CHAPTER 10

3.2K 88 3
                                    

Ria Crystal POV

Hindi ako ngayon mapakali sa pwesto ko sa sofa. Dahil halos lahat sila ay seryosong nakatingin sa gawi ko.

"Bakit ganyan kayo makatingin??" Saad ko.

"Hindi ko naman kasi talaga alam na bawal sa maanghang 'yang lalaking 'yan." Dagdag ko pa.

Seryoso akong tiningnan ni Z.L habang nakasandal sa sofa. Opx. Konti nalang uusok na ilong niyan.

Sumenyas si Z.L kila Gino na iwanan muna kami at agad silang sumunod.

"Ngayon, tayo nalang ang narito." Saad niya't ngumisi ng nakaka loko.

Aba't bastos ito. Napayakap ako sa sarili ko ng wala sa oras.

"Yikes. Wala akong gagawing masama kaya umayos ka nga!!"

"Oh e ano naman 'yon??!" Kunot noo kong tanong kay Z.L at umayos ng upo.

"I just want to have a deal with you."

"Deal for what??"

"Hindi na kasi matapos tapos itong away sa 'tin. Ayaw ko namang humantong ito kung saan madadamay pa ang kalagayan ko. Kaya naisip kong...." humugot siya ng malalim na buntong hininga bago nag patuloy sa pag sasalita.

"Mas maganda kung idadaan nalang natin 'to sa duet. The one who loses, siya ang magiging slave hanggang sa matapos itong Senior Highschool. Deal??"

"Woah! Teka nga, so you're asking me right now to compete with you?? You're impressive, Zayne Lowell Davis. What if ayoko??" I said then I crossed my arms.

"You don't have any choice, Ria Cristina Salvador." He said then smirked. Napabuga nalang ako sa hangin dahil sa ka letsehan nitong lalaking 'to.

"Tumatakbo ang oras Ria, ano, deal??" He said while still having those evil smile. Grrrrrr!

"Oo na!! Oo na! Kailan ba??"

"Right now. Sa University tayo mag d-duet." Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso??! Bakit naman agad agad??!

"Sasabihan ko na sila patungkol rito. Good luck Ria." Nangaasar niyang saad.

Agad akong napasapo sa noo ko ng maka alis si Z.L.

"WALANG HIYA KA TALAGANG LALAKI KA!!!" Inis na sabi ko at ibinato ang throw pillow na hawak ko.

Nakalipas ang ilang minuto at sabay sabay kami muling bumalik sa University. Kahit hapon ay marami pa ring tao rito.

"Nasabihan ko na sila. Mukhang ayos na rin ang stage na gagamitin natin." Napalingon ako kay Tobias ng sabihin niya 'yon.

Akala ko pa naman din mag ka-karaoke lang kami.

Nag patuloy lang sa aming pag lalakad hanaggang sa maka akyat kami ng stage. Agad kaming naka agaw ng antensyon sa mga tao mas lalo na ang mga babae na panigurado ay fans nitong grupo.

"Ano kayang gagawin nila??"

"Ay siya na ba ang bagong vocalist??"

"Pare, ang ganda niya. Makuha nga ang number niya."

Iilan lang yan sa mga naririnig kong sabi nila.

Agad akong napalingon kay Z.L ng ma realize kong wala akong idea kung ano ang kakantahin namin.

"Psst. Z.L." tawag ko. Ngunit hindi niya ako narinig marahil siguro sa biglaang sigawan ng mga tao.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon