CHAPTER 17

137 13 1
                                    

Cassey's POV

Biglang umalis si Gelai,bitbit ang taser.

"Nhelyza"sigaw ko at agad syang tumigil.

"Hayaan nyo na ako"walang emosyong sinabi ni Gelai at muling naglakad.

Tumakbo si Ghel papalapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya nang biglang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mata at nabitawan nya ang taser.

"Huwag mong gawin yan"sambit ni Ghel at biglang humandusay sa sahig si Nhelyza sa sahig.

"Lyyyyyyy!!!!"sigaw ni Reign at nagsilapitan kami ng mga kagrupo ko.

"Anong nangyari?"tanong ni Krysztella na may bakas ng pagkataranta.

"Dalhin natin sya sa clinic"sambit ko.

"Pero,paano yung game?"tanong ni Reign. "Kapag umalis tayo, disqualified na tayo"dagdag niya.

"Uunahin pa ba natin yung game?"tanong ni Ghel.

"Grades din ang mawawala at hindi natin alam kung nag-iinarte lang ba si Nhelyza"sambit ni Krysztella.

"What the hell?!"at biglang tumulo ang luha mula sa mata ni Ghel. Hindi niya kinaya ang sinabi ni Krysztella.

"Sa tingin mo ba act lang toh?"tanong ni Ghel at pumiyok ang boses niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako magaling sa pagsosocialize.

"No. What im telling is, we dont knowif this is true or if this is just bullshit. If you want to help Nhelyza, then go. I will stay here and play this game"mataray na sinabi ni Krysztella.

"Ganyan ka ba ka-selfish?Nakikita mo namang kailangan ni Nhelyza ang tulong natin tapos wala kang gagawin"sagot ni Ghel.

Tinayo namin ng marahan si Nhelyza. Kung ayaw tumulong ni Krysztella, desisyon na niya iyon.

"Guys, stop! This game is fooling us. Pinag-aaway tayo ng game para masira ang friendship natin at para lumabas ang tunay na kulay natin"sambit ni Reignoah.

"Edi ngayon alam ko na ang tunay na kulay ng isa dyan"pasigaw na sinabi ni Ghel para marinig ni Krysztella.

"Gosh. Ako pa talaga ngayon. Kung totoo nga ang sinasabi mo,hindi ako aalis ng game. Aalamin ko ang totoo at hindi. Maghihiganti na rin ako kung sino man ang may gawa satin ng ganto"sambit ni Krysztella. Agad syang naglakad papalayo habang kami ni Reignoah ang tumulong kay Nhelyza.

Paano kung tama nga si Reign? Paano kung mapahamak si Krysztella?

Krysztella's POV

Habang mas tumatagal ay mas umiinit ang labanan sa pagitan nang mga grupo. Mag-isa na lang ako dahil nga hinatid nila Ghel, Cassey at Reign si Nhelyza sa clinic.

Nasa stop#3 ako ngayon at binubuo ang puzzle para malaman ang susunod kong gagawin.

Mahirap buuin ang puzzle na ito dahil halos iisa lang ang kulay ng bawat piece. Kaunti na lang ay mabubuo ko na ang puzzle at unti-unting lumilitaw ang isang larawan ng eskuwelahan na parang abandonado.

Isang piece na lang ay mabubuo na ito. Nang nilagay ko ang huling piece,may biglang humawak sa balikat ko. Agad kong kinuha ang taser at tinusok ito sa kamay na nakahawak sakin.

Napabitaw ang tao sa likod ko. Nang tumalikod ako, nakita ko ang isang lalaking matangkad at nakasalamin. Si Charles.

"Anong problema mo?"pagalit nyang sinabi at lumapit sa akin at sa huling pagkakataon,tinusok ko ang tased sa leeg nya.

Agad syang bumagsak. Nabitawan ko ang taser. Anong nagawa ko?

Bumalik ako sa ginagawa ko at nakita ang nakasulat sa ilalim ng puzzle.

"The end is near."

Hindi ko alam kung anong pinahihiwatig nang mga salitang iyon ngunit agad akong kinilabutan nang mabasa ko ang pangungusap na iyon.

"What the fuck?!"ani ng isang boses sa likuran ko. Paglingon ko, nakita ko si Claris.

"Anong nangyari dito?"tanong nya.

"I don't know. Nadatnan ko na lang sya diyan"pagsisinungaling ko.

"And you? Come with me"sambit nya at hinila ako.

Nagpumiglas ako pero hindi nya pa rin ako binitawan.

"Anong nangyari kay Nhelyza" tanong niya.

"Aba ewan ko. Bigla syang nahimatay kanina. Ikaw? Bakit ka nandito? Magaling ka na ba?"sambit ko.

"Ayos na ako"sagot niya sa tanong ko.

"Alam kong ikaw ang gumawa kay Charles kung bakit sya nakahalundusay"sambit nya. Nanlaki ang mata ko. How?

"Salamat sa ginawa mo"sabi nya.

"Huh?!"

Bakit sya nagpapasalamat sya? Sya ba ang may pakana nang mga nangyayari?

"Alam kong nagtataka ka pero marami kang hindi alam kay Charles. That guy is a spy"ani Clarisse.

What? A spy?

Tiningnan ko ang puwesto ni Charles pero wala na siya roon.

_______________________________________

AUTHOR'S NOOOOOOOTTTTTEEEEE:

aY nAys.

Nakapag-update din sa wakas.

This chapter is dedicated to Gel,my sister and to Krystella,my bheyb.

Salamat sa pagbabasa. Ayaybyu guys.

I'll be entertaining questions and will answer them in the next chapter's a/n.

:)))

Section 1-A : Saga and Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon