Nanaginip ako. Nanaginip ako na nawala dibdib ko.
Shit.... Agad akong napabangon at hinawakan ang dibdib ko. Wala,walang umbok. Walang mabundok.
Sinilip ko sa loob ng t-shirt pero abs ang nakikita ko.Hala! Anong nangyayari!?
Hinawakan ko ang baba ko at doon,may nararamdaman akong maumbok.
Sinilip ko ulit at-
"AHHH!"*knock* *knock*
"Jairo? Son? Are you alright? Open the door right now."
Hala pakshet sino ako? Anong nangyayari sa akin? Bakit may birdie na ako?! Bakit ang laki nito?!
"Jairo!"
"Okay lang po!" Sigaw ko pabalik para hindi na ako istorbohin. Tumahimik sa labas,baka umalis na kung sino 'yon.
Nilibot ko ang buong paligid. Dude,this is not my room. And for fries sake,ang laki laki nito. Kasing laki ng buong first floor ng bahay ko.
Kinakabahan ako. Naninibago ako sa anyo ko. Totoo ba ito? Totoo bang naging lalaki ako?
Tumayo ako at muntik pa akong mapaupo ulit sa kama dahil ang tangkad ko. Hala sheet! Bakit ganito?
Tinignan ko ang sarili ko sa human-sized mirror sa kwartong ito.
"What..the..actual...f-fries!?"
Pinagmasdan ko ng mabuti ang sarili ko. Ay hindi,hindi ako ito.
Bakit ang tangkad ko? Bakit ang kinis ko? Bakit maugat ako? At.. BAKIT ANG POGI POGI KO?Oh my gummy. Totoo ba talaga ito?
"Oo gaga totoo yan. Panindigan mo yan!"
May narinig akong boses sa ulo ko.
"Sino yan?"Biglang umusok ang salamin at lumabas ang napakagandang babae.
Napalunok ako. Shit,ang ganda.
Ngumiti siya sa akin at pumalakpak.
Nakita ko ang pagtigil ng orasan.
Time stopped!?"Oo at bibilisan natin ang ating pag-uusap dahil maya maya may kakatok ulit sa pintuan mo para tawagin ka."
Magtatanong sana ako kaso pinigilan niya ulit ako."Alam kong marami kang katanungan sa ngayon,Ginoo. Huwag kang mag-alala,masasagot lahat nang 'yan." Ngumiti ulit siya at naglakad lakad. Sinusundan ko siya ng tingin na may pagtataka pa rin sa mukha.
"Unang-una ikaw ngayon ay isang legit na Lalaki. Your name is Jairo Messiah. A fourth-year highschool heartthrob boy. You will remember some stuffs and your attitude will still Jairo."
Nabigla ako sa pag-english niya. Hindi sa bobo ako,pero ang lalim niya kasing magtagalog kanina."Pasensya na,englishero kasi si Jairo-i mean ikaw." Ngumiti nanaman siya. Tangina bakit ang ganda nito? Kung totoong tao lang talaga ito baka nasyota ko na.
"Heep! Bawal." Nakataas ang kamay niya na parang nagbabawal. Nababasa niya ata iniisip ko.
"Oo nababasa ko. Kaya ang mission mo ngayon ay umibig ng isang babae bago matapos ang isang taon mo sa High School at ikaw ay mananatiling isang lalaki. Kapag hindi,babalik ka sa pagiging babae at makaramdam ulit ng masasakit......and you will forget that you are once a man."
Napatulala ako sa aking nalaman.
Ako? Isang ganap na lalaki? Fok,this is my dream! Bata pa lang ako ay gusto ko na maging lalaki kagaya ng kambal ko kasi siya hindi pinagbawalan. Ako? 100% bawal!Napabalik ako sa realidad nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Ilang minuto rin pala akong natulala at wala na ang magandang babae.
"Jairo dear? Are you up now? Breakfast is ready." Boses babae. Baka nanay niya-este nanay ko pala.
"Gising na po,Nay." Sabi ko habang binubuksan ko ang pintuan. Kaharap ko ang isang babae na hindi gaanong matanda-nasa mid-thirties,at maganda rin. In short,kaharap ko ang Mama ko.
"What are you talking about? Nanay? When did you learn to call me Nanay,Jairo? Are you fine now? Wala na bang masakit sa iyo?" Hinawakan niya ang noo ko pagkatapos ang leeg. Oops,i forgot English pala dapat tayo pre.
"I-i'm sorry Mom. It's just that my head still hurts." Palusot ko which is pinaniwalaan niya.
"I understand. Eat your breakfast now. I came here to check you. Aalis na ako for work. Good bye,son." She kissed me in my forehead kaya yumuko ako.
Bakit parang may nangyari sa katawan na ito kagabi at alalang-alala si Nanay-Mommy na pala.
BINABASA MO ANG
It All Started With A Paper (RPW Series #2)
Teen FictionRPW Series #2: Nang dahil sa isang papel,biglang nabago ang lahat.