CHAPTER 3

488 19 3
                                    

Claris' POV

What's the sense of asking her for the obvious truth kung idedeny nya lang din. Alam naman ng lahat kung anong kinatatakutan niya pero nagsinungaling pa rin sya. All I want to do is help her kasi alam ko kung gaano sya katakot mangyari ang bagay na yun.

Kinuha ko ang libro sa bag ko at bago ko pa mang maibuklat iyon ay biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag at:

:/Hello Ms. Ilermo?/

:Oh, hello, Mrs. Gonzales, how can I help you?

:/I'm sorry to disturb you but please come to the principal's office. Hindi ko kasi ma-contact ang president nyo, so ikaw na lang./

:Okay po.

At pinatay ko na ang tawag. Agad naman akong umalis at pumunta sa principal's office. Pagdating ko, nakita ko kaagad si Mrs. Gonzales at may kasama siyang isang babae.

"Buti naman nandito ka na"Mrs. Gonzales said.

"Ito nga pala si Ms. Krysztella Jrein Perocio. She is also one of the transferee"pagpapakilala niya sa babaeng katabi niya.

Nginitian ako ng babae. Lumapit ako sa kaniya at agad kong nilahad ang kamay ko at nagpakilala.

"Claris Athelia Ilermo, nice to meet you"I said. Nagkamayan kami at tumango ito. Bumitaw na ako at bumaling kay Mrs. Gonzales.

"Ikaw na ang bahala sa kanya"sabi sakin ni Mrs. Gonzales at tumango lang ako.

Lumabas na kami at dinala ko na sya sa classroom namin. Tahimik siya sa ilang minutong lakad namin. Maybe, she's familiarizing herself with the environment and all.

"Andito na tayo"I said at binuksan ang pintuan. Pumasok kami at nagsi-tinginan ang iba naming kaklase.

"Guys, this is Krysztella and she is also one of our transferres aside from Charles"I announced.

Kunaway lang si Krysztella at ngumiti. Inassist ko sya sa magiging upuan niya at umupo na rin ako.


Krysztella's POV

So, ito pala ang sinasabi ni Daddy sakin na lihim na section. Hindi naman masyadong halata dahil mukha namang normal ang mga tao dito. My father is one of the most powerful businessman in our city and in the country kaya naman nalalaman nya rin ang nalalaman ng ibang tao kahit yung pinakatagong sikreto.

Pinapunta ako ni Daddy dito para magmatiyag pero hindi ko alam kung magagawa ko yun kasi pakiramdam ko ako ang tinitingnan. Wala rin akong magagawa, dahil kailangan ko rin ito.

"Hi"bati ng matangkad at singkit na lalaki sakin. Abot tenga ang ngiti niya sa akin. Siguro ay friendly lang ito.

"Uh hello?"tamad kong bati.

"Grabe, sinong mag-aakalang magkakaroon kami ng kaklaseng maganda"sambit niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinabi niya. Just, what the fu--?!

"Oy Nicholas, tigilan mo nga sya. Leave her alone"saway naman sa kanya ng isang lalaki na naka-black na jacket, di gaanong malaki at mga 5"4 ang height. Umalis naman si Nicholas guy, at parang nakahinga ako ng maluwag.

After a few minutes, pumasok ang isa pang babaeng estudyante, medyo maliit sya at mahaba ang buhok nya.

Kasunod naman nya ang isang matangkad at magandang babae. May nunal sya malapit sa kanyang labi at ngumiti sya sa amin.

"So, good morning class. I am Miss Jhacqilyne Froliano and i will be your adviser for this year"the woman spoke softly.

"Good morning Ma'am Jhackilyne"we spoke in chorus.

"You can call me, Miss Jhacqie"she said at umupo na sa upuan ng teacher's table.

"Im very sorry that im late, marami kasing inaasikaso ang faculty dahil sa mga bagong trasferee and feeling ko kilala nyo naman sila"Ma'am Jhackilyne spoke once again.

Ma'am Jhackilyne starts to search for something on her envelope and then, she takes out a piece of paper.

"So here,i have the list of our top 10 in the Crimes Proficiency Examination for students or CPES for 2018. Number 10,Zhyrus Yeshua Yeriambao. Nine,Avhia Mhalka Udearbe. Eight, Cristal Atienza. Seven,Jilliane Curuz. Six,Nicholas Jeade Garsia. Five,Reoland Clint Conriedo. Four,Kaile Chelsiea Toliedo. Three, Lauren Fernando. Two, Raphael Errol Ramos and still our number 1,Claris Athelia Ilermo"Ma'am announced at nagpalakpakan silang lahat, kaya naman pumalakpak na rin ako.

"Okay, magtetake ulit tayo ng exam before this school year ends kaya galingan niyo."


Lauren's POV

As expected, number one pa rin si Claris at pumapangalawa si Raphael. Well, they both excel. May times na angat si Raphael at may times din na angat si Claris. Pero magaling sila parehas, like everyone else in this room.

Maya-maya, nagmadaling lumabas si Ma'am ng kwarto nang hindi man lang nagsabi. Naiwan na naman kami sa loob ng kwartong ito. Nang isang sigaw ang umalingawngaw at tumawag pansin sa aming lahat.

The fvck is that?!

Nagsilabasan ang iba naming kaklase habang naiwan ang iba sa loob. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero masama ang pakiramdam ko ukol dito. Matapos ang ilang minuto, pumasok si Ryechel at sinabing:

"Someone is dead."

End of Chapter 4!

Please vote and comment for support!

If you have time, you might want to check out  baconetes  and read her stories.

Section 1-A : Saga and Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon