CHAPTER 6

299 17 5
                                    

WARNING: This chapter contain inappropriate and uncomfortable content. But sadly, you can't skip this chapter. So, ready yourself for what you might read.

Zhyrus' POV

Agad kaming umakyat sa rooftop para tawagin ang iba naming kasamahan. Nakita namin silang nakakumpol at tila may pinag-uusapan.

"Ano? May nakita kayo?"tanong ni Christan at tumango lang si Jacqe sa kanya.

"May nakita rin kami"sambit ni Andreu at pinakita samin ang isang papel at isang keychain.

"Tara na, bumalik na tayo"sambit ni Kim at bumalik na kami sa room. Pagdating namin ay nag-uusap-usap sila.

Tumingin si Lauren samin at tumayo.

"Ano? May nakita ba kayo?"tanong niya.

Inabot ni Jacqe ang flash drive na maglalaman ng mga clips mula sa CCTV.

Kinuha iyon ni Lauren at inabot kay Ryechel. Agad na sinasaksak ni Ryechel ang flash drive sa USB port at pinanood nila ang nga footage.

"Kung makikita niyo, isang estudyante rin ang unakyat sa rooftop nung mga time na yun" sambit ni Charles.

"At isang teacher din ang sumunod na umakyat"dagdag ni Cassey.

Pinakita naman ni Andreu ang isang sailor moon na keychain at isang papel.

"Nahanap namin toh sa rooftop" sambit niya at inilapag ang mga iyon sa lamesa.

"Kung makikita niyo, ang nakalagay sa papel ay mga answer keys"sambit ni Cristal.

"Ang nga answer keys ay sagot sa nangyaring 2nd Quarterly Test" dugtong ni Reydo. This makes everything more confusing and suspicious.

"Kailangan nating mahanap ang dalawang taong nasa footage para matanong natin sila"sabi ni Raphael at nakatitig pa rin sa screen ng laptop.

"Tatawagan ko na si Alliana para sabihan siya"sambit ni Ryechel at nagdial na sa phone niya.


Alliana's POV

Nasa 2nd floor kami at hindi pa rin alam kung anong gagawin namin. Nagtanong-tanong na sila Reign at Rizha kung anong nangyari at kung kakilala ba nila ang babae.

Tatawagan ko sana si Lauren kung mayroon na ba silang balita pero nauna na akong tawagan ni Ryechel.

Sinagot ko ang tawag niya.

:Hello?

:(Hello, Alli?)

:Oh? Bakit? Ano balita?

:(May sinend akong picture sayo. Magtanong-tanong kayo kung sino ba yung babae sa photo tapos dalhin niyo siya sa classroom. Tapos, pumunta rin kayo sa faculty para hanapin yung teacher na nasa isang photo.)

Section 1-A : Saga and Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon