Chapter 2: No Entry

5.7K 395 167
                                    


"O, kumain ka na. Nagluto ako ng hot dog," sabi ni Mama pagkagising na pagkagising ko. Tiningan ko yung oras—4:45 a.m. pa lang. Gising na siya ng 4:00 a.m. May service na susundo kasi sa kanya ng mga 5:00 a.m. "Nga pala, malapit na pala bayarin sa renta," sabi ni Mama.

"Sige po mag-withdraw ako mamaya. Huwag ka mag-alala, Ma," sabi ko. "Hindi na ako male-late para hindi na ako mabawasan sa sweldo."

"Sus. Okay lang basta masaya ka. Ikaw, kailan ka ba mag-aasawa? Tumatanda na ako. Pati 'yang matress mo lawlaw na."

"Wow, Ma. Maka-lawlaw tayo e, 'no? Tigilan mo nga ako."

Minsan nahihiwagaan pa rin ako kung paano kami napunta sa ganito. Naaalala ko kung gaano ako katakot kay Mama noong bata—bawal lumapit sa lalaki, bawal umuwi ng late. Ngayong bente-nuwebeo na ako, para kaming magkaibigan na nasa dalawampung taon ang edad. At ngayon, ako na ang nagagalit sa kanya kapag nakakalimutan niya inumin ang mga maintenance meds niya, pinagtutulakan na niya ako sa mga anak ng mga kumare niya, at tinatanong na niya ako kung bakit ang aga ko umuwi.

"Gusto ko naman ng apo," sabi niya.

"Ako, gusto ko ng taong loyal sa 'kin. Ayoko ng tulad niya."

"Ayan na naman tayo," sabi ni Ma. "Hindi mo naman mapipili ang taong mamahalin mo eh."

"Kaya ko, Ma," sabi ko. "Papatunayan ko 'yan sa inyo kapag uugod-ugod na ako at hindi pa rin ako iniiwan ng asawa ko."

Biglang may bumisina sa labas. Nagtatatakbo si Mama para kuhanin yung sapatos niya. "Wag mo kalimutan isara ang pinto," sabi niya. Tapos poof, wala na siya. Ako naman, naligo, nagbihis.

Gumising ako nang maaga para sana maagang makapasok. Nakarating ako sa trisikelan ng mga 5:30 a.m. Pagdating ko sa pila ng tricycle, nagulat ako sa haba.

"Anong meron?" tanong ko sa nasa harap ko.

"Walang tricycle," sabi lang niya.

Time check, 5:39 a.m.

Ang nakaka-ewan lang, nang makasakay ako sa likod mga sampung minuto pagkatapos, biglang ang tagal ng ibang pasahero! Nakakaloka. Kanina ang haba ng pila, tapos pagdating sa 'kin, biglang wala na.

Time check, 5:48 a.m.

Sa may likod ako ng tricycle sumasakay. Aba, si ate na katabi ko, pinag-breakfast ako ng buhok niya. Akala ko, malala na 'yon. Konting hakbang na lang, na-flat-an pa yung gulong ng tricycle. Pinalakad kami ni manong tutal "malapit lang naman."

Iyong lapit na 'yon ay limang minuto rin.

Time check, 6:01 a.m.

"Ano, gumising ako nang maaga para ma-late?" inis na tanong ko sa sarili ko habang naghihintay ng FX. Fifteen minutes na akong naghihintay, wala pa ring dumarating. Pagkasakay ko, tiningnan ko yung oras.

Time check, 6:30 a.m.

Putek, isang oras palabas ng subdivision? isip-isip ko.

Nag-twee-tweet ako kung gaano kamalas ang umaga ko nang sabi ng universe, "Wait, there's more!" Biglang tumigil yung FX. Halos magkapalit na kami ng mukha ng upuan ng driver e. Pagtingin ko—what a very nice day—hindi pa nga masyado nakakalayo, nakabangga na yung FX. Level 55 na yung pagka-imbyerna ko.

Time check, 6:52 a.m.

At dahil puno yung mga FX doon sa parte na binabaan ko, sinubukan kong mag-jeep para man lang umandar ako. Pagkasakay ko, bumaba lahat ng pasahero sa may harap maliban sa 'kin at doon sa katabi ko. E pareho kaming nasa dulo.

CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon