Ria Crystal POV
Nandito ako ngayon sa kotse ni Jaspher habang nakatulala sa bintana. "May problema ba, Ria? Mukhang malalim ang iniisip mo ah??" Napabuntong hininga ako bago nag salita.
"Bakit ganon?? Hindi ko maintindihan..." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kawalan.
"Hindi mo maintindihan? Ang alin??" Tanong naman ni Jaspher.
"Ewan ko ba... Umuwi nalang tayo..." walang ka gana gana kong sabi at napabuntong hininga.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba. "Salamat. Dito na ako." Paalam ko at bahagyang ngumiti saka isinarado ang pinto.
Hinintay ko muna siyang maka alis bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Tumungo ako sa may sala at sumalubong sa 'kin si Kuya na mukhang malalim pa rin ang iniisip habang hawak hawak na baso. Dali dali akong umupo sa tabi niya at kinuha 'yon saka ininom.
Waaaah!!! Ang init sa katawan!
Halatang nagulat naman si Kuya sa ginawa ko.
"Sira ka ba?? Alak 'yon, bunso!" Pa sigaw na sabi ni Kuya.
"O, eh ano kung alak?? Tsk." Sabi ko at inirapan siya.
"At kailan ka pa natutong uminom ha??" Tanong niya at sinamaan ako ng tingin.
"Ngayon lang." Sambit ko at aakmang lalagyan ko pa ang baso ng kunin sa 'kin 'to ni Kuya.
"May problema ka ba, bunso??" Tanong ni Kuya habang salubong ang kanyang kilay .
"Ha?? Ako?? Wala..." Sagot ko at pilit na ngumiti.
"Wag nga ako, bunso. Kapatid kita kaya, alam ko kung may bumabagabag ba sayo o wala." Saad niya.
"O, e alam mo naman pala. Bakit ka pa nag tatanong??" I sarcastically said.
"Tinatamaan ka na naman ng pagka pilosopo mo ha, bunso."
Napa 'tsk' lang ako at sumandal sa sofa saka bumuntong hininga.
"I saw her at the mall." Nanlaki ang mga mata ko at agad kong nilingon si Kuya ng sabihin niya 'yon.
"Nag usap kayo?? Okay na kayo?? Nag paliwanag siya?" Sunod sunod kong tanong habang nakatingin sa mga mata niya.
"Stop staring at me. Hindi kami nag usap. I saw her with someone else." Sabi niya at uminom ng alak.
"Tsk. tsk. tsk. Bakit kasi hindi mo nalang kausapin ng masinsinan si Ate. Napangungunahan ka kasi ng galit." I took a deep breath bago nag patuloy sa pag sasalita.
"Kuya, kahit sandali lang. Kahit isang araw lang. Could you please just set aside your emotions. Kasi sa tingin ko hindi masasagot lahat ng katanungan mo kung may galit pa diyan sa puso mo." Saad ko at panandaliang tumingin sa dibdib ni Kuya.
"Oo. Naiintindihan ko na hindi rin 'yon ganoon ka dali dahil sa nangyari sa inyo ni Ate matagal na. Pero, na sasayo naman 'yan kung hihintayin mo pa na mawala ang galit na nararamdaman mo. Well, this is only just my opinion, Kuya." Saad ko pa at tinapik ang balikat ni Kuya saka tumayo.
Aakmang dederetsyo na ako sa kwarto ng marinig kong mag salita si Kuya. "Hindi ko alam na may sense ka palang kausap minsan, bunso. Pero, salamat." Bahagya akong natawa ng sabihin niya 'yon at tuluyang pumasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
My Senior Highschool Life
Teen FictionRia Crystal Salvador a typical girl in school. On her way to her classroom, she met her EX bestfriend named Cindy Bianca Rosario. Ang kaisa isang babaeng kinaiinisan niya. Later on, she was called at the Dean's office. Inalok siya na pumalit doon...