CHAPTER 12

2.8K 76 16
                                    

Ria Crystal POV.

Bakit ba kasi narito ang  lalaking 'to??!

Akala ko makakaligtas ako ngayon araw. Arghhh!

"Ano bang ginagawa mo rito??" Tanong ni Kuya ng makarating ang inorder namin.

"Duh! Malamang tinawag siya ni Mom kaya nandito siya kasama natin." Pabalang kong sagot.

"Kailan ka pa naging Zayne ha, bunso??" Kunot noong saad niya.

"Ngayon lang, Kuya." Sagot ko.

"Enough with that. Kumusta pala ang school, Zayne??" Baling ni Mom kay Z.L habang patuloy pa rin  sa pag kain.

"Ayos lang naman po." Sagot ni Z.L at bahagyang ngumiti. Sumenyas siya sa isang waiter na dito na dalhin ang inorder niya since wala siyang kasama.


Nakalipas ang ilang minuto ay natapos rin kami.

"O siya, mauuna na kami Zayne." Paalam ni Mom.

Aakmang aalis na ako ng biglang hatakin ni Z.L ang kamay ko.

"Tita, maaari ko po bang mahiram ang anak niyo ng isang araw??" Agad akong napalingon sa kanya habang salubong ang kilay ko.

'What the hell are you doing??' I mouthed.

Ngiti lang ang naisagot niya sa'kin.

Ako'y nag dadasal ngayon sa lahat ng santo na sana'y hindi ako payagan ng aking ina.

"Sige. Ngunit, huwag kayong gagabihin ha??" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng sabihin 'yon ni Mom.

Nakangiting tumango tango si Z.L.

"O siya, mauuna na kami." Nakangitin paalam ni Mom.

"Ingatan mo 'yan! Patay ka sakin kapag may nangyari diyan!!" Pahabol ni Kuya saka sila umalis.

Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya't naunang nag lakad.

"Hoy! Teka lang, Ria." Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Titigil ka ba o titigil ka??!" Saad niya pa ngunit hindi ko pa rin siya pinansin, pa tuloy pa rin ako paglalakad nang bigla niya akong hatakin dahilan para sumubsob ako sa dibdib niya.








*BEEEEEP*












Agad namang may dumaang kotse sa likuran ko.

"Sinabi ko kasi tumigil ka na! Tinginan mo muntikan ka na roon!!" Seryosong saad niya. Agad akong kumawala mula sa pagkakahawak niya ng mapagtantong napakalapit namin sa isa't isa.

"A-ano ba k-kasing ginagawa mo dito??" Tanong ko at hindi pa rin makatingin sa mga mata niya.

"Narito lang naman ako dahil sasamahan mo ko bumili ng regalo para sa kasal." Saad niya.

"Bakit kailangan mo pa ng regalo, kakanta lang naman tayo doon." Bulong ko.

"May sinabi ka??" Taas kilay niyang tanong.

"Wala. Tara na."


Nauna akong naglakad at hindi siya nililingon. Nakalipas ng ilang minutong paglalakad ay taka akong napatingin marahil wala akong narinig kahit tawagin man lang ang pangalan ko.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon