Prologue

80 6 0
                                    

Pagod ka na bang masaktan?

Pagod ka na bang akoin ang lahat kahit hindi mo kasalanan?

Pagod ka na bang umitindi?

Pagod ka na ba sa kakahigpit ng iba?

Pwes,pareho tayong pagod. Pagod na pagod. Nakaka shutanginemers mga beh ha.
Yun bang....

"Bawal yan.."
"Bawal ganto..."
"Sundin mo ito..."
"Sundin mo iyan.."

Aba'y ako'y napapagod rin. Tao ako at sarili kong pangangatawan ito. Pero bakit halos kinokontrol ako ng mundo? Ano gusto niyo? Share share tayo?

Pagod ka na rin bang masaktan?

Aba ako rin beh.
Yung akala mo ikaw na ang 'The One' niya eh gagows beh tino-two time ako. Ay mali,lima pala lami. Lima kaming pinagsabay niya.

Na halos lahat ng lalaki sinumpa ko sa ganyang sitwasyon. Kasi,dalawang beses ko nang na-experience ang itwo-time. Oo,dalawa lang. DALAWA.LANG.
Pero sa limang beses ako ginawang rebound. Lima yan beh. Ano ha kaya mo?

Kaya pagod na pagod na ako. Hinihiling ko na ako naman yung mahalin ng buo.
Walang kahati. Walang pagdududa. Walang ibang iniisip kung hindi ako lang at lalong hindi rebound.

Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit nagagawa ng mga lalaki ang manloko. Tinatanong ko rin sarili ko kung ano kaya ang gagawin ko kapag naging lalaki ko.

Gusto kong masubukan. Gusto kong mararamdaman ang mga dinadamdam nila. Gusto ko malaman bakit kadalasan sa kanila ay mga 'Cold'. Gusto ko rin masubukan pagiging pogi. Hihi!

Sana isang araw,gigising ako na nasa katawan ng lalaki.

I,Ella Martinez,humihiling na isang araw maging lalaki at kapag nagustuhan ko ay gagawin ko nang infinity.

Pinunit ko ang papel at nilukot ito. Inihagis ko ang nakalukot na papel sa isang bangin sa harapan ko na hindi ko alam kung nay tubig ba o wala. Ang dilim kasi hindi kaya ng flashlight ni phone.

"Hoy Ellang,anong ginagawa mo diyan?"
Nakasimangot kong nilingon si Alleah na ngayo'y papalapit sa akin.

"Obvious ba,Alleyang? Edi nakaupo. Bobo nito."

"Ako pa bobo e ikaw nga itong tanga. Kita mo yon?" Nilingon ko yung tinuturo niya.
Ay pakshet yung panyo ko nasa kabilang bench. Huhu! Tanga confirmed.

Padabog akong tumayo at kinuha ang panyo kong kulay blue. Mainit-init na malambot—hala shet! May tae! May tae ang panyo ko!!!

Sisigaw na sana ako kaso may matandang dumaan sa harapan ko at ningitian pa. Hala creepy! Nako po,anong nangyayari sa world!

Nakasimangot ulit ako at takang taka naman itong si Alleah.
"Oh? Napano ka? Parang nakahawak ka ng tae ah." Tukso niya. Pinakita ko sakanya ang panyo kong kulay blue kaya humagalpak siya ng tawa.

Pesteng tae ka!

"Wao teh,blue at yellow. Ayos yan ah? Pwede na yang lumipad. Hahahahaha!" Nakahawak pa siya sa tiyan niya. Hmp! Ipakain ko kaya sayo itong taeng panyo ko!

"Hindi ka nakakatulong ha."

"Pfft.. s-sorry sorry. Eh kasi—hahahahahaha. Ok ok titigil na. Kalma!" Pilit ko kasing ipahid sakanya yung panyo. Nakasimangot pa rin ako,okay?

"Oh ito one whole. Lagay mo panyo mo diyan para hindi babaho sa bag mo." Pinipigil niya ang tawa niya. Agad ko namang nilagay ang panyo sa papel at nilukot.

"Uwi na nga tayo." Salita ko kaya umalis na kami sa lugar na 'yon.

Sinusumpa kitang tae ka! Humanda ka sakin. Akala mo magpapatalo ako? Tataehan rin kita,bleh!

It All Started With A Paper (RPW Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon