Umuwi ako ng bahay na may sad-emoji sa mukha.
Favorite panyo ko pa naman ito.
Pumasok ako sa bahay kasi hindi ako lalabas kaya ang nadatnan ko ay mga kagamitan sa bahay-"Aray!" Napahawak ako sa aking batok. Nilingon ko kung sino ang bumato sa akin pero wala namang tao. Wew,creepy!
Naboboba ka nanaman Ella. Para kang tanga.
Aray,tagos 'yon. Ang baho 'nung nagsalita. Hmp!
Nilabhan ko ang panyo. Tiis-amoy ako kasi ang baho baho talaga beh. Parang kili-kili mo na hindi pinaliguan ng isang taon.
Pagkatapos kong labhan ay naghanda na ako ng aking makakain. Wala na akong pamilya sa lagay na ito. Mag-isa kong binubuhay ang sarili ko kasi wala naman akong mga kamag-anak.
Sina Mama at Papa ko? Syempre wala na,obvious ba? Eh sa hindi ko kasalanang lumubog ang barko nilang sinasakyan galing sa Saudi. OFW kasi silang dalawa. May kambal akong lalaki pero na-deads na ito sa sakit na Leukemia. Hehe,hindi naman masakit. Slight lang.
Maraming naiwan na pera sina mama at papa. May business din kami,pagtitinda ng sampaguita. Charot! Hindi yan. Syempre business namin is... Tentenenen!
Bookstore. Mahilig si Mama at ako sa mga libro. Mabenta syempre,maraming bagong libro don. Sino naghahandle? Syempre hindi ako,nag aaral pa kaya ako. Yung bestfriend ni Papa ang naghandle. Bale Tito ko siya at tumatayong Tatay ko. Kaso ayaw kong tumira sakanila,may bahay kaya ako. D U H!
Tapos na akong kumain kaya matutulog na ako.
Bahala kayo diyan,pogi ko pa rin.Pero...
Pero...
Pero part three...
Kinakabahan ako bukas. Hindi ko alam pero parang popogi ako. Charot ulit.Sige na matutulog na ang Dyosa!
BINABASA MO ANG
It All Started With A Paper (RPW Series #2)
Teen FictionRPW Series #2: Nang dahil sa isang papel,biglang nabago ang lahat.