[Beach]
Yes, andito na kami sa beach para mag celebrate pero eto ako nakatulala nag pi-play pa kasi sa isipan ko ang sinabi ni Kuya. At alam nyo ba na naka sign uli ako ng slum note at sobrang na shock naman sila dahil may answer na ang Ultimate Crush. Yep, naglagay na ako nang sagot, don do sinimulan ang sinabi ni kuya sobrang nag trending sa buong campus. Ang nilagay ko lang naman ay 3-9 kaya silang lahat nag-isip kung sino yon. Ang dami-dami nilang tanong tulad ng: kaklase ko ba daw, ka idad, schoolmate at marami pa at mag papatalo ba ang closefriend ko ? Pero kahit anong kulit nila sakin tahimik lang ako nag papaas if na walang paki alam kung mahanap nila pero sa totoo lang sobrang kaba ko. BTW, nagpapaas if ako ngayon na masama ang pakiramdam ko kaya nakahiga na ako nong medjo inaantok ako ipinikit ko na ang mga mata ko kaya lang..
'Jack ! Jack ! Bumangon ka si Lenie.' Pukaw sakin ni Riza kaklase ko. Napabalikwas naman ako agad ng bangon pagtingin ko sa wrist watch ko 7:45 pm pa lang. Sumunod ako kay Riza sa labas ng pagtingin ko nag bonfire sila at nakapalibot sa sinag nang apoy.
Nakatingin silang lahat sakin habang papalapit ako sa kanila. Andito ata ang buong section namin at ako lang ang kulang. Napahawak naman ako sa ulo ko ng makita ko si Lenie na napakalapad ng ngiti sakin. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila pinaupo nila ako sa tabi ni Lenie at kinulit na kantahan ko daw yong crush ko pero nong nagtangka akong tumayo hinawakan nila ako at pinilit nilang hawakan ko yong gitara nang napatingin ako kay Kai agad akong nagbawi ng tingin pano ba naman kasi nakatingin din siya sakin at nakangiti.
Nong una kasi kahit hindi ako yong nginingitian nya okey lang sakin atleast nakita ko pero ngayon ngumiti sya sakin ? Tsk ! Baka nag-iimagine na naman ako sabagay masakit ang ulo ko.
'Kumanta ka na Jack yong para talaga sa Ultimate Crush mo huh ? Kasi pagkatapos mong kumanta huhulaan na namin kung sino sya.' Nakangiting sabi sakin ni Lenie.
At dahil don umandar na naman ang curiousity ko. Hindi na ako nag tanong basta inayos ko yong gitara then I start struming. Hindi ako tumitingin kahit isa man sa kanila sa gitara lang ang focus ko.
'Nais kong malaman nya nagmamahal ako yan lang ang nag-iisang pangarap ko gusto ko mang sabihin di ko kayang simulan pag nagkita kayo pakisabi na lang.....' -- Sana man lang maramdaman nya.
'Paki sabi na lang na mahal ko sya di na baling may mahal syang iba paki sabi wag syang mag-alala di ako umaasa alam kong itoy malabo di ko na mababago... ganon paman paki sabi na lang.' -- Tama, sa pag take ko ng risk na to hindi ako umaasa na may mangyayari o mababago basta ang alam ko gusto ko ng pakawalan ang nararamdaman ko.
'Sana ay malaman nya masaya na rin ako kahit na nasasaktan ang puso ko, wala nakong maisip na mas madali pang paraan pag nagkita kayo paki sabi na lang...' -- Tuloy-tuloy lang ang pag kanta ko hanggang sa maramdaman kong ang tahimik nila.
'Ganon paman paki sabi na lang...'
Saktong natapos ang last line ng kanta idinilat ko na ang mga mata ko. Nagulat ako ng mukha ni Kai ang nakita kong nakangiti at nasa harapan ko.
'Paki sabi na lang na----ako ang Ultimate Crush mo ? -- biglang domoble ang bilis ng tibok ng puso ko.
'Oo, Mendez sinasagot na kita at---------TAYO NA.' Naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko parang feeling ko lalabas na ito sa rib cage ko. At parang ang daming paro-parong nagliliparan sa tyan kona hindi ko maintindihan. Nakangiti lang sya.
Ako ? TULALA hindi ako maka react sa nangyayari. Ang dala nyang rose ay inipit nya sa gilid ng tainga ko. Then dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
Sobrang nanlaki ang mata ko sa ginawa nya hinalikan nya ako then niyakap ng sobrang higpit.