Chapter 14: AfterLife
NIRVANA
HEILAGT, --:--LUCAS POV:
Bigla akong nagising sa aking pagkakatulog. Noong una hindi ko alam kung nasaan ako, kung anong dapat nararamdaman ko pero ang alam ko ay patay na ako. Patay na. There's no way of going back. It's been a year since I died. Since then, hindi parin nawawala ang mga masasakit na alaala na buhat ng kahapon. Every single thing seems just happened yesterday. Noong oras na sumali kami sa Linus Cup alam namin na kalahati ng aming katawan ay nakabaon na sa lupa.
I woke up gasping, every muscle in my body is tingling with alarm. I sat up and searched for wounds on my body but there isn't any single scratch on it. I felt no pain. Pakiramdam ko bagong bago ako. My clothes looked perfectly fine. Walang punit ito at hindi rin sira. Mukha itong nilabhan at dinry wash, atsaka isinuot sakin ulit.
Teka, asan nga ba ako?
Dahan dahan akong tumayo. Pinakiramdaman ko ang paligid, mabango. Tiningnan ko ang tinatapakan ko, at nagulat ako ng makitang naka-carpet ito. Natawa ako sa nakikita ko. Somehow I survived!
Except... that was impossible.
Asan nga ba ako?
Tumakbo ako papunta sa pinakamalapit na pintuan―hindi nawala ang ability ko. Mabilis parin ako! Hindi kaya buhay talaga ako? Pero napaka impossible. Kitang kita ng dalawa kong mata kung papaano kami umakyat sa pinaka-mataas na bahagi ng arena, kung paano pilit inaaninag ni Shia ang pangalan ng bayan na nangunguna nung mga panahon na iyon. Kitang kita ko rin kung paano umiyak ang bestfriend ko habang tinitingnan ang kalagayan ko, ang pagkaubos ng dugo ko, ang panghihina ko― ang pagkamatay ko.
Binuksan ko ang pinto, at sumilip sa magkabilang daanan. Walang tao sa hallway. Para akong nasa isang hotel, or baka naman buhay talaga ako, at niretrieve lang ng mga taga Boran ang katawan ko at pinahospital. Kung ibabase ko ang nakikita ko, mukha akong nasa student's dormitory part ng kastilyo. Nasa Boran ako.
Naglakad lakad ako ng ilang saglit pero wala parin akong nakakasalubong. Anong oras na kaya? Maliwanag ang buong lugar dahil sa mga naglalakihang chandelier na naglalabas ng warm light. Maaliwalas ang paligid. Hindi ganun kainit, hindi din malamig. Nagikot ikot parin ako ng ilang saglit at nakakita ng isang malaking double doors na may nakasulat sa itaas na training room.
Ibig sabihin nasa Boran nga ako?
Inilapat ko ang magkabila kong kamay sa malamig na bakal na hawakan nito at itinulak ang dalawang naglalakihang pinto. Nagulat ako sa nakita ko, napakalawak ng loob nito. Parang dalawang soccer field ang katumbas ng loob, at nahahati ang lugar sa iba't ibang parte. May part dito kung saan puro sira sirang building ang makikita mo, mayroon ding lugar kung saan nagssnow. What the f*ck?! Nakocontrol ang weather sa lugar na ito? May isang dagat sa gitna na may barkong palubog pa lamang.
Lumingon lingon ako sa paligid ko. Hindi Boran to. Bigla akong tumakbo sa aking kaliwa sabay yumuko ng maramdaman ko na may paparating na isang sibat sa direksyon ko. Kaagad itong tumusok sa pinto kung saan ako galing kanina. "Mag-ingat ka naman sa susunod!" sigaw ko.
Tiningnan lamang ako ng lalaki at agad akong pinaulanan ng umaapoy na sibat. I easily dodged all of those spears without any problem. Hindi niya ba alam na may ability ako ng superspeed? He looked like an annoyed kid the moment he realized na walang kahit isang spear ang tumama sakin. Ilang saglit pa ng biglang makita kong tinamaan ang isang batang may hawak na ice cream sa kanyang dibdib.
YOU ARE READING
UNITE: A CASOM AND TAOSA Story CrossOver
FantasyIt's been a year since the 23rd Linus Cup, Gin and his group members are already having the time of their life. They're about to have a vacation on the outside world, when things suddenly went wrong. Chaos is back. He threathens the whole magic wor...