Subic

38 0 0
                                    

Five.

Nagising ako dahil sa malakas na pagtapik sa balikat ko, "Kyleigh!" rinig na rinig ko ang boses ni Matthew. "Hey, are you okay? You're crying." unti unti kong idinilat ang mga mata ko at naramdaman ko ang tuyong tubig sa pisngi ko.

Doon ko napagtantong, nananaginip ako.

Isang napakasamang panaginip, pero ramdam ko na sa kaibuturan ng puso kong may masakit, may makirot. Kahit sa panaginip ay nasasaktan ako.

Tumingin ako kay Matthew at mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko.

"Napanaginipan ko siya," sabi ko sa kanya, huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko sobrang sikip ng dibdib ko. Agad na nagsalubong ang kilay niya.

"Sino?"

"Si Dion." sabi ko, "Ang sama sama ng panaginip ko," sabi ko at napailing-iling.

"Kyleigh naman, tigilan mo na si Dion, magmove-on ka na." sabi niya sakin.

"Kung kaya ko lang, matagal ko ng ginawa, Matthew."

"Kaya mo naman eh, ayaw mo lang talaga."

Napangiwi ako, "Napanaginipan kong nagmakaawa ako kay Dion na balikan niya ko habang umuulan, at sabi niya baka daw tama ang desisyon niya na iwan ako. Tapos nagulat na lang ako bigla siyang sinapak ni Dalton." kwento ko sa kanya, agad nagsalubong ang kilay niya at natawa.

"Anong ginagawa ni Dalton don?" tanong niya, huminga ako ng malalim at saka nagkibit balikat sa kanya.

"I also don't know, Matthew." naguguluhang sabi ko. Ano nga ba ginagawa ni Dalton sa panaginip ko? Bakit siya yung lalaking nakita kong sumapak kay Dion? "Damn, I'm confused." dagdag ko pa habang walang tigil pa rin sa pag-iisip.

Napailing si Matthew sakin at bahagyang natawa, "Tsk, it's just a dream, Kyleigh. Come on, dinner is ready." sabi niya at tumalikod na at lumabas ng kwarto ko.

Tumayo nako at dumerecho sa bathroom para maglinis ng katawan. Nang matapos ako ay nagbihis lang ako ng pajama at t-shirt. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Trev don.

Trev
Sure, I'll go.

Hindi ko maiwasan na mapangiti, he never says no to me. Tinext ko kasi siya, sabi ko ay sumama siya bukas sa outing. At yan ang reply niya sakin.

Bumaba nako dala ang phone ko at nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbaba ng marinig ko ang malakas na tawanan na nanggagaling sa dining area. Okay, they are still here.

Nagpunta nako sa dining area at lahat sila ay napatingin sakin, tipid akong ngumiti.

Si Dalton, Kath, Bobbie, Cheska at Matthew na lang ang naabutan ko don. Umuwi na siguro si Kenjie at si Dylan, kaya siguro malungkot nanaman 'tong si Cheska.

"The royal princess is here," si Bobbie, napairap na lang ako sa kanya at dumerecho nako sa katabing upuan ni Matthew. Kung saan katapat ko si Dalton. "Ang sungit talaga nito, ang haba haba na nga ng tulog mo eh," dagdag niya pa.

"Shut up, Roberta." sabi ko at inirapan siya, napatawa naman si Cheska at si Kath ng banggitin ko ang first name ni Bobbie. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag sa first name niya, ang panget daw kasi.

"Really? Roberta ang real name mo?" tanong ni Dalton kay Bobbie kaya agad akong napatingin sa kanya, siya naman ay nakatingin kay Bobbie dahil nagtatanong.

Biglang nahiya si Bobbie kaya sinamaan ako nito ng tingin, "You're embarrassing me." sabi niya habang masamang masama ang tingin sakin.

"It's your name, Bobbie. Deal with it." sabi ko at napairap, nagpatuloy ako sa pagkain ko at hindi na lang sila pinansin kahit na sobrang ingay na nila.

Why Did I Fall For Someone Like You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon