Zayne Lowell POV
Nakita ko ang nangyari kanina kila Ria at Tobias.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko bakit sinusundan ko itong babaeng ito na nasa harap ko ngayon habang patuloy na umiiyak.
Na upo siya sa isang bench. Lumapit ako sa kanya't inabot ang panyo ko.
"Mukhang kailangan mo pa ata ng panyo, ito oh." Kinuha niya 'yon.
"Tara na." Saad niya't tumungo kung saan naka garahe ang kotse.
"Uuwi ka na?" Takang tanong ko.
"Hindi. Bahala ka na kung saan tayo pupunta. Basta ayokong umuwi." Aniya
Binuksan ko ang kotse't agad siyang pumasok sa passengers seat sa harap.
Napatingin ako sa wristwatch ko. 7 pm. Makaka abot pa kami.
Mabuti nalang at bukas pa ang funfair malapit dito. Agad kong nai park ang kotse at bumaba.
Taka akong nilingon ni Ria.
"Bakit dito??" Takang tanong niya.
Ngiti lang isinagot ko sa kanya tumungo kami sa may ticket lane matapos ay hinila siya papunta sa may ferriswheel. Mabuti nalang at walang pila.
"Huy, Zayne. Anong ginagawa natin dito??" Tanong niya pa. Hindi ko pinansin bagkus ay pumasok sa loob.
"Go. Bahala ka na kung anong gagawin mo ngayon." Saad ko ng makarating kami sa itaas.
Napa 'tsk' lang si Ria at tumingin sa labas. Mamaya maya ay unti unting lumabas na naman ang mga luha niya.
Hindi na ako nag salita't hinayaan lang siyang pagtuloy lang sa pag iyak hanggang sa nakatulog siya.
Ay, akala ko pa naman sisigaw siya. Pinag handaan ko pa naman din 'yon.
Ria Crystal POV
Nagising ako at saktong bumungad sa 'kin pag mumukha ni Kuya.
"Oh , bakit ganyan ka makatingin??" Takang tanong ko at bumangon.
"Anong nangyari kagabi??" Tanong niya pa.
Napabuntong hininga ako't hindi siya pinansin. Dali dali akong tumungo sa may closet ko at kinuha ang uniform ko at ilang gamit para makaligo ako.
"Sige na, bunso. Anong nangyari kagabi??" Pagpupumilit ni Kuya.
Na alala ko na naman ang nangyari kagabi sa may garden.
"Wala. Walang nangyari kagabi. Mag ayos ka na rin ihatid mo nalang ako sa school hehehe." Saad ko't pilit na tumawa.
"O siya, sige. Lalabas na ako. Mag almusal ka pagkatapos mo mag ayos ha??" Dagdag niya pa't lumabas na ng kwarto.
Nakalipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa University.
Aakmang bababa na ako ng kotse nang magsalita si Kuya. "Hanggang anong oras ka ngayon, bunso??"
"2 ng hapon." Sagot ko't ngumiti saka bumaba ng kotse.
Tumingin ako sa wristwatch ko. May 30 minutes pa ako. Aakmang mag lalakad na ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"RIAAAA!!" napalingon ako at nakitang tumatakbo si Chloe papalapit sa 'kin.
"Ang aga mo ah!!" Aniya at niyakap ako ng pagkahigpit.
BINABASA MO ANG
My Senior Highschool Life
Teen FictionRia Crystal Salvador a typical girl in school. On her way to her classroom, she met her EX bestfriend named Cindy Bianca Rosario. Ang kaisa isang babaeng kinaiinisan niya. Later on, she was called at the Dean's office. Inalok siya na pumalit doon...