Chapter 4: The Arrival
CHARM ACADEMY
JUNE 2089; 6:15 amARIELA'S POV:
"Uy gising na." Isang familiar na boses ang narinig ko. Pilit ako nitong ginigising. Inaalog niya ang buong katawan ko at hinahampas pa ako ng unan.
"Snow, why don't you just let me sleep for awhile?" Sabi ko sa kanya ng humarap ako sa kabilang parte ng kama. "Five minutes pa."
"Kanina pa yang five minutes mo." Natatawang sabi ni Snow. "Kung pagsasamasamahin mo lahat ng inextend mo, makakaisang oras ka na. Besides, di mo ba naaalala kung anong meron ngayon?"
"Ano bang meron?" Tamad na sagot ko. Ayoko pa kasing bumangon. I was way too exhausted because of yesterday's training and Final exams na namin next week. Sinusulit ko lang naman yung mga oras na maaaring di ko na masulit sa mga panahong iyon.
"Birthday ngayon ni Jett, Ariela. Birthday ni Jett Forester ngayon."
Birthday ni Jett? Anong araw ba ngayon? Ay oo nga! Birthday niya ngayon! Kaagad akong tumayo sa pagkakahiga ko at hinarap si Snow.
Medyo singkit pa ang mata ko, given the fact na kakagising ko lang. Kaagad ko siyang hinawakan sa magkabila niyang braso at inalog alog siya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Anong ngayon lang?" Asik ni Snow, tinanggal niya ang dalawa kong kamay at tumayo sa higaan. "Kanina pa kita ginigising at paulit ulit lang ang nakukuha kong response sayo" nagme-make face pa siya.
I easily jumped off my bed and went to her. Niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong.
"Thank you Snow, di ko alam gagawin ko dito sa Charm Academy kung wala ka."
Kaagad naman niya akong niyakap pabalik. Isa si Snow sa mga taong pinakahahalagahan ko dito sa Academy, halos alam niya na ang buong pagkatao ko. Nasaksihan niya kung paano kami nagsimula ni Jett. Kung paano kami nagkakilala, mga pagaaway namin, yung ilang beses niyang pagligtas sakin, at higit sa lahat kung paano namin minahal ang isa't isa.
Kumawala na siya sa pagkakayakap at humarap ulit sakin. "Tama na ang drama. Simulan mo ng ayusin ang sarili mo." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi matutuwa si Jett pag nakita kang ganyan."
Kaagad akong pumunta sa whole-length body mirror namin sa kwarto at tiningnan ang sarili ko. Maya maya, tumingin ako kay Snow at sabay kaming tunawa.
**
8:45 am
Tapos na akong magayos ng sarili ko. Tinulungan ako ni Snow ayusin ang buhok ko. Siya din ang nagbigay sakin ng isusuot ko. It was a simple yet elegant navy blue dress that was overlayed with black linings on it.
Hindi ko muna sinuot ang dress at nagsuot muna ng sweater at pajamas. Pumunta kami ni Snow sa Dining Hall, okay lang naman ang ganitong dress code. Besides sabado naman ngayon, walang pasok.
Pagbukas namin ng pinto, nakita kaagad namin ang kambal. Sina Layla at Lily, ang aga naman magising ng dalawang to. Meron naring iilang studyante sa hall. Nang makita kami ng kambal kaagad silang tumakbo papunta sa pwesto namin ni Snow.
YOU ARE READING
UNITE: A CASOM AND TAOSA Story CrossOver
FantasíaIt's been a year since the 23rd Linus Cup, Gin and his group members are already having the time of their life. They're about to have a vacation on the outside world, when things suddenly went wrong. Chaos is back. He threathens the whole magic wor...