CHAPTER 2

5.2K 145 3
                                    

Ria Crystal POV

Balisa akong pabalik ng classroom ngayon. Nang may bumangga sa 'kin dahilan para mapa upo ako sa sahig.

"Ayos ka lang, Miss??" Napatingala ako ng marinig ang boses na 'yon.

"Gino Tolentino?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Ria Crystal Salvador??" Agad niya akong tinulungan tumayo at masayang niyakap.

"Kumusta ka na??" Tanong niya pa.

Si Gino Tolentino ay bestfriend ng Kuya ko pero, kasing age ko lang siya. Ang huli naming pagkikita ay noong 14 years old pa ako dahil pumunta na silang States. Kasama rin siya sa bandang Nirvana Brook Six pero, hindi ko siya nakikita marahil siguro busy sila sa pag p-practice. Hindi ko naman sila nakikita kapag break time dahil base sa naririnig ko, lagi silang tambay doon sa auditorium at isang building pa layo nun sa classroom ko. At siya rin ang kaisa isang taong nagustuhan ko. Alam niya 'yon pero mukhang ayos lang naman sa kanya.

"Ayos lang. Ikaw ba?? Kumusta sa states?" Tanong ko at nag patuloy sa paglalakad. Sumabay naman siya sa paglakad ko.

"Ayos lang din. Matanong lang kita..." napalingon ako sa kanya. "Ano nga palang ginagawa mo kanina sa harap ng Dean's office??"

Nag kibit balikat ako bago nag salita "Wala. Sige una na ako. Salamat pala." Paalam ko sa kanya at nag madaling umalis. Napatingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang late na ako sa first subject namin.

Patakbo akong pumunta sa harap ng classroom ko. Bahagya akong sumilip sa bintana roon para makita kung may teacher. Nang wala akong makita ay marahan akong pumasok.

"Why are you late, Miss Salvador?" Halos mapatalon ako sa gulat ng mag salita si Sir Go.

"S-sir! Nandyan po pala kayo!" Uutal utal kong sabi.

"Again, why are you late, Miss Salvador??" May halong seryosong tanong niya. Tumayo ako sa tapat ng pinto at hinarap si Sir na nakatayo sa likuran.

"I was at the Dean's Office." Pagdadahilan ko at dere-deretsyong tumungo sa pwesto ko at umupo. Hindi ko na hinintay ang response niya.

"Did I permitted you to sit down?!" Tingin ko ay seryoso pa rin siya base sa tono ng pananalita niya.

"Is there anything you want to ask, Sir??" Tanong ko at humalukipkip.

"Since late ka, I need your answer, why is visualization important??" Taas kilay niyang tanong at nilingon ang pwesto ko.

'Search mo sa google.'

Inirapan ko siya at pilit na tumayo. Hindi na ako pumunta sa harap dahil tinatamad ako. "It makes it easier for us to understand the text because we are looking beyond the words and creating images. Through the images, we are able to recall the material much easier." Sagot ko at umupo.

"Okay." I think, he's not satisfied with my answer.

Badtrip itong mga ganitong teacher. Gusto nila kung anong naiisip nila yun yung marinig nila mula sa estudyante. Hindi naman kami nakakabasa ng utak. Real talk.

"Let's proceed... When you visualize, remember class, that you are making the passage into a movie..." tumungo si Sir sa table niya at binuksan ang laptop niya. Nag patuloy siya sa pag d-discuss habang ako ay pinakinggan siya.

Halos lahat kami ay napalingon ng biglang magbukas ang pinto. Iniluwa nito si Chloe.

Saan siya pumunta?? Bakit ngayon lang bumalik?

"Ria Crystal Salvador. You are now part of the Nirvana Brook Six!!!" Hindi makapaniwalang sigaw niya at mabilis na tumungo sa pwesto ko at niyakap ako. Narinig ko ang mga bulungan ng iba kong mga kaklase.

"Hala! Ang swerte naman niya!!"

"Makikita niya ang lima!! Omg!!"

Hindi ko sila pinansin at binatukan si Chloe.

"Aray ha!!" Sigaw niya at hinaplos ang buhok niya.

"Bakit kailangan mo pa isigaw??" Pabulong kong sabi. Hinarap niya ako at nag peace sign.

"Ms. Abrantes!!!" Nagulantang siya ng marinig ang boses ni Sir Go.

"S-s-sir!" Uutal utal niyang sabi at hinarap si Sir.

"It's already 9:30 in the morning! Bakit ngayon ka lang bumalik?! Ganon ba kabigat ang kunin sa lamesa ng adviser niyo ang attendance record niyo?!!" Pasigaw niyang tanong. Natahimik ang buong klase at napayuko si Chloe. "No Sir, I'm so sorry." Mahinang sabi niya. Tumungo siya sa pwesto niya at naupo.

"Okay, as I said earlier, you're going to have your 300 items quiz next meeting about our next topic! That's all!!" Sigaw niya sa buong klase at mabilis na lumabas ng room.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip.

Kapag talaga hindi ako nakapagpigil sasabunutan ko yung baklang teacher na 'yon!

Napatingala ako ng may makitang pares ng paa sa harap ng desk ko.

"So, ikaw pala ang papalit sa akin. My pathetic EX BESTFRIEND! Siguro isa ka rin sa mga taong gusto makuha ang atensyon ni Z.L." kunot noo ko siyang tiningnan at bahagyang natawa.

Pansin kong nakakaagaw kami ng atensyon sa iba naming kaklase.

"Oh really?? Let me correct you. I'm not pathetic like you do, b8tch!" Napatayo ako ng wala sa oras at lumabas ng room. Rinig ko naman ang hiyawan ng iba kong kaklase.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may humatak sa braso ko at agad akong nakaramdaman ng palad sa aking kaliwang pisngi.

"You Bitch! Ugh!" Napatingin ako sa mata ni Cindy na ngayon ay nanlilisik na.

Napangiwi ako ng maramdaman ang paghila niya sa buhok ko. "Ano ulit yung sinabi mo?? Hindi ko narinig.." Nanggigigil na sabi niya.

Bahagya akong natawa. "Truth hurts ba?" Saad ko ng may ngiti sa labi. Napahawak ako sa braso niya ng hilain niya pa ang buhok. "Aahhhhhh!!!!"  Feeling ko matatanggal na yung anit ko.

"Hindi mo alam kung sino binabangga mo." Pagbabanta niya.

Ako?! Matatakot sa kanya? Tss. Naturingan pa namang secretary ng student council ganyan ugali. Hindi mo 'ko matatakot sa pa ganyan-ganyan mo, Cindy. I've know you for damn years!

"Really?? Omg! Natatakot ako..." pang aasar ko.

"You! Crazy bitch!!!" Sigaw niya. Napapikit ako ng makitang sasampalin niya muli ako. Pero, wala akong naramdamang palad na dumampi sa pisngi ko. Agad akong nakarinig ng bulungan sa paligid.

"You're so damn noisy, Cindy." Napadilat ako at nilingon ang lalaki sa gilid ko. Naramdaman kong bumitaw si Cindy sa pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Zayne Lowell..." hindi makapaniwalang sambit ni Cindy. Nakahawak ngayon si Z.L sa braso ni Cindy.

"Let me go!!" Sinubukang pumiglas ni Cindy sa pagkakahawak ni Z.L sa kanya. Ngunit, hindi siya pinakinggan ni Z.L at tiningnan lang siya. Wala pang ilang segundo ng hatakin siya ni Z.L papalayo sa kinaroroonan namin.

Tsk. Akala ko pa naman din ako yung hihilain dahil ako yung sinaktan gaya nung mga nababasa ko sa novels.

Napailing lang ako sa naisip ko at mabilis na tumungo sa washroom.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon