Sa mga hindi masyado naintindihan ang storyang to. Ito dadagdagan ko.
=Lenie POV=
Pagkatapos mag sign ni Jackie sa bagong slum note namin ee nag agawan pa kami at nag kumpulan, sabay-sabay naming lahat binasa ang mga sagot nya at syempre nagulat kami ng may isinulat na sya sa Ultimate Crush.
3-9 yan ang isinulat nya. Pinag connect-connect ko lahat ng napapansin ko sa kanya.
Una: nababadtrip sya tuwing nakakarinig ng chismis about kina Janet at Kai.
Pangalawa: pag si Kai ang tumatawag sa kanya hindi sya nakikinig at kung nakikinig man hindi tumitingin ng deretso kay Kai.
Pangatlo: tuwing ngumingiti o tumatawa si Kai napapansin kong nag bu-blush si Jackie.
Pang-apat: tuwing napapatingin sa kanya si Kai sobrang natataranta sya. At higit sa lahat ang alam namin ang Ultimate Crush ni Jackielyn ay simula pa lang nong elementary pa kaya imposibling hindi namin ka year yon.
Nag tanong-tanong naman ako sa ibang section na 4th year din kung sino ang naka klase ni Jackie kung hindi babae at lalaki pero hindi 3-9. Syempre alam kong pangalan at apelyedo yong 3-9 ganyan naman talaga kadalasan.
Kinolekta ko lahat ng pangalan sa mga kaklase naming lalaki at only Kai is 3-9 syempre para masiguro ko tinanong ko si Kai at nagulat ako nong sabihin nya na mag ka-klase sila ni Jackie simula elementary. Nong tinanong nya ako kung bakit ipinaliwanag ko sa kanya lahat-lahat at ang sagot nya ?
'Please, Lenie tulungan mo ko mahal ko din sya'. Oo, mahal nya din daw si Jackie pero simula pa lang daw ang layo-layo daw ni Jackie. Sa lahat daw ng ka klase nyang babae si Jackie lang daw ang hindi nya ka close natakot daw syang unang pansinin si Jackie dahil baka dedmahin lang sya at lagi daw sya nauunahan ng pagka torpe at yong si Janet ? Pinsan nya lang daw yon.
Kaya nya chinichismis ang kanyang sarili. Oo, si Kai lang daw ang nag chichismis sa kanyang sarili para pagselosin si Jackie pero hindi daw nya nakikitang nagseselos si Jackie. Nong na chismis si Janet na nakipaghalikan sa campus nila ? Oo, totoo daw yon dahil boyfriend nya yong lalaki at nagagalit na daw ito sa mga chismis nila ni Kai kaya nong sinabi daw ni boy na halikan sya ni Janet sa maraming tao at sa loob ng campus para patunayan ni Janet na love pa nya si boy ay hindi sya nag dalawang isip na gawin ito.
Nong dinala naman ni Kai si Janet sa room ee dahil napikon na daw si Janet at gusto nyang makita si Jackie at kausapin ito pero pagkatapos kumanta ni Jackie ee nagmadali na itong umuwi kaya no choice na si Janet para makausap si Jackie.
Hanggang umatras na si Janet dahil selos na selos na ang boyfriend nito kaya sakin sya humingi ng tulong.
Kaya nang mag celebrate kami sa beach ay plano namin yon at syempre napansin ko na bago kumanta si Jackie ee tumingin muna sya kay Kai at nong nginitian sya ni Kai ay agad syang nag iwas ng tingin at kahit gabi na at ang apoy lang ang ilaw namin ee kitang kita ko ang pag bu-blush ni Jackie.
At nagulat kami syempre kami marami kaya kaming nakatingin nang sabihin ni Kai na..
'Oo, Mendez sinasagot na kita at -----TAYO NA'. Nagulat man ako sa sinabi ni Kai ee mas ikinagulat ko ang sunod na ginawa ni Kai. Alam nyo na yon mabuti na lang walang teachers na nagbabantay samin.
Nong tinanong ko naman si Kai kung bakit ganon ang sinabi nya ang sagot nya ?
'Ayaw ko ng manligaw pa baka patagalan nya o kaya pahirapan nya ako ee gustong-gusto ko na kaya syang alagaan kaya grab the opportunity.'
Oh, diba ! ang saya lang ? Mabuti na lang talaga at hindi nag react ang ugag konh omega siguro feeling nya imagination parin ang lahat. HAHAHA. Sana nga lang sila na talaga perfect couple ee at sana malagpasan nila lahat ng trials na darating na nakahawak parin sila sa isat isa.
END.
TENK Ü 😘 -- Very Many. :*
