ko pa kailangan ng kasagutan sa ngayon dahil tulad nga ng sinabi ko, OKAY NAMAN AKO NGAYON. Siguro sa susunod nalang. Basta ang importante alam ko na kung nasan yun."

Mauivel: "Ano ba yan! curious na curious na ako eh!"

Bigla namang nagsalita si Hario

Hario: "Siguro.... may relasyon si Mrs.Elis at Dr.Kilner.... tingin niyo?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan hanggang sa nagtawanan nang malakas ang tatlo.

HAHAHAHAHAHAHAHA!

Hario: "Siguro, kaya walang asawa si Dr.Kilner dahil may gusto siya kay Mrs.Elis?"

Alfi: "Pare! ang tanda tanda na nun! expired na ang matris nun!"

Lalo pang nagtawanan ang tatlo dahil sa hirit ni Alfi.

Alfi: "Tara na nga umuwi na tayo!"

Hario: "hahahaha! hoy A! hatid mo kami ha, ayoko maglakad dahil baka mamaya makita ko si Mrs.Elis diyan.............. halikan ko bigla! HAHAHAHAHA"

Mauivel: "Hahahah kadiri ka!"

At isa-isa silang inihatid ni Alfi sa kani-kanilang bahay.



Kinabukasan, bumaba si Alfi para kumain ng breakfast. Nadatnan ni Alfi na bukas ang T.V sa sala,

Alfi: "Wilton! Andyan ka ba?"

Walang sumasagot. Dumiretso naman ito sa kusina para maghanap ng makaka-kain. Nagbukas ng gatas si Alfi at nagsalin ng cereal. Habang kumakain naisipan niyang tawagan si Hario.

Alfi: "Hello pre! nasan ka?"

Hario: "Andito naglalakad papunta sa inyo."

Alfi: "Di ka pumasok gago ka?"

Hario: "Di ako pinapasok ni Ermats! sinama ako dun sa walang kwentang meeting!"

Alfi: "Ona Pirt natin ngayon? teka, meeting saan?"

OCCISOR (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon