Seven.
"I like that guy for you, Ate." sabi ni Nikki, napangisi naman ako at napailing sa kanya. "I mean, oo babaero siya pero sabi mo nga di ba may dahilan siya. And like what you've said, siya yung taong nagtakip ng mata mo nung gabing nakita mo yung ex mo sa bar. So ibig sabihin concern siya sayo kasi ayaw ka niyang masaktan."
"Yeah, si Dalton nga yon." sabi ko, yon ang kwento sakin ni Matthew. Si Dalton daw ang naghatid sakin nong gabing yon kaya nakakasigurado ako na siya yung nagtakip ng mata ko non.
That was 7 months ago pero parang kahapon lang nangyari.
The day I went in London, naaksidente si Nikki. It's a long story pero isa lang ang masasabi ko. Ang daming pinagdaanan ng pinsan ko na 'to.
I looked at her, she's a very strong woman. Hindi ko na hahayaan na masaktan pa ulit siya, I won't let that happen again. Never again. Nilingon niya ako at kinunutan ng noo.
"Kinakabahan ka noh?" pang-aasar niya pa sakin.
"No," I said.
"So tell me, anong nararamdaman mo ngayon?" tanong niya sakin. Ang kulit talaga nitong si Nikki, as in sobrang dami niyang tanong palagi. Hindi siya nauubusan ng tanong. "Pano kung magkita ulit kayo nung ex mo?"
Napatawa ko, "Ikaw ang dami mong tanong,"
"Ih dali na Ate, ano nga?" pamimilit niya sakin, ang kulit naman po talaga.
"Wala, ewan ko, ano bang dapat kong gawin aber?" taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Hindi ka man lang magha-hi, hello? Do you still remember me? The girl you left a year ago?" parang tangang sabi niya sakin, napatawa na lang ako at napailing.
"At bakit ko naman gagawin yun?" I asked her.
"Wala, parang ano, you know pakita mo lang sa kanya yung sinayang niya." sabi niya, napailing ako.
"Tss, hindi na kailangan." tipid na sabi ko. "I moved on."
"Talaga lang ha," parang nang-aasar pang sabi niya kaya tinignan ko siya.
"Alam mo, ikaw, matulog ka na lang diyan. Baka mainis mo ko ihulog kita dito sa eroplano." sabi ko sa kanya, napakibit balikat na lang siya at nang-aasar ang mga ngiti.
One thing na natutunan ko nung nasa London ako is matutong magpatawad. Kasi lahat tayo nagkakamali, nobody's perfect. Kung nasaktan ka, ede nasaktan ka. Ang kailangan mo lang ay matuto, learn from your mistakes. Kasi kung walang mistakes, walang lesson.
Well, I just realized na I should thank Dion for breaking my heart. Kasi kung hindi niya ko sinaktan, hindi ako matututo.
He's my mistake.
-
"We're here in the Philippines, Ma!" rinig kong sabi ni Nikki kay Auntie Belle sa FaceTime. "Kinukuha na lang namin ni Ate yung luggage namin. Here's Ate oh,"
"Hi, Auntie!" sigaw ko nang itapat sakin ni Nikki ang camera.
"Oh, let me know kapag nakauwi na kayo ha. Ingat kayo! I love you both!" sabi ni Auntie samin ni Nikki.
"Hay nako, Ma. Wag ka na mag-alala samin, okay kami dito, okay?" sabi ni Nikki kay Auntie Belle.
"Alright. Sige na, marami pa kong aasikasuhin. Bye, take care!" sabi ni Auntie at nagwave na kami sa kanya. Pinatay na ni Nikki ang tawag at napailing.
"Si Mama talaga, kung alagaan ako, akala mo palaging may mangyayaring masama sakin." sabi ni Nikki habang napapailing at nakatingin sa phone niya.
"Nadala lang si Auntie," mahinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Why Did I Fall For Someone Like You?
Teen Fiction* * * "What do you want from me?" I asked "Oh, let me guess, gusto mong makipaglaro? Well, sorry not sorry darling, I don't do games." "No," he said. "Okay, just do me a favor" I replied "Just.. stay away from me. I don't need you in my life."