Eleven.
Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Nikki. Ang aga aga ang ingay ingay, what the fuck is her problem? Nakakaistorbo sila ng natutulog. Nakikipag-away nanaman siguro kay Matthew yon kaya sigaw nanaman ng sigaw.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at dumerecho nako sa banyo para maligo. Hindi ko alam kung anong oras na kaya hindi ako nagmadali sa paliligo. Nang matapos ako ay nagbihis na kaagad ako at nag-ayos.
Nang tignan ko ang oras ay halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kong tanghali na. Shit, late nako sa klase ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sakin si Nikki.
"Wow, good morning, Ate!!!" malakas na sabi niya sakin at lumapit sakin at sinuklay ang buhok ko. "Charot lang, alas-dose na kaya. Late ka na,"
"Hindi mo man lang ako ginising, hmp." I said then rolled my eyes.
"Oh my god, I'm so sorry." sabi niya na akala mo nagsisisi talaga siya na hindi niya ko ginising.
"Nandyan na ba si Nicollo?" pag-iiba ko ng usapan, alam ko kasi na kaya gumising ng maaga 'tong si Nikki dahil gusto niyang salubungin ang Kuya niya.
"Wala pa nga eh," malungkot na sabi niya, hindi ko na siya sinagot at sa halip ay tinignan ang phone ko dahil tumutunog yon.
Nicollo
"Oh, Kuya mo tumatawag." sabi ko sabay abot ng phone sa kanya.
Kinuha niya yon at sinagot, hinayaan ko lang siyang kausapin ang Kuya niya habang inaayos ko ang buhok ko.
"Oh, Ate, may nagtext" sabi niya sakin, nilingon ko siya at napasimangot ako nang makita kong binabasa niya na ang text.
Napailing na lang ako, "Wow ha, hiyang hiya naman ako sa cellphone ko, Patricia."
Tinignan niya ko ng nakakaloko kaya kinunutan ko siya ng noo, "What?" tanong ko.
"Si Kuya Present Future, nagtext." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya kaagad akong lumapit sa kanya para kunin ang phone ko. "Free ka daw ba mamaya?"
"Nauna ka pa," mataray na sabi ko sa kanya at kinuha ang cellphone ko sa kanya samantalang siya ay tawang tawa naman.
Dalton
Are you free tonight?Napaisip ako, wala naman akong gagawin mamaya, naramdaman ko ang paglapit sakin ni Nikki.
"Yie, papayag na yan!" nang-aasar na sabi niya sakin at inakbayan nako. "Sige na, Ate, sumama ka na. Wala namang mawawala sayo-"
"Tch, I'll think of it." sabi ko at kinuha na ang bag ko at hinarap si Nikki. "Magpakabait ka, pag sumakit ang ulo mo, nandyan si Trina call her agad. Okay?"
Napangiti siya at napatango, "Noted, Ate!"
Ginulo ko ang buhok niya habang nakangiti, "Good girl!" sabi ko at lumabas nako ng kwarto ko. Paglabas ko ay naabutan ko si Matthew na kakalabas lang din ng kwarto niya.
"You're late," sabi niya sakin, kaya napahinto ako at hinarap siya.
"Yeah,"
"Uhm-Ky, we have a game tonight, are you free?" tanong niya sakin kaya napakunot ang noo ko. "Kung gusto mo lang naman-"
"Titignan ko," sabi ko sa kanya at ngumiti ng matipid sa kanya. Hindi pa rin kami okay ni Matthew, sinungitan ko siya kagabi but I know him so well, kahit na galit siya sayo kakausapin ka pa rin niya.
Hinabilin ko na rin si Nikki kay Trina bago ako umalis. Sumakay nako sa sasakyan at nag-drive ng sobrang bilis papuntang school. 30 minutes na rin kasi akong late at talagang lagot ako sa professor ko.
BINABASA MO ANG
Why Did I Fall For Someone Like You?
Teen Fiction* * * "What do you want from me?" I asked "Oh, let me guess, gusto mong makipaglaro? Well, sorry not sorry darling, I don't do games." "No," he said. "Okay, just do me a favor" I replied "Just.. stay away from me. I don't need you in my life."