CHAPTER 19

127 10 2
                                    

Claris' POV

"Baka ang dapat mong tanungin ay kung anong motibo namin"

At napatingin ako kay Krysztella at kung kanina ay nakatutok ang baril kay Charles, ngayon naman ay sakin.

"Anong ibig sabihin nito, Krysztella?"tanong ko at bigla niyang binaba ang baril at kinalagan si Charles.

Tumayo si Charles at hinawakan ang palapulsuhan niya.

"Ibig sabihin, hindi lang ako ang espiya na nakapasok"sambit niya at ngumisi. "Pati rin si Krysztella" dagdag niya at umikot sa upuan.

"Pero paano at bakit?"tanong ko na naguguluhan pa rin sa nangyayari. Alam kong naging mahigpit kami sa lumalabas at pumapasok sa kuwarto namin.

"Alam naming taga-Sychieo ang tungkol sa inyo. Isang malaking military academy ang Sychieo at kami ang napili para sa misyon na ito"sambit ni Krysztella. "Nakapasok kami ni Charles dahil sa tatay ko. He's a businessman at alam niya ang mga pumapasok at lumalabas sa mga gobyerno"dagdag niya at umupo sa upuan. Lumapit ako sa cabinet dahil nandoon pa ang isang baril ko. Nang bubuksan ko na sana ang cabinet ay tinutok na naman ni Krysztella ang baril sakin.

"Hindi pa kami tapos, makinig ka muna"aniya at tumingin kay Charles.

"Si Chairman Lareo, siya ang pumatay sa dating chairman ng Rosevelt North. Gusto namin kayong ilayo sa kapahamakan at kasamaan"sambit ni Charles. "We knew about the secret task force he is forming to take down our government, dahil pag wala kami, makukuha na niya lahat ng gusto niya including Rosevelt South at ang Cathylda"he added.

"Lareo is the biggest smuggling syndicate in the country"sambit ni Krysztella. "We need your help to shut him down"she added.

"Pero kayo ang kontrabida sa kuwento niya"sambit ko.

"Of course. Ganun naman talaga kapag may kalaban ka hindi ba?! Sisiraan mo"sabi ni Charles at lumapit sakin. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Kailangan na nating iligtas ang iba"sabi ni Krysztella at tumayo. Tumingin si Charles sa kaniya at tumango. Hinila ako ni Krysztella palabas ng cabin at sumunod naman si Charles sa amin.

Naglakad kami sa gubat ng ilang minuto hanggang sa nakaabot kami sa maze. Ngayon ko lang napansin na nasa kabila na kami at hindi na ito sakop ng Forest Verde.

Wala nang pintuan tulad kanina at isa lang ang naiisip kong gawin, gibain ang pader.

Chelsiea's POV

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Masakit ang ulo ko kaya hinilot ko ang aking sintido. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang nakaupo ang mga kaklase ko at nakapaligid silang lahat habang nasa gitna naman namin si Lauren.

Section 1-A : Saga and Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon