Nuebe

21 1 2
                                    

Sabi nila,kapag nasa past na past na talaga at hindi na dapat balikan pa. Kahit na ito'y nakatatak na sa puso at isipan mo ay dapat naka-sentro ang iyong atensyon sa hinaharap— de joke lang. Nandito lang naman ako sa labas ng lugar kung saan ako nakatira noon.

"Sure ka ba Sir? Hihintayin po kita dito."

"No thanks,Manong Gerry. I can go home anytime." Sabi ko sa driver namin. Nagdalawang-isip pa siyang tumango pero umalis naman ito.

Subdivision le Casshra
Kung saan ako nabuhay at lumaki. Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng gate. Hindi sana ako papasukin ng Guard kaso bigla lang itong ngumiti at pinapapasok pa ako. Weird.

Tatlong bahay na ang nadaanan ko at sawakas nakita ang bahay ko,bahay namin ng pamilya ko noon.

"Walang tao diyan,Hijo."

"Po?" Lumingon ako sa matandang nagsalita.
Wait...siya yung ngumiti sa akin sa park noon ah?

"Wala na ang mag-asawa diyan,hijo. Maaga silang binawian ng buhay. Ang magandang babae naman ay biglang naglaho pero walang naghahanap. Ang akala ng mga tao dito ay hindi totoo ang dalaga." Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

I thought the Goddess erased my girl version to everyone? Bakit alam ni Lola?

"O siya,hijo. Alam ko namang babalik ka dito kaya maiwan na kita. Masaya akong nakita ka muli." I was stanned. Muli? So nandito na pala noon pa si Jairo noon nang hindi ko nalalaman?

Lumingon ako sa matanda pero nakakalayo nito. She's kinda weird yet logical. Siguro alam niya ang takbo ng buhay ko? Should I ask her again?

"Wait,Lola!"
Huminto siya at nakangiting lumingon sa akin.
"Bakit hijo?"

"M-may alam ka pa ba? I mean you are telling me weird stories—" she cut me off.

"Sa oras na malalaman mo ang totoo ay dapat mong magawa ang simpleng misyon mo. May kapalit ang lahat kapag bumalik ka sa totoong ikaw. Hindi sapat ang ginawa ng Dyosa para sa iyo." Naguguluhan akong tumingin sakanya.

So she knew!?

"Alam mo?!" Gulat na tanong ko sakanya.
Ngumiti lang ito habang direktang nakatingin sa akin sa mata.

"Can...can we talk inside? I want to know more. Please?" Sumunod siya sa akin papasok sa bahay ko. Good thing nakita ko ang susi sa may paso. Talagang mahilig ako magtago ng susi sa labas ng bahay,incase na mawala yung isa.

"So ano pa ang nalalaman mo,Lola?"
I offer her juice bago ako umupo sa harapan niya. The house is still the same yet the ambiance is different. Ilang buwan kaya akong wala dito.

"Masyado pang maaga hijo. Pero handa ka na ba talagang malaman?" Tumango ako sa sinabi niya.

"Ilang buwan nalang ang natitira sa iyo?"
I counted the months in my head bago tumingin sakanya.

"5 months left. I know matagal pa ito—"

"Limang buwan ay hindi sapat. Mabilis ang panahon." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ako ang totoong gumawa sa potion na nilagay sa iyo ng Dyosa,hijo. Hindi pa iyon tapos kaso ay inagaw na niya sa akin. Panget ang Dyosang nakita mo. Puro hiwaga ang nababalot sakanyang katawan..."
Panimula niya kaya tahimik lang akong nakikinig sakanya.

"....isang lalaki."

"Po?"

"Isa siyang lalaki na pinarusahan ni Jenluh,ang aming Panginoon."
So she's not a normal person too!?

"So...."

"Tama ang iyong iniisip,hijo. Hindi din ako isang normal na tao pero noon iyon. Ako'y pinarusahan din at ito ako ngayon,katawang tao." Malungkot ang ngiti na kaniyang pinapakita. Yumuko nalang ako at hinihintay ang kadugtong ng kanyang sasabihin.

"Sa oras na hindi ka mapa-ibig sa isang babae ay babalik ka sa pagiging babae at kukunin ang iyong kaluluwa ng Dyosang naglagay ng hiwaga sa iyo."
Wait, the fuck? Nalilito na ako,teka!

"What do you mean?"

"Isa kang alay upang madagdagan ang kanyang buhay. Kaya sa madaling panahon ay dapat mong nagawa ang binigay sa iyong misyon. Magpasalamat ka at hindi gaano ka komplikado ang binigay,may puso rin ang Dyosa."
Naisip ko bigla si Gwen. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko—damn! Stop it,Jairo!

"Kahit ayaw mong aminin,hindi pa rin magsisinungaling ang iyong damdamin. Mauuna na ako hijo. Marami ka pang dapat malaman tungkol sa pamilya mo."
Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto. Bago siya lumabas ay binigyan niya ako ng isang goodluck-smile.

Napasabunot ako sa aking buhok. Jesus Christ! Ano itong pinasok ko. This is really complicated and weird! I thought sa mga libro at movies lang ito nangyayari. Bakit sa akin pa? Dang it.

Umakyat ako sa kwarto ng mga magulang ko. Simula noong wala na ang mga magulang ko ay hindi ko na binubuksan ang kwarto nila. Natatakot ako. Natatakot akong manghina at umiyak. Ang hina hina ko pa naman.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Kunwari pa-thirll tapos may biglang bubulaga. Hehehe! Joke lang baka atakihin ako sa puso nito.

Emptiness and sadness all I can feel in this room.
Ma,Pa i miss you so much. You too kambal ko.
Nangealam ako sa mga gamit. Curiosity is killing me. Sabi nga ni Lola kanina na marami pa akong dapat malaman tungkol sa pamilya ko.

Binuksan ko ang isang drawer at mga papeles at folders ang unang bumungad sa akin.

"Jairo Messiah?" Basa ko sa nalagay. Bakit nandito ang pangalan ng lalaki ay este ako?

Binuksan ko ang folder at nakita ang mga impormasyon na nakalagay.

No..no... What the hell! Half brother ko si Jairo!?


A/N:
Hi darlingtuck!!Happy birthday bata. Para sayo ang dalawang chapters ngayon.
God bless you.

Nagmamahal,
Kapogian ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It All Started With A Paper (RPW Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon