🌸🌸Chapter 4🌸🌸

2 1 0
                                    

Ice's POV

Nagising akong may naramdamang basa sa aking noo. Hinawi ko ito at Tinignan ng maigi. Bimpo?

Teka nasaan ba ko? Inilibot ko ang paningin ko.

Ang laki ng kwarto. Vintage style. At may mga antique pa na mga vase.

Nasaan nga pala ko.

Tumayo ako ng dahan-dahan.

Aray!! Napahawak na lang ako sa kamay ko , andami ko palang pasa dahil sa kahapon.

Ang kahapon nga! Ang race? Sinong nanalo? Sino?

"Gising ka na pala" pipihitin ko na sana ang doorknob nang may biglang nagsalita sa labas ng pinto. Sino sya?  Ako ba ang kinakausap nya?

Di ko kilala ang boses. Impossible naman na Si kuya. Magkaiba sila ng boses sobrang cold ng boses  ni kuya Renren kaysa sa kanya. Sobrang --- hindi sobra--- mukhang pambabae... Ang lambing... Bakla yata.

"Oh bakit natahimik ka.. Okay kalang ba?" Sabi ng kabilang boses.
Ano ba dapat ang sasabihin ko?sadyang napazip na lang tong bibig ko. Hindi ko maitatangi na gwapo ang boses nya. Gwapo huh.. Naboboringan na kasi ako sa mga naririnig ko na sinasambit nila 'ang ganda ng boses' kahit lalakeng ang pinagsasabihan.

"Okay hindi ka talaga magsasalita. Bubuksan ko muna tong pinto" anong pinto ang bubuksan nya? Nakita ko ang dahan-dahan pagpihit ng kaharap Kong pinto kaya agad akong bumalik sa kama at nagkumot muna. At masamang nakatingin sa pinto..
.

I'm Candice and kasing lamig ko ang yelo ng mundo.

Kung sino man tong taong toh. Humanda sya.

Maraming nakakakilala sa kin. At maraming gustong pumatay sa kin dahil kapatid ang isang matagumpay na tao. And soon, susundan ko ang mga yapak nya.

"Gising ka na pala" agad nyang bungad sa kin nang makita nya akong nakaupo at nakasandal sa kama at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Di ba nagsabi na sya sa kin ng ganyan.

Ang bilis naman nyang makalimot.

"And by the way...." Nangunot ang noo ko nang Tinignan syang nakatingin sa kin. Di ko talaga sya maiintindihan. Gwapo sana sya eh.

Kung irarate ko ito sa 0 to 10 kung gaano sya kagwapo siguro 7.5 . gwapo na man talaga sya eh. Hindi ko maitatangi na Hindi ko maitanggal ang paningin ko sa kanya.

"I love you" what? Anong sinabi nya? I love you?

Love you nya yang mukha nya!!! In his face, kadiri sya. Ang kapal  nyang sabihan akong I love you. Wala nga akong boyfriend eh. I don't like boys na kakadena sa kin habang buhay.

"Heheheh" napatawa nalang sya bigla at tinalikuran ako.

Ngayon ko rin napag-alaman na may dala pala syang cellphone at nasa tenga nya pala ito. At may kinakausap.

Ilang minutong lumipas tapos na syang kausapin ang kinakausap nya. Ipinasok nya sa bulsa nya ang dala nyang cellphone. At humarap sa kin.

"Ilang araw ka ng nanatili dito sa mansyon ko," ngumiti sya sa harap ko. Hindi ko mapigilang kumakabog tong dibdib ko sa Hindi ko alam ang dahilan. Ang bilis ng pagkabog nito dahil lang sa pagngiti nya. Kinakabahan ako. Ngunit bakit?

I am cold as an Ice. I'm an evil princess. And no one dares to make me feel this way.

Spill Me The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon