Eight.
"Ate, let's go na. Nandyan na si Kuya Trev." sigaw ni Nikki kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ko. Agad akong sumilip sa baba at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaibigan ni Matthew.
Agad kong hinila si Nikki papasok ulit sa kwarto ko.
"Okay, listen to me. Wag na wag mo kakausapin ang mga kaibigan ni Matthew ha. Wag. Kahit si Matthew, wag." sabi ko kaya kumunot ang noo niya.
"Bakit naman, Ate?" kunot noong tanong niya sakin.
"Basta," sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko at minessage ko si Matthew.
Matthew
Gago ka talaga.Pagkasend ko non ay hinila ko na si Nikki. Bumaba na kami at sa kitchen na kami dumaan. Nagtaka si Nikki pero hindi ko na siya hinayaan na magtanong pa.
Nakalabas kami ng bahay at nakita kong nakaparada na ang kotse ni Trev.
"Hey," bati ni Trev at nakipagbeso beso samin ni Nikki. "Let's go?" tanong niya at may nang-aasar na ngisi sakin.
"Creepy mo gago," sabi ko sa kanya at sumakay na kami ni Nikki sa kotse niya.
Pumasok na din si Trev at nagsimula na siyang magdrive.
"So, are you ready?" tanong ni Trev sakin at tinignan pa ko sa rear mirror.
"Ready saan? Duh, Trev." maarteng sabi ko sa kanya, napatawa naman siya.
"Kyleigh. Kyleigh. Kyleigh, tsk tsk." sabi niya habang napapailing at napapangisi pa sakin.
Wala talaga kong ideya sa mga sinasabi ni Trev, ang sabi niya lang may ipapakilala lang siya sakin pero parang ang weird weird niya kasi tuwang tuwa siya.
Hindi ko na pinansin si Trev at bumaling ako kay Nikki. "Niks, wag ka lalayo sakin mamaya ah. Kapag tumutugtog naman kami, dun ka muna kela Bobbie." paalala ko kay Nikki.
"Hindi ka mabobored don, mag-eenjoy ka pa." sabi ni Trev kay Nikki.
"Wag na wag ka iinom ng alak, mag-juice ka na lang muna. Okay?" sabi ko sa kanya.
"Yeah, Ate. But I'm twenty, pwede nakong uminom." sabi niya pero napailing ako sa kanya.
"Hindi sa ngayon, Nikki. Remember, nasa Pilipinas ka at sakin ka pinagkatiwala ni Auntie Belle." I said. Iniingatan ko lang si Nikki, dahil ayokong masanay siya sa alak at hanap hanapin na yon ng katawan niya.
Kung hindi ko siya pipigilan, patay talaga ko kay Nicollo pag nagkataon.
Nakarating kami sa Palace ng hindi namin namamalayan. Ang dami kasing kwento ni Trev at napakadami namang tanong ni Nikki.
Bumaba na kami at parking lot pa lang ay rinig ko na ang malakas na tugtog sa loob. Shit, namiss ko 'to.
Pumasok na kami at napansin ko ang ilang pagbabago sa Palace. Mas gumanda yon at mas pinalaki. Hindi naman maiwasan ang mga tao na bumabati sakin dahil ngayon lang ulit nila ko nakita dito sa Palace.
"Ate, sila Ate Bobbie oh." sabi sakin ni Nikki at tinuro ang mga nasa harap. Nakita ko dun si Bobbie, Kath and Cheska.
Agad kaming lumapit don, "Hey," bati ko at nakipagbeso beso sa kanila. Ganon din naman si Nikki.
"Mabuti at nandito na kayo." sabi ni Bobbie.
"Anong oras tugtog niyo?" tanong sakin ni Cheska pero napakibit balikat lang ako dahil hindi ko alam kung anong oras kami tutugtog. Usually kasi, 7:30. Hindi ko alam baka nagbago na, kasi wala namang permanente. Lahat nagbabago.
BINABASA MO ANG
Why Did I Fall For Someone Like You?
Novela Juvenil* * * "What do you want from me?" I asked "Oh, let me guess, gusto mong makipaglaro? Well, sorry not sorry darling, I don't do games." "No," he said. "Okay, just do me a favor" I replied "Just.. stay away from me. I don't need you in my life."