[School]
'Bakit ko pa kasi sinabi yon kay Kuya napagtawanan tuloy ako.. Kainis talaga.' Kinakausap ko ang sarili ko.
Parang na freeze ako sa may pinto ng room namin kasi andito si Janet ang rumor girlfriend ni Kai Rodriguez ang Ultimate Crush ko. Oo, siya ang Ultimate Crush ko simula pa lang nong elementary ako at kahit si Lenie na close friend ko ay hindi ko sinabihan. Lagi kong ka-classmate yang si Kai pero ni kahit minsan hindi ako nag pakita ng sign na may crush ako sa kanya.
Kahit nong hiningi nya ang number ko ay walang nakahalata na umaapaw na ang kilig ko. Pero alam at kilala ni Kuya kung sino si Kai dahil kay Kuya lang ako nag o-open up at kahit ilang beses ng nagpunta si Lenie sa bahay at kinukulit si Kuya tungkol sa Ultimate Crush ko ee walang ibinibigay na information si Kuya kahit initial name ni Kai ay hindi nya binanggit.
At dahil desperada na si Lenie na malaman ang aking Ultimate Crush ay lahat na ng ibat-ibang klase ng slum note ay naipasign na nya sakin pero lahat ng tanong sa slum note ay nasagot ko na maliban na lang talaga sa Ultimate Crush.
-
Nabalik na lang ang aking katinuan ng hilahin ako ni Lenie papasok sa loob ng classroom.
'Girl, ang landi ni Janet noh ? sya pa talaga ang pumunta dito.' Bulong sakin ni Lenie.
Hindi na lang ako umimik.
Oo, si Janet sa ibang school sya nag-aaral at ilang beses na din akong umiyak dahil sa selos. Mga chismis lang pero nasasaktan ako. Actually, dalawang beses ko pa lang nakita yang si Janet. Una, na chismis na nakipaghalikan daw si Janet sa school campus nila at sakto namang mag lalaban ang school namin at yong kanila. Pangalawa, ang ngayon na andito sya sa room namin. Lagi ko ngang naitatanong kung anong meron sa kanya at wala sakin.