Prologue Version Two

41 5 0
                                    

Akala mo ha. Mainggit ka,may version two na ang Prologue ko HAHA!

———————

Kapag ikaw ay humiling,hindi na ito magbabago pa.

Kapag ikaw ay humihiling,hindi na ito mapapalitan.

Kapag ikaw—ay masaya tumawa ka HA HA!

Ako,ako ang misteryosong nakabasa ng sulat sa isang papel na itinapon sa bahay ko.
Walang hiyang bata,siya lang tumapon ng basura sa pamamahay ko. Mapektusan nga!

Hep! Hep!

"Hooray!"

"Tahimik!" Sinamaan ko ng tingin ang mga alagad ko at napayuko sila. Mga fans ata 'to ni Kuya Will.

"Gusto niyang maging isang Ginoo. Hmm.." hinawakan ko ang baba ko habang nag-iisip.

".....at ang kapalit ng pagtapon niya ng isang papel sa ating paninirahan ay magiging tunay na lalaki siya."
Kinuha ko sa isang kabinet ang mga bote na ang laman ay mga sangkap pa sa isang mahikang maaring makapag-palit anyo ng isang tao.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo,Crystal?"
Tanong ng isang alagad ko. Hindi ko siya sinagot sapagkat inutusan ko siyang ipakita sa akin ang mukha ng taong nagtapon ng papel sa pamamahay ko.

Isang babaeng maputi at may napakahabang buhok ang nakikita ko. Malungkot ito na parang nakahawak ng tae.
Ay tama nga,nakahawak siya ng tae. Kaya pala ay napakalungkot. Maganda ito pero hindi nakikita ang kanyang kagandahan sa pagiging simple niyang manuot.

Sinimulan ko nang haluin ang mga sangkap habang nagbabasa sa isang libro.

Tested at proven itong sangkap ko. Ang dapat niya lang gawin ay umibig ng tunay upang magiging totoong lalaki na siya. Kapag hindi niya nagawa ang bagay na iyon,babalik siya sa pagkababae at makakalimutan lahat nang ginagawa niya bilang isang lalaki.

"Dobidobi dap dap..shobi shobi barengbareng... She she shengerengsheng. Chakalaka..boom!"

Umusok ang baul at nagkakulay ito.
Success!

Maging masaya ka sa iyong hinihiling,binibini.
Hinding-hindi ka magsisisi.

It All Started With A Paper (RPW Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon