CHAPTER 18

137 10 1
                                    

Krysztella's POV

Spy? Naguguluhan na ako. Bakit nagkakaganto? Ano bang meron?

Nagpahila na lang ako kay Claris kung saan man nya ako dadalhin.

Pumasok kami sa isa sa mga cabin.

"Umupo ka"sambit niya kaya umupo ako sa upuan na malapit sa isang table.

Umupo sya sa upuan sa kabilang dulo ng table.

"Ano bang sasabihin mo?Kasi naguguluhan na ako. Kanina sinabi mong spy si Charles--"sambit ko.

"Dahil spy talaga sya. Galing sya sa Sychieo Academy. May secret task force ang Sychieo at kasama si Charles dun"sambit nya.

"Paano mo nalaman ang mga ito?"tanong ko.

"May mga mata ako sa loob at labas ng school at may access sa kahit anong impormasyon. Nung tiningnan ko ang files ng secret task force ng Sychieo,nakita ko ang pangalan ni Charles at nasa mataas syang posisyon"sagot nya.

"Pero bakit nya kailangang mag-espiya?"tanong ko.

"Dahil kalaban namin ang gobyerno nila at alam naming gagawin namin ang lahat para sirain yun"sagot nya.

"Bakit niyo kailangang sirain ang gobyerno ng Rosevelt South?" tanong ko ulit.

"Dahil yun ang misyon na sinabi samin kahit pa naman dati. Kailangan silang pabagsakin dahil nagpapalakas sila para masakop ang buong Rosevelt"sagot niya

Tumayo sya at binuksan ang isang cabinet at may nilabas na itim na bag. Umupo sya at kinuha ang isang baril sa loob ng bag.

"What the-- Bakit may baril ka?"tanong ko na may halong pagkagulat. Ito ang unang beses na nakakita ako ng tunay na baril ng malapitan.

"For emergency"sagot niya at isa-isang pinasok ang mga bala sa loob ng baril. Pinunasan nya ito at kinasa. Nagulat ako nang bigla nyang tinutok sakin ang baril. Itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang kriminal na sumusuko.

Ngumisi siya at binaba ang baril.

"Anong ginagawa mo?"tanong niya at biglang tumawa.

Binaba ko ang dalawa kong kamay.

"Eh bat mo tinutok yung baril sakin?"galit kong tanong.

"Wala lang. Sana magaling ka humawak ng baril"sagot nya at bumungisngis.

Paano gagaling? Eh puro activities. Kaunti lang yata ang tinuturo samin tapos karamihan pa dun,di ko maintindihan.

"Alam kong kaunti lang ang tinuturo pero mag-aral ka parin"sambit niya. Aba! Nababasa nya ba ang iniisip ko?
Akala nya ang cool ang creepy kaya.

"Hindi ko binabasa ang naiisip mo sadyang pare-parehos lang ang rason at halos iisa lang ang takbo ng mga isip nating mga tao"sa sinabi nya,mas lalo lang akong kinilabutan at namisteryosohan sa kanya.

"Alis na tayo"sambit nya.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko.

"We're gonna find the traitor"

Charles' POV

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa nangyari kanina at nakitang nag-uusap si Claris at Krysztella. Tumayo ako at naglakad papunta sa mga kagrupo ko at binubuo nila ang isang puzzle. Nasa stop#5 na sila.

"San ka ba galing?" tanong ni Andreu sakin at bumalik na sa pagbuo ng puzzle.

Patuloy na umiinit ang laban sa pagitan ng bawat grupo. Lahat ay abala sa pakikipag-unahan at pakikipaglaban. Makikita mo na, ang bawat isa ay handang pumatay at manduga para lang makaabot sa dulo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya hindi na lang ako umimik at tinitigan na lang ang mga kagrupo ko.

"Charles! Ano ba ang ginagawa mo dyan?" sigaw sakin ni Raphael.

Susunod na sana ako nang may isang tinig ang tumawag sakin. Tumingin ako sa likuran at nakita ang isang kulay pulang envelope sa lapag. Ano kaya ang laman nito?

Binuksan ko iyon at nakita ang isang sulat.

'Iligtas mo sila, Agent Q9 Reneza. Umaasa kami sayo. Tumakbo ka na bago ka pa masama sa kanila dahil maya-maya ay babalutin na ang maze ng makapal na usok.'

Ano? Usok?!

At bigla akong nakarinig ng pagputok at kumalat ang makapal na usok. Tumakbo ako palayo at palabas sa maze.

Nakalabas ako ngunit isang paa ang pumatid sakin.

"Sa tingin mo, saan ka pupunta?" yun ay wala ng iba kundi si Claris at tinutok sakin ang baril na hawak niya.

Tatayo na sana ako ng suntukin ako ni Krysztella sa mukha at agad akong bumagsak.

Nagisinh ako sa loob ng isang cabin at nakatayo sa gilid ko si Krysztella. Napansin ni Claris na gising na ako kaya lumapit siya sakin.

"Gising ka na pala, Agent"sambit ni Claris at ngumisi. Paano niya nalaman? Tumingin ako kay Krysztella. May hawak siyang baril.

"Kilala na kita kaya huwag ka ng magmaangmaangan pa"sambit niya at lumapit pa mas lalo sakin.

"Anong motibo mo?"tanong ni Claris.

Napangisi ako at tumingin kay Krysztella.

"Baka ang dapat mong tanungin ay kung anong motibo namin.."

_______________________________________

AUTHOR'S NOOOOTTTTEEEEE:

yehey.

thank you sa mga sumusuporta. please vote and comment. mwuah<3!!!

I'll be entertaining questions and will answer them in the next chapter's a/n.

Have a good day!!!

Section 1-A : Saga and Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon