Isang buwan pagkatapos, medyo naging busy na rin sa office. Mabuti na rin yon para makalimutan ko lahat ng nangyari sa outing. Kaliwa't kanan ang papel, pero natutupad ko pa rin ang deadline. Trabaho, uwi, trabaho, uwi lang naman ang gagawin ko. Medyo nangangarag na rin ako.
"Anak, bakit ayaw mo kasi lumabas?" sabi ni Mama isang Linggo habang nanonood kami pareho ng TV. "Ano ba yon, tindera?"
"Anong tindera?"
"Yung parang puwede kayong magdate online?"
"Tindera . . . Wait, Tinder?" Natawa naman ako sa sinabi ni Ma. Haha!
"O, eh di Tinder. Maghanap ka ng lalaki doon!"
"Ma! Ayoko nga!"
"Hay nako. Tatanda kang dalaga niyan."
"Tatandang dalaga pero masaya at walang lalaking nanloko sa kin," sagot ko.
"Hay nako! Ibabalik mo na naman sa kin. Iba ang buhay mo sa buhay ko."
"Exactly, Ma. Kaya nga nag-iingat lang ako no. Gusto ko ng lalaki na . . . loyal."
"Loyal pero hindi ka mapapakain ng tatlong beses sa isang araw, bet mo?"
"Saang kalye mo na naman nakuha yang 'bet mo'?"
Natawa si Mama. "Iniiba mo usapan eh. Lika na, sa labas na lang tayo kumain. Kahit yung mumurahin lang. Di ako nakapagluto eh."
"Sige, Ma. Okay lang."
Lumabas kami ni Mama para kumain sana sa karinderya. Pero dahil una namin nadaanan yung grocery, nagdecide kami na mag-grocery muna.
Bumibili si Mama nang mantika nang—
"Glai?"
Holy no.
Nakita ko yung ngiti sa labi ng nanay ko.
"S-sir Aion!"
Bakit ganoon? Bakit ganito? Bakit kami pinagkita ngayon? Utang na loob naman, universe. Ano bang kasalanan ko sa 'yo para ganitunin mo ako? Nasubmit ko naman deliverables ko on time a!
Tumingin siya kay Mama at inalok yung kamay niya para makipag-shake hands. "Kayo po ang Mama niya?"
"Oo, ako nga. Magkatrabaho kayo?" tanong ni Ma.
"Supervisor ko siya, Ma," putol ko kay Mama bago pa siya magtanong ng kung ano.
"Supervisor? Wow! Ang bata mo pa a!"
Ngumiti si Aion. "Nagsipag lang po. Sipag niyang anak niyo sa opisina—"
"Magkaedad lang ba kayo?" tanong ni Mama.
"Tingin ko po. O . . . mas matanda ata ako, di ba, Glai?"
Tumango ako. Gusto ko na lang kunin ng UFO ngayon. Natatakot ako sa sasabihin ng nanay ko. Ito pa naman, kahit sinong lalaking kasama ko, tinatanong kaagad kung nag-de-date kami. Please, wag ngayon, Ma.
"Iho, sakto dating mo," sabi ni Mama. "May gagawin ka ba?"
"Actually, pauwi na po ako—"
"Wala kang gagawin pagkatapos?"
"Ma!" sabi ko. "Ano—"
"Wala naman po," singit ni Aion.
"Kasi itong anak ko, kinukulit talaga ako samahan sa grocery. Eh sabi ko kasi kailangan by eight, nakaalis na ako—"
Kinukulit? "OMG. Ma, kailan ka pa natutuong magsinunga—"
"Puwede mo ba siyang samahan?"
BINABASA MO ANG
Crosswalk
Romance'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito ma...