Chapter 7: Face the Darkness

63 7 3
                                    

Chapter 7: Face the Darkness

CHARM ACADEMY
MELIODAS HALLWAY 9:45 PM

SNOW'S POV:

Papunta na kami sa quarters ng mga first at second years. Habang naglalakad, hindi parin namin maiwasang mangamba para sa buong Academy. Napansin ko narin ang biglang pagtahimik ng kambal simula nung umalis kami sa harap ng Headmaster.

"Okay lang ba kayo?" Stupid question. Malamang hindi, sino ba namang magiging okay ng malaman niya na kasalukuyang sinasalakay ng mga di kilalang tao ang tahanan niya?

"Okay lang." si Lily ang nagsalita, she smiled at me at hinawakan niya ang kamay ko. "Magiging okay din naman ang lahat, hindi ba?"


She's looking through me. Her eyes was like searching a yes for me. That exact moment, niyakap ko siya bigla. I don't know why, bigla nalang kumilos ang katawan ko. "Oo naman Lily, magiging okay din ang lahat. We've been here once. And this time, all we have to do is to defeat them—just like the old times."

"Oo nga Lily, cheer up!" Si Layla bigla kaming niyakap.

"GROUP HUG!"

Yung mga oras na yun, alam kong may mali sa sinabi ko. Alam kong nagsisinungaling ako. Oo, we've been in this situation before, pero ramdam ko ibang iba ito.



9:50 pm
COLLIN'S POV

Hinati na ni Dio ang pwersa ng mga Juniors at Seniors. Mayroon kaming dalawang grupo ngayon. Ang isa ay pinamumunuan niya at ang isa ay ang sakin. Parehas kaming may pinagsamang pwersa ng mga third at fourth year sa aming battalion.

Parehas lamang ang goal namin, and that's to secure Ariela's safety as well as sa mga kapwa charmers namin na wala parin kakayahang lumaban. "Wala na tayong oras kailangan na nating umalis." Nagsimula na si Dio maglakad papunta sa doorway.

Bago niya buksan ang pinto muli siyang humarap sa mga kasama namin. "We were given instructions na huwag patayin ang mga endarkened na makakalaban natin. We should just restrain them, pero if the situation gets worse use the blade na binigay ni Judes to finish them off."

Agad namang silang tumango. "Lamang tayo sa dami ng tao. We should overpower them. Pero di natin sila pwedeng maliitin. They're the same forces who attacked and destroyed Mirandi and Greven in one sweep."

"Sira na ang Mirandi?" Sambit ng isang charmer.

"Pati ang Greven?!" Halos napasigaw ang isang babae sa likod.

"We didn't even expect that a group of 15 people could've destroyed an entire city, higit sa lahat—isang society." Humarap na si Dio sa pinto at inilagay ang kanyang kamay sa steel bar na handle nito. "Dumami na sila ngayon, kino-convert ni Chaos lahat ng nakukuha nilang buhay bilang isa sa kaniyang Endarkened. Which means, hindi sila basta basta."

Tama si Dio, hindi sila basta bastang kalaban. Lalo na yung Chaos. "Those people na makakalaban natin, they'll show us no mercy. In this fight, its gonna be them—or us." Hinigpitan ko ang hawak ko sa blade na binigay ni Judes. "Ayokong sabihin ang bagay na to pero once na matalo tayo sa labang ito, this might be the end of the whole Magic Society."











9:53 pm
AURORA'S FUNCTION ROOM.

SNOW'S POV:

Kasama na namin ang lahat ng Freshmen at Sophomore. We already started a headcount just to assure na wala kaming maiiwanang studyante. Most of them are still wearing their nightgowns at yung iba naman ay naka pajamas.

UNITE: A CASOM AND TAOSA Story CrossOverWhere stories live. Discover now