Chapter 1: Give Way

11.8K 506 204
                                    

Oras. Isang konsepto na binigyang kahulugan sa pamamagitan ng segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon. The moment na ginawa ang universe, meron ng oras. Time is gold, ika nga. Lalo na sa panahon ngayon, bawat segundo ay may halaga. Minsan, literal na pera. Tipong ma-late ka lang ng isang segundo sa biometrics, fifteen pesos na 'yon. Isama mo pa na hindi madali ang buhay dito sa Pinas, di ba?

Kaya siguro hindi na rin marunong maghintay ang mga tao. Kahit naka-red na sa pedestrain stoplight, keri lang makipagpatintero kay kamatayan, wag lang ma-late.

Pero ako, and I'm proud to say it, naghihintay ako hanggang sa mag-green.

"Te, wala namang sasakyang dumadaan eh!" sabi ni Joyce, officemate ko. "Keri lang 'yan dumaan."

"Kaya di umaasenso Pilipinas eh. Gusto ng maayos na bansa pero di naman disiplinado," sabi ko.

"Alam mo, nasa point na ata ako na wala na akong pake."

"Sana ganyan ka rin sa crush mo na taken na."

"Wala naman na talaga akong pake sa kanya."

"Wala daw pero una sa search bar? Wag nga ako."

Nang nag-green na, sabay kami naglakad. Dahil pinilit ko na wag dumaan noong red light, na-late kami ng two minutes. Bale, 8:02 a.m. lang naman kami nag-in, at naubos na namin yung sampung beses na puwedeng ma-late ng labinlimang minuto.

"Te, isang taho rin yung two minutes late natin kanina," sabi ni Joyce na bad trip na bad trip habang nag-aayos ng gamit. "Pamasahe na 'yon mula Antipolo hanggang Rosario!"

"Ganon talaga ang buhay," sabi ko na lang. Aminado ako na naiinis ako, pero naninindigan pa rin ako na tatawid ako kapag green light lang.

Nagtrabaho lang buong araw. Nothing usual. Pag-uwi, hindi na sumabay sa 'kin si Joyce. Na-trauma ata. Haha. Okay lang. Umuwi ako mag-isa.

Again, kahit sobrang "matrabaho," naghihintay ako na mag-green yung ilaw kahit sabihin mo pang ilang beses ako tumigil.

Sa isang pedestrian stoplight na biglang nag-red, tumigil ako. Dumaan yung mga nasa likod ko, at may mga papunta rin naman sa way ko. Hanggang sa . . .

May isang lalaki na naka-gray na jacket at sweatpants na para bang terno sila, hawak-hawak yung husky niya.

Napangiti ako kasi ang cute ng aso.

Tapos cute din yung may hawak ng husky.

Eh nang napangiti ako . . . bigla rin siyang napangiti.

Eh di lalo ako napangiti. Hahaha—harot.

Check na check pa lalo na nakatigil siya. Tipong sobrang ikli ng tatawiran, mga limang metro lang siguro, pero pareho kaming naghihintay na mag-berde yung ilaw.

At pagberde ng ilaw, tumawid na kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa husky kasi sobrang cute at iniwasan si—tawagin na lang natin siyang Yumsky—kasi nakakahiya rin naman.

"Miss," bigla niyang sabi. Ako naman si tingin. Sana gumana yung tantalizing eyes ko. Hahaha—harot.

"Panyo mo," dagdag niya.

At ang pinaka-cute pa sa araw na to, yung husky yung pumulot ng panyo ko. Ahhh . . . sarap mabuhay!

"Good boy," sabi ko tapos hinimas yung ulo ng husky. Puwede na akong mamatay. Nakahimas na ako ng husky. "Thank you," sabi ko naman kay Yumsky.

Ngumiti lang siya at ngumiti ako. Naglakad lang ako lagpas niya, mga limang hakbang, at saka lumingon. Ang nakakakilig, pagkalingon ko, nakalingon rin siya sa 'kin.

Kunwari hindi ko nakita kahit parang nahalata niya na nakita ko ata. Sobrang laki lang ng ngiti ko, hindi ko natanggal pauwi.

Pero natural, paggising ko, kahit andoon pa ang kilig, alam ko namang isang araw lang 'yon.

At may paraan ang universe para bawiin agad angligaya.

CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon