Twelve.
Lumipas ang araw at linggo at mas lalo akong napalapit kay Dalton. He's always there for me, he texted me all the time. Palagi kaming magkausap sa FaceTime whenever na hindi kami magkasama. Pakiramdam ko hindi na kumpleto ang araw ko nang hindi ko siya nakakausap. I'm getting used to it. We're so close.
"Ky, let's go na kasi, tsaka finals is over naman na." pamimilit ni Cheska sakin, "Hindi mo ba kami namimiss kaming mga kaibigan mo." pangongonsensya niya.
"Ches, as i've said, may practice kaming gig. You guys know how hectic my schedule is." pagpapaliwanag ko sa kanila. They are just looking at me, they're pouting their lips as if magpapadala ako sa kanila.
"Pag kay Dalton nakakagawa ng paraan? Pag samin.. tss." nagtatampong sabi ni Kath. I looked at her, alam ko na naiintindihan niya ko dahil sobrang busy din ni Rani ngayon.
"Get used to it, Kath. It's Dalton over us na ngayon." Bobbie said at saka tumayo na at naglakad na palayo. Bobbie changed, simula nung araw na sinabi niya samin lahat ng sakit na pinaramdam sa kanya ni Matthew.
Kath and Cheska looked at me, napailing sila at saka ako iniwan na mag-isa. Napayuko na lang ako sa table, hindi ko na inubos pa ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana.
Tumayo nako dahil may ipapasa pa kong research papers, babawi na lang ako sa mga kaibigan ko kapag lumuwag luwag ang schedule ko. As in, sa umaga kailangan kong samahan si Nikki magpacheck up sa doctor niya. Tas papasok nako then pag uwian ko na kailangan ko nang pumunta ng studio para magpractice para sa nalalapit na concert ni Miho.
Then sa gabi, kailangan kong tignan si Nikki kasi madalas siyang sakitan ng ulo. Kaya nga minsan ay hindi ako nakakatulog dahil nag-aalala ko sa kalagayan niya. I mean, she's my responsibility, pinagkatiwala siya sakin ng Mommy niya.
( Have you eaten? ) tanong ni Dalton, may klase siya ngayon kaya hindi ko siya kasama.
"Yeah, sinabayan ako nila Bobbie."
( Hindi na ba sila nagtatampo? )
"Nagtatampo pa rin, but it's fine, babawi na lang ako sa kanila."
( Ayain na lang natin sila mamaya? )
"Shit, oo nga pala may gig tayo mamaya."
( It's okay kung kailangan ka ni Nikki, I'll just tell—)
"No, no, I'll come."
( You sure? )
"Yes, baka umuwi din si Nicollo mamaya eh. I' ll ask him kung pwede siya muna magbantay kay Nikki."
( How's Nikki nga pala?)
"Ayon, nagte-therapy pa din. She needs it."
( Hope she'll get better soon,)
"Sana nga..."
(Cheer up, Nikki's strong, she'll be okay. Okay?)
"Oo naman, thanks."
( I'll call you later, my prof's here )
"Yeah, yeah. Study well, Captain Dela Vega!!!!"
( Take care, Chef Saavedra!!! )
A smile appeared on my face, I love being friends with Dalton. Pinatay ko na ang tawag at saka ako nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa classroom ko. Sigurado ako na makikita ko si Cheska at Bobbie don.
Susuyuin ko na lang sila, sigurado naman ako na nagtatampo lang yon at sa huli, they'll still understand me. Hindi naman na kami bata para mag-away away pa.
BINABASA MO ANG
Why Did I Fall For Someone Like You?
Teen Fiction* * * "What do you want from me?" I asked "Oh, let me guess, gusto mong makipaglaro? Well, sorry not sorry darling, I don't do games." "No," he said. "Okay, just do me a favor" I replied "Just.. stay away from me. I don't need you in my life."