Okay naman ang pagpasok ko noong sumunod na araw. Hindi ako na-late, at hindi ko na rin nakita si Yumsky at ang cute niyang husky. Okay lang. Mabuti na alam ko kung kailan titigil.
"Baks," tawag sa 'kin ni Joyce. "Ang pogi ng bagong department head. Bata pa tapos—"
"O, ano ngayon?"
"Te, kinakalawang na ba 'yang mga egg cells mo, ha? Sabi ko, pogi. Wala man lang kiliti diyan sa balun-balunan mo?"
"Wala. Ang mga pogi ngayon, kung hindi taken, hindi babae ang hanap. O kung hindi sa dalawang 'yon, hindi lang talaga tayo type."
"Ay, bakit 'tayo'? Wag mo ko idamay, baks."
"E di sige. Ako na."
Tinuloy ko lang ang trabaho ko. Maya-maya, pumasok si Boss Denise. Kahit mataas yung cubicle at hindi ko makita dahil nakaupo ako, alam kong si boss 'yon dahil sa boses niya.
"Everyone, please meet Aion, your new department head."
Tumayo kami sa cubicle para batiin ang bagong department head, at halos ika-tumba ko nang makita ko si Yumsky (na mas lalo atang naging yummy dahil naka gray coat at white polo siya). Nakita ko siyang ngumiti sa mga kasamahan ko at pagdating sa 'kin, biglang niyang sinabi, "Uy, that's you!"
Ngumiti lang ako. Naramdaman ko yung pagsiko ni Joyce.
"You know Glai?" tanong ni Boss Denise.
"Oh, Glai," sabi niya na parang may diin sa pangalan ko. "No, I don't, but I met her several times already."
Wow, maka-several, e dalawang beses lang 'yon, sa isip-isip ko.
"Huy," bulong sa 'kin ni Joyce. "Kailan mo na-meet 'tong papi na to?"
Hindi ko siya sinagot kasi natatakot ako na baka makita ako ni Yumsky, now Sir Aion dahil department head ko siya, na biglang magsalita.
"Glai's good, pero laging late," sabi ni boss.
Ngumiti siya. "Naghihintay kasi yan ng green light bago tumawid."
Nasiko na naman ako ni Joyce.
Umupo na kami matapos magpakilala. Kinukulit ako ni Joyce nang biglang pumunta si Sir Aion sa may row namin.
"Glai, okay ka na?" sabi niya sa 'kin.
"Yes po, sir," sabi ko. "Sadyang stressful lang noong araw na 'yon."
"Ah, Glamor Izabelle Ramos ka pala. Kakaiba ah."
Hinanap ko kung saan niya nakita 'yon. Nakita ko yung nametag ko na ginamit pa sa isang event na "Glamor Izabelle" talaga ang nakalagay, as in yung buong first name ko.
"Yes, sir," sagot ko na lang. "Napagtripan ng magulang eh."
"Aion na lang, puwede?" sabi niya na may ngiti. "Masyadong pormal eh."
"Subukan ko po."
"At tanggalin mo 'yang po. Anyway, sige, balik na ako sa cubicle ko."
Kalahating gusto ko siyang bumalik dahil naiinis ako na gusto ko siya pero taken siya, at kalahating ayoko dahil panigurado, uulanin ako ng mga tanong ng mga officemate ko.
Lo and behold, totoo nga.
Ang summary ng mga tanong nila ay kung magkakilala ba kami at kung anong koneksiyon namin dati. Kailangan kong ikuwento yung pedestrian lane incident, at kinilig ang mga loka. Sa dulo, ang nasabi ko na lang, "Huwag na nga kayong umasa. Taken siya, okay?"
"Kaka-search ko nga lang sa Facebook niya," dagdag ni Joyce, "Picture lang naman na may kasamang girl na hinahalikan ang forehead. Malay mo kung best friend."
"Best friend, ano? Sa Wattpad lang nangyayari 'yang best friend na hinahalikan sa noo tapos ginagawang profile picture. Wala sa real life ng mga ganyang lalaki."
"Eh ano ba, happy crush lang naman."
"Iyang happy crush na 'yan, napupunta rin sa sad love. Kung tutuusin, hindi nga dapat sad ang love. So I guess, sad crush," sagot ko.
"Makatawid nga nang maayos mamaya."
"Iyan . . . 'yan tayo eh. Gagawa lang nang mabuti para biyayaan ano?"
Inirapan lang ako ni Joyce at natawa naman ako. Nagtrabaho ulit ako kahit na distracted ako na andito siya na kasama ko sa office. Ewan ko ba sa katawang lupa ko kung bakit sa kauna-unahang beses, napabasa ako ng employee's handbook nang wala sa oras.
Walang rule tungkol sa office romance.
Hindi para sa 'kin kundi para sa mga pusible niyang mabiktima.
Noong araw din na 'yon, sabay-sabay kami ng mga office mates ko—mga anim kaming babae—na tumayo pagsapit ng alas singko ng hapon. Balak sana namin mag-fishball. Naglilipit ako ng gamit nang pumasok si Aion sa office.
"Uwi na rin kayo?" tanong niya.
Bumulong naman agad sa 'kin si Joyce, "If I know ikaw lang pakay niya."
Pinagdilatan ko siya kasi baka marinig.
Sinabi lang naman ng mga girls na magfi-fishball lang kami. Muntikan na akong hindi sumama. Buti na lang sumama din si Boss Denise, Sir Jose, at Eugene. Ewan ko ba kung bakit ngayon, ang awkward na para sa akin na makasama si Aion.
Nagdadaldalan lang sila habang naglalakad. Kahit si Joyce, andon sa harap, chinichika si Aion. Ako naman, nasa likod, kinakausap si Boss Denise at si Sir Jose.
Pagdating sa pedestrian lane kung saan naka red yung ilaw, tumakbo tong mga babae.
"Sir!" sabi ni Pauline, isa rin sa mga office mates ko na trip si Aion. "Halika na, wala namang sasakyan eh."
"Una na kayo. Masunurin akong pedestrian eh," sagot niya.
Napatingin ako sa kanya tapos napatingin sa lugar. Ano ka, sinusuwerte? isip-isip ko. Awkward, oo, pero hindi ko isasakripisyo prinisipyo ko dahil awkward. Kainis!
Natira tuloy kaming dalawa.
Nakita ko siyang napangiti sa 'kin mula sa peripheral view ko. Pinipigilan kong kiligin dahil baka modus operandi lang niya 'to para mabilis mahulog sa kanya ang mga babae. I mean, kahulog-hulog naman kasi siya.
Nag-green light na nang tumawid kami. Nagulat ako nang bigla siyang bumalik. Ako naman dumiretso lang kasi aabutan na ako ng pulang ilaw. Pagtalikod ko, nakita ko na may inaalalayan siyang senior.
Utang na loob, bakit ang perfect niya? isip-isip ko.
Nag-red light na kaagad pero hindi pa rin sila buong nakakatawid. Tinaas ko yung kamay ko para pigilan yung ibang mga sasakyan na gusto na humarurot para makatawid si lola. Pagtawid niya, nagreklamo agad yung lola. "Buwitre talaga tong mga sasakyang to, wala ng galang."
"Sige po, 'La, una na ho kami," sabi ni Aion.
"Pagpalain sana kayo ng isang dosenang anak."
Namula ako at tumawa naman siya. At bago pa man kami buong makatanggi, dumating na yung apo—ata—ng lola na binitbit yung dala-dala niya.
"Saan yung kainan ng fishball?" tanong niya, nakangiti. Di ko alam kung anong ikinangiti nito, pero utang na loob, paano ko ba iingatan ang puso ko nang ganito?
"Andoon sila," sabi ko sabay turo kung nasaan sila. Binilisan ko yung lakad. Pagdating namin doon, ang sama na ng tingin ni Joyce sa 'kin.
Silang lahat, sama-samang nag-uusap. Ako, tahimik lang na kumakain. Siguro wala pang sampung minuto, napatingin ako sa oras.
"Una na ako," sabi ko sa kanilang lahat.
"O bakit?" tanong niya.
"May gagawin pa kasi ako sa bahay."
Nagsabi na sila ng "Ingat" sa 'kin. At ako, tumawidsa pedestrian lane mag-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/169233606-288-k606863.jpg)
BINABASA MO ANG
Crosswalk
Romance'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito ma...