Chapter 4: No Right Turn on Red Signal

4.8K 362 163
                                    


Simula noong araw na 'yon, kapag sabay-sabay kaming umuuwi, naghihintay yung iba kong office mates kapag tatawid sa pedestrian lane kasi alam nila na naghihintay si Aion mag green light. Iyon nga lang, kapag wala na si Aion, hindi rin nila ginagawa.

I guess, better than nothing? Hay. Talaga bang kailangan may motibo muna?

Nagkakatagpo lang kami ni Aion kapag may department meeting. Ano pa ba dapat inaasahan ko? Natural, department head siya.

Nagra-rounds siya paminsan, at nang minsan niya akong masabihan ng "Okay yung file mo, Glai," naging issue lang naman 'yon kay Joyce dahil ako lang daw talaga yung sinabihan niya n'on.

Matapos ang tatlong buwan, sobrang nag-boom ang office namin. Naging maganda performance namin na talagang pinuri ng mga boss na mas mataas pa kay Aion. Dahil doon, nagyaya si Aion ng dinner, pero hindi ako sumama. Sabihin nating iniingatan ko lang yung feelings ko.

Alam ko naman na sa bawat pagbisita niya sa cubicle ko, hindi ako makahinga dahil sobrang bilis ng tubok ng puso ko. Iwas sakit lang.

Noong sumunod na araw, nag-uusap-usap yung mga officemates ko. Pinaguusapan nila yung "masayang" dinner nila kasama ni Aion kahit hanggang lunch. Siyempre, ang mga ate, kilig na kilig at gwapong gwapo sa kanya.

"Uy, asan ka ba kahapon? Di ka nagrereply sa mga text ko?" tanong ni Joyce. "Super saya namin kaya kahapon! Kayo ni Sir Jose lang ang wala."

"Marami akong gagawin," sabi ko na lang.

"May husky siya! Nakita namin kahapon! Di ba mahilig ka doon?"

Napatigil ako. Huminga ako nang malalim. "O, talaga? Nice." Pero sa kaloob-looban ko, naisip ko na sana pumunta ako para mayakap ko yung husky niya.

Habang naglulunch kami, pumunta si Sir Jose at Eugene papunta sa 'min.

"Bat wala ka kahapon?" tanong ni Eugene na nakasandal sa may upuan ko habang nakatayo.

"May ginawa kasi ako kahapon," sagot ko.

"E mamaya, may gagawin ka?" biglang tanong ni Sir Jose.

"Wala naman po, sir—"

"Good," biglang sabi ng mushroom na sumulpot—si Aion—na may dalang tray ng pagkain. "Hindi ako papayag na hindi ko malibre lahat for dinner."

"Woo!" biglang celebrate ni Sir Jose. "Sakto ka, iho. Itatanong ko pa lang tong si Glai."

"Okay lang 'yon," sagot naman niya.

"Nanghinayang talaga ako kahapon. Tawag ni misis eh."

Dumiretso na sina Sir Jose at Eugene doon sa may pagpipilian ng pagkain. Medyo awkward ako kasi . . . ewan ko ba. Puso, bakit ka ba kinakabahan? Tigil-tigilan mo nga, puwede?

"May nakaupo dito?" tanong ni Aion.

"Wala, sir," sabi ni Joyce.

Umupo si Aion sa tabi ko. Itong si Joyce hindi ko alam kung nananadya ba o ano e.

"Isasama ko si Alpha mamaya," sabi niya.

Hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Aso talaga ang kahinaan ko. Haha.

Pagdating nina Sir Jose na makikiupo rin sana, nakahanap ako ng pagkakataon para umalis. Nagchichikahan naman sina Aion at Joyce. Ako, mas gusto ko ingatan ang puso ko.

"Joyce, balik na ako," sabi ko dala-dala yung walang laman kong tray.

Hindi ko na pinansin yung mga sinabi nila na mag-stay muna ako, kunwari di ko narinig. Sinauli ko lang yung tray tapos bumalik na ako sa office.

CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon