Pagkatapos ng araw na 'yon, dinadala na ni Aion si Alpha tuwing umaga tapos pinapauwi kay Paulo pagkatapos. Siyempre, ang saya ko naman—ako talaga yung pinakamasaya sa department. Haha! Pero simula rin ng araw na 'yon, hindi na ako nakalimot magdala ng payong. Sa sobrang paranoid ko pa, nagtago din ako ng ekstrang mga damit.
Tungkol sa mga damit niya, patago kong sinauli. Noong isang araw na umuwi ako nang maaga, iniwan ko sa may front desk ng condo. Nilagyan ko na lang ng note.
Fast forward, naging okay naman. Nakakaiwas ako sa feelings. Pero sa pag-iwas ko sa feelings, napapaiwas na rin ako sa mga office mates ko. Kahit noong Christmas party, nagdahilan ako na hindi makakasama dahil kay Mama (which is half true). Madalas kasi silang mag nightout kasama ni Aion, at iniingatan ko yung virgin kong puso. I mean, nagkacrush at nagkafling naman na ako pero wala namang natutuloy.
Ito, ang hirap kasi lagi kaming nagkikita. Isa pa, taken yung tao. Ewan ko ba sa mga office mates ko kung bakit natitiis nila. Alam na nga nilang meron, todo landi pa rin. Umiiwas din ako pag pinaguusapan na nila ang love life niya. Pake ko ba doon?
Nga lang, hindi na ako nakatakas noong summer outing.
Lahat daw ng hindi makakasama sa summer outing, kailangan mag-work sa office. Eh siyempre, outing o trabaho, doon ka na sa outing, di ba?
Mga 7:00 a.m. nang—holy shining shimmering splendig—naka T-shirt lang si Aion na dumating. Itong mga babae kong office mate, siya na naman ang topic sa group chat namin.
Roxanne: yummy.
Marian: dessert.
Joyce: main meal.
Sharlene: in the mood for hotdog and eggs.
Joyce: HAHAHA GAGA!!
Glai: yan na naman kayo sa pag-o-objectify.
Roxanne: ang fun mo talaga sa parties, glai
Glai: ayaw niyong tinatawag kayong hipon tapos kung maka hotdog and eggs kayo
Marian: oo na sige na. can't help it te. sinong di magdodonate ng egg cells para anakan nitong si aion?
Roxanne: mumsh, uhaw tayo???? HAHA.
Grabe 'tong mga to. Matagal na naka-mute tong chat group namin. Lagi naman si Aion pinag-uusapan nila. Pero lumalabas pa rin kasi eh. Hindi ko naman maiwasan tingnan.
"O, Glai," bati niya. "Buti makakasama ka na."
"Kesa naman magtrabaho," sabi ko.
"May surprise ako para sa 'yo."
"Ha?"
Nagulat ako nang biglang lumabas si Paulo kasama ni Alpha. Nanlaki yung mata ko at akala mo naman, ako ang may-ari ng aso. Napayakap ako kaagad kay Alpha.
"Huy, mangangamoy aso ka niyan!" sabi ni Joyce.
"Keri lang," sabi ko sabay pisil kay Alpha.
"Tabi na lang kami. Amoy aso rin ako," sabi ni Aion.
Nagulat ako, at nakita kong nagulat silang lahat. Bale, nililigpit namin yung gamit, saka ko nakita na may mga chat na sila ulit.
Joyce: Nakakaramdam na talaga ako kay sir.
Pauline: Pansin mo rin pala. Iba talaga titig kay Glai eh.
Napairap na lang ako.
"Okay lang, sir," sagot ko. "Di naman maaarte tong mga kasama ko, di ba? Baka nga kahit amoy pawis na kayo, tabihan pa kayo niyang mga yan eh."
BINABASA MO ANG
Crosswalk
Romance'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito ma...