Broken

173 0 0
                                    

One.

"I'm tired." bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin ni Dion ang mga salita na yon, matiim ko siyang tinignan sa mga mata niya at wala nakong makitang kahit anong emosyon don, hindi na katulad ng dati, he's really tired.

"Then rest," mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya yon.

Napailing siya habang unti unting yumuyuko, ilang minuto kaming tahimik at nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya na mabilis niyang pinunasan. Nag-angat siya ng tingin sakin.

"I'm sorry, Kyleigh." seryosong sabi niya "I'm breaking up with you. You deserve someone better."

Fuck

He's breaking up with me. Tama ba ang rinig ko? Tumulo ang luha ko at naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko. Hindi ko akalaing darating kami sa punto na 'to, akala ko siya na. Pero eto siya, tinatapos na ang lahat.

"So, ganon lang kadali para sayo lahat yon?" sabi ko at napangisi, tinulak ko siya sa dibdib niya "Lakas manghamon ng hiwalayan ah, bakit? May reserba ka ba ha!?"

"Kyleigh, stop."

"Yes, I'll stop." seryosong sabi ko "I'll stop loving you." sabi ko at tumalikod nako.

Fuck you, Dion!

Pero bago ko pa maihakbang ang paa ko ay mabilis akong tumalikod at saka ko siya sinipa sa ano niya. Namilipit siya sakit at hindi niya matuloy tuloy ang gusto niyang sabihin sakin.

Napangisi ako, yumuko ako ng bahagya upang magpantay kami, "Sakit ba? Gago, kulang pa yan!" sigaw ko sa kanya at akmang tatadyakan ulit siya ng umilag na siya at agad na tumayo.

"You'll regret doing this to me!" sabi niya, nalaglag ang panga ko at nagulat talaga ko sa sinabi niyang yun.

"No," sabi ko at ngumisi "Bagay lang sayo yan, asshole!" sigaw ko sa kanya at sinapak ko siya sa mukha. Tinignan ko muna siyang sinapo ang labi niyang nagdudugo na, bago ako tumalikod at maglakad palayo.

Now, I don't know where to go. I just want to be alone, gusto ko lang mapag-isa at mag-isip isip.

Ang sakit kasi eh. Para kong sinaksak ng kutsilyo at sinagad ang baon non, yung tipong hindi na matatanggal at habangbuhay na don.

Hindi ko na alam kung sang lupalop akong dinala ng paa ko, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang park. Nakaupo sa isang bench habang nakatulala at umiiyak.

"Bakit kailangan akong masaktan ng ganito?" tanong ko sa sarili ko "Binigay ko namang lahat, saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? 2 years. Damn, 2 years!? Bakit ganon lang kadali para sa kanya lahat yon?" kausap ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit na nagdidilim dahil sa nagbabadyang pag-ulan.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh, mukhang dadamayan pa ko ng ulan." sabi ko sa sarili ko at napangisi pa.

"Ky." napalingon ako sa nagsalita na yon sa likod ko, nakita ko siyang napailing iling habang nakatingin sakin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "Let it out, i'm here."

"He broke up with me," umiiyak ng sabi ko "It hurts, so bad. Really bad."

Hinaplos niya ang buhok ko, "I know, umiyak ka lang hangga't gusto mo, umiyak ka hanggang sa mawala na yung sakit na nararamdaman mo."

"Hindi ko alam kung mawawala pa 'to."

"Trust me, magiging okay ka, hindi man ngayon pero naniniwala akong kaya mo. You're Saavedra, Ky. Saavedra." pagdidiin niya sa family name namin.

Why Did I Fall For Someone Like You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon