capιтυlυм VI

68 9 1
                                    




PAALALA MULI,

Huwag babasahin ang mga dasal na LATIN.








Ave, ave Versus Christus! 






Alfi: "Bakit mo ko' tinatawag na ALPHIUS??!!!! Anong SIC INCIPIT????? at bakit andito ka????"

Wilton: "Narinig ko kasi kanina na sumisigaw ka habang naglilinis ako sa pasilyo, kaya pumasok ako."

Alfi: "Bakit mo ko' tinawag na ALPHIUS?"

Wilton: "Alphius...."

Alfi: "Sinong' Alphius?????"

Wilton: "Ang buong pangalan mo ay Alphius Cilio."

Alfi: "Teka, teka! paano naging Alphius!? Eh simula nung' bata pa ko' ay Alfi na ang ginagamit ko kahit saan, kahit sa mga ID's ko ay ALFI CILIO!"

Wilton: "Nakita mo na ba ang Birth Certificate mo? Hango ang pangalan mo sa isa sa magkakapatid na sina, ALPHIUS, PHILADELPHUS AT CYRINUS. Sila ang tatlong magkakapatid na Santo na namatay kasama ang kanilang ina na si Benedicta. Namatay sila sa........."

Alfi: " Sandali!!.... Wala akong' pakielam sa mga yan! Pero, pero... bakit? bakit pati ang pangalan ko ay ini-lihim sakin???"

Wilton: " Sadyang nakasanayan lang nila at pati na rin ikaw ang pangalang' Alfi, Sir Alphius."

Alfi: "Huwag mo kong' tawaging' ALPHIUS!!!"

Wilton: "Isa yan sa mga habilin sakin' ng mama Avena mo. Na kapag nasa 'yo na ang susi ay dapat na kitang' tawaging' Alphius....."

Hindi sumagot si Alfi....

Alfi: "Aghhhhhh, ang sakit ng ulo ko Wilton.... Binangungot ata ako........"

Wilton: "Magulang mo mismo ang nag pasya na ilihim sayo' ang tunay mong' pangalan."

Alfi: "PERO BAKIT!????"

Wilton: "Katulad mo lang din ako Sir Alfi.... Maraming' bagay dito sa bahay niyo na hanggang ngayon ay hindi ko nalalaman."

Alfi: "Ano ang ibigsabihin nung sinabi mo kanina?"

Wilton: "Ang alin Sir Alfi?"

Alfi: "Yung, Sic........"

Wilton: "Sic incipit."

Alfi: "Oo! yan nga, ano ang ibigsabihin niyan?"

Wilton: "Nagsimula na......."

Alfi: "Nagsimula na ang alin!??"


Biglang' tumayo si Wilton at lumabas ng pinto. Hindi na nakapag-tanong pa si Alfi dahil hindi pa ito makatayo sa sakit ng ulo. Dahan-dahan naman nyang' kinapa ang susi na nakasabit sa leeg niya para siguraduhin na andun parin ito. Pagkatapos niyang mahawakan ang susi ay nakahinga na siya ng maluwag. Hinanap niya ang telepono niya para tawagan si Hario pero hindi niya ito nakita. Ilang sandali pa ay bumalik si Wilton na may dala-dalang' tubig at gamot.


Alfi: "Wilton.. Sagutin mo ang tanong ko.."

Wilton: "Uminom ka muna ng tubig at ito ang gamot Sir..."

Alfi: "Anong' gamot yan?"

Wilton: "Paracetamol lang yan Sir."

Ininom naman agad ni Alfi ang gamot na dala ni Wilton. Dahan-dahang' inihiga ni Wilton ang ulo ni Alfi. Agad namang' nanghina si Alfi...

OCCISOR (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon