Chapter 8

4.5K 103 12
                                    

Natalo man sa game ang team ni Deanna pero masaya parin kahit papano ang puso niya.

Umuwi siya ng hindi na ramdam ang pagkalungkot ayaw niya magbukas ng social media dahil alam niyang yung pagkatalo lang nila kanina ang laman ng feed niya she set up her alarm ng 6:00 am and busied herself thinking Jema.

Napamulat siya ng mata ng marinig ang alarm. 5 minutes pa she tell herself, maya maya pay nakaramdam siya ng yugyug sa balikat.

She open her eyes and see Pongs,

"Your alarm please"

Papungay pungay siyang bumangon at pinatay ang alarm. She grab her towel.

"Aga pasok mo?" tanong ni Pongs habang pabalik ng higaan

"Nope, I'll just go somewhere"

"Jema?"

"Yep"

"Intsik ka nga, ang aga mo manligaw eh"

Tinawanan niya ito at nagtuloy sa banyo.

Hindi na siya nagalmusal dumiretso na siya sa pinaparkingan nila ng kotse ni Jema. Buti nalang maaga siyang nakaalalis ng katipunan pero nung nalabas niya ang kotse ni Jema, doon naman siya natraffic.

Pasulyap sulyap siya sa relo mag e-eight na pero stock parin siya sa traffic.

Napapout na siya, hindi siya kinakabahan kung papayagan siya ni Jema or hindi manligaw, she'll still love and pursue her pumayag man ito o hindi, she envy people who fall inlove so deep yung natatawag na tanga dahil sa pagibig, hindi naman sa gusto niyang magpakantanga but she's just amazed how strong and devoted their emotions.

Habang nasa kalsada, she spotted a flower shop, napangiti siya.

Ginilid niya ang sasakyan at bumaba, as always she buy yellow flowers, ibat ibang flower pero lahat color yellow.

Napangiti siya. She was asked what to put in the card.

For you My Jema.

Napangiti rin ang tindera sa kanya.

Nakarating siya ng apartment nila Jema ng mag nanine na bumusina siya, from the door nakita niyang lumabas ng pintuan si Mafe, ipinagbukas siya nito ng gate.

Nag thank you siya dito at pinasok ang sasakyan.

Kinuha niya ang bulaklak sa passenger seat at bumaba.

"Naks naman" kantiyaw ni Mafe at pinindot pa ang tagiliran niya, "tawagin ko lang ang nagmamaganda kong ate, tara pasok ka"

Pinaupo siya ni Mafe sa sofa. After a few seconds ay pinuntahan naman siya ni Jema sa sala, mukhang pagod ito.

"Good Morning" bati ni Jema sa kanya ng makalapit.

"Good morning, may ginagawa ka?"

Ngumiti "Yeah, pero tapos na, aga mo ah kumain kana?"

Napakamot si Deanna nakaramdam siya ng gutom, napahawak siya sa tiyan at umiling.

Tumawa si Jema, "Tara nagluto ako Deanns, yun yung ginawa ko kanina, sakto luto na, nagluto nako ng pang lunch namin ni Mafe at dinner para wala nakong masyadong gagawin"

Sumunod siya dito. Nagprepare naman si Jema ng hapag.

Naupo siya. "Wow chicken adobo" natawa si Jema dito naglabas din ito pork sinigang "Wow sinigang"

"Jema dito narin pala ako hanggang dinner" biro niya.

Tinawanan lang siya ni Jema.

Napangiti si Deanna sa unang subo pa lang. Kumindat kindat pa ito kay Jema.

Staredown with LoveWhere stories live. Discover now