[Sa Bahay]
'Alam mo Jackie dapat matagal mo na sana yong ginawa. Pero okey lang din naman na ngayon ka lang gumawa ng paraan para malaman nyang matagal mo na syang crush pero alam mo hindi na yan crush yang nararamdaman mo sa kanya. Ang crush kasi parang unli lang yan may 1 day, 2 days, 5 days, maximum na ang 1 month. Pag lumagpas ka, matakot ka na, over ka na sa bill MAHAL NA YAN !'.
Pak ! tamang-tama na naman ako sa sinabi ni Kuya pero hindi ako nag react gusto ko lang marinig ang sasabihin nya.
'Proud nga ako sayo ee akalain mo yon nadala mo parin hanggang ngayon ang pagka gusto mo sa kanya ng walang nakakaalam. Hindi sa tinuturuan kita pero nasa sayo lang kung susundin mo ko malaki ka na.' Hinarap ako ni Kuya sa kanya at tinitigan sa mata. First time to na ganito kaseryoso si Kuya.
'Siguro panahon na na dapat ipaalam mo na sa kanya yang nararamdaman mo kahit walang mangyari kung malaman nya atleast nalaman nya pagkatapos ng high school hindi mo alam kung magkaklase parin kayo o kung wala man syang gawin kung magkita ulit kayo atleast masasabi nya si Jackielyn Mendez uh ! na nagka crush sakin sa mahabang panahon.' Bumuntong hininga muna si Kuya bago nagsalita ulit.
'Ipaalam mo sa kanya pero wag kang gumawa ng move na ikakasira ng pangalan mo, ipaalam mo lang sa kanya. Nasasaktan din ako tuwing nakikita kang umiiyak dahil sa kanya pero gusto kong suportahan ka kaya kung makita mo man na may kasama syang iba pwdi ka ng mag emote kasi alam nyang nasasaktan ka dahil alam nyang may nararamdaman ka sa kanya. May ibang lalaki din kasi na hanggat hindi nagpapakita ng motibo ang babae ee wala din silang gagawin and besides mag co-college na kayo who knows baka hindi na kayo magkita and last chance mo na to para ipaalam sa kanya.' Gusto kong umiyak ang swerte ko sa Kuya ko. Niyakap ko na lang sya at nag thank you. Tama lahat ng sinabi ni Kuya. Hindi ako makalalabas sa nararamdaman kong to kung hindi ko mailabas at kung malaman nya at wala syang gawin atleast makaka-move on na ako. I sigh...