CHAPTER 12

195 11 1
                                    


Dirk

Ako ang unang pinili para sa grupo namin. Tumapak na ako sa platform.

Tumapak na rin ang mga magiging kalaban ko. Sila Christan, Nhelyza at Marijoy. Dahil nga 2 babae at 2 lalaki, kaming dalawa ni Christan ang maglalaban habang si Nhelyza at Marijoy naman ang sa kabila. Group 1 galing si Christan, si Nhelyza, Group 2, ako, Group 3, habang si Marijoy ay galing ng Group 4.

Kagrupo ko dapat sila Christan pero puro lalaki sila at magiging unfair sa ibang grupo kung wala silang lalaking kasama kaya pinili kong sumali sa grupo nila Lauren.

Hindi naman sa minamaliit ko sila pero mas mabuti na rin dahil ayaw ko namang isipin nila na hindi patas ang laban.

Pwumesto na ako at ganun rin si Christan. Sinuot namin ang mga headgear namin para hindi magkaroon injury lalo na sa mukha. Siya ang unang umatake. Umakma siya ng suntok pero agad ko iyong sinalag.

Habang nakataas ang kamay ko sa ere ay agad niya itong hinawakan at sinubukang gawin ang wristlock sakin. Mabuti na lang ay agad kong nahila ang kamay ko at tinamaan ang leeg niya kaya agad siyang bumagsak.

Pagkabagsak niya ay agad kong sinakyan ang likod niya at kinuha ang isa niyang kamay para ipitin.

Biglang pumito si Sir Martinez at dineklara na ako ang panalo. Sunod ko namang nakalaban si Marijoy dahil siya ang nanalo sa pagitan nila ni Nhelyza. Hindi humaba ang laban namin ni Marijoy dahil ginamit ko ang paa ko para mapahiga siya at doon dineklara na samin ang 1 point masayang-masaya ang mga kagrupo ko.

Ito ang naging sunod-sunod na laban.

(3)Samantha vs. (2)Jesse
(4)Jilliane vs. (1)Reoland
(2)Jesse vs. (4)Jilliane
(1)-0 (2)-0 (3)-1 (4)-1

(2)Ghel vs. (1)Andreu
(4)Cristal vs. (3)Reydo
(1)Andreu vs. (3)Reydo
(1)-1 (2)-0 (3)-1 (4)-1

(2)Fiona vs. (3)Claris
(1)Nicholas vs. (4)Thimoty
(3)Claris vs. (1)Nicholas
(1)-1 (2)-0 (3)-2 (4)-1

At ang results nang laban ay:

(1)-2 (2)-0 (3)-5 (4)-1

Kami ang nanalo. Si Samantha, Reydo at Avhia lang ang hindi nanalo. Sayang si Avhia, kung nasipa niya lang kaagad si Raphael, siya na sana ang panalo.

Umakyat ulit kami ng room. Yung mga girls hindi pa umaakyat kasi magbibihis pa ulit sila. Bakit ganun ang mga babae?

Maya-maya, pumasok na ang next teacher namin sa Shooting.

Hindi halata na siya ang teacher namin sa shooting kasi nakaheels siya at malalaking hikaw ang suot niya. Mayroon pa ngang suklay na nakaipit sa buhok niya.

"Pag-aaralan muna natin kung ano ang iba't-ibang uri ng mga baril kasi hindi naman pwedeng tira ka lang ng tira"sambit niya. Siya ang natatangi naming teacher na walang filter ang bibig.

Kinuha niya ang isang malaking bag. Malalaman mong mabigat ang bag na iyon dahil kita sa mukha ng teacher namin kung gaano siya nahihirapang buhatin ito. Pinatong niya ang bag sa table at may hinanap.

"Isang uri ng baril ay ang rifle"at kinuha niya ang isang mahabang baril mula sa bag. "Ginagamitan ito ng dalawang kamay sa paghawak. Meron itong rifled barrel kaya lahat ng balang galing ito kapag lumabas ay umiikot at diretso sa target"at agad niyang tinutok iyon sa pader sa likod at pinutok. Napatakip tuloy kami sa aming tenga.

Pinasok niya ang rifle sa bag at kumuha ng dalawang baril.

"Ang mga tawag dito ay handguns. Ang isa ay pistol at ang isa naman ay revolver"aniya at pinatong ang revolver sa table.

"Ang pistol ay may chamber kung saan nilalagay ang mga bala"sambit niya habang nilalagyan ng bala ang pistol. Binaba niya naman ang pistol at kinuha ang revolver. "Habang sa revolver naman ay nilalagay ang bala sa mga cylinders na iniikot para ialign na barrel"at nilagyan niya ng bala ang revolver. "Kung gusto niyong maglaro ng Russian roulette. Ito ang ginagamit"sambit niya at inabot kay Kim ang revolver habang inabot naman ang pistol kay Sheina.

"Last, shotguns. Mahahaba rin sila tulad ng rifles pero ang shotgun, dinesenyo to fire multiple projectiles at once"at nilabas ang isang shot gun.

"There you have it, the different types of guns"sambit niya.

"Ma'am, ano po gagawin namin sa nga baril na ito?"tanong ni Sheina.

"Ah, yes. Gusto kong tumayo kayo dito at magblindfold"ani Ma'am at pumunta naman sila sa harap at isa-isa silang piniringan ni Ma'am.

"Simple lang ang gagawin niyo"sambit ni Ma'am at shinuffle ang  index cards.

"Conniendo"banggit ni Ma'am. "Tumayo ka riyan sa harap nilang tatlo. Tanggalin niyo ang mga upuan."

Tinanggal namin ang nga upuan at sinunod ni Reoland si Ma'am. Bumunot ulit si Ma'am at tinawag si Rizha.

"Ngayon, pumila kayong lahat sa kahit anong paraang gusto niyo"at pumila kami. Nasa dulo ako.

"Sunod-sunod kayong tatayo riyan sa pwesto ni Conniendo hanggang sa matapos kayong lahat. Simple lang ang gagawin ng mga naka-piring. Igagalaw nila ang kamay nila mula left to right at pag sinabi ni Siazon ng stop. Ipuputok ng nakapiring ang baril. Exciting, isn't it?"sambit ni Ma'am.

Ano? Exciting? Baka mamatay pa kami dito.

Tumalikod si Rizha at nauna si Sheina. Tulad ng sinabi ni Ma'am, ginalaw niya ang kamay niya.

"Stop"sigaw ni Rizha at tumigil si Sheina. Nanginginig ang mga kamay niya na hinawakan ang trigger ng pistol. Pinutok niya iyon at mabuti na lang ay hindi tinamaan si Reoland.

Sunod naman si Jacqe at tulad kanina, hindi siya natamaan ni Sheina. Tuloy-tuloy at sunod-sunod kami hanggang sa dumating kay Nhelyza.

Tumayo siya sa gitna at ang babaril ay si Kim. Sumigaw ulit ng stop si Rizha and this time, sobrang lapit kay Nhelyza ang pagkatutok ng baril na naging dahilan para magpanic si Nhelyza. Hindi naman gaanong malapit para matamaan talaga siya.

Tumili siya kaya nagpanic rin si Kim at dahil dun tinamaan si Nhelyza sa balikat.

"Oh my gosh, Nhelyza"sigaw ni Ghel at nilapitan namin si Nhelyza.

End of Chapter 12!

Please vote and comment for support.

Section 1-A : Saga and Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon