Matalino si Mamerto, mula elementarya hanggang mataas na paaralan ay kabilang siya sa mga nasa taas. Sa katunayan ay madalas ko din siyang kopyahan noon, komo magpinsan kami at magkaparehas ng apelyido, madalas na kami ay magkatabi sa upuan. Sa unang linggo niya dito sa Saudi ay nagpakitang gilas siya kaagad sa napasukang kumpanya, paraan na din niya ito upang ganahan ang amo niya na payagan siyang kuhanin ang asawa at sa labas tumira.
Hindi naman siya nabigo dahil gaya ng payo ko sa kanya, kulitin na niya kaagad ang kanyang amo upang mapabilis ang proseso. Sa loob ng isang linggo'y mas madalas pa nga yata kaming mag-usap nito kasya sa aking asawa. Nagkasundo kami na magkita-kita sa araw ng walang pasok, para na rin mailibot ko siya dahil sa ako ang mas may alam dito sa syudad.
Unang Biyernes noon, weekends dito sa bansa ng mga muslim, unang pagkikita namin ni Mamerto sa nakalipas na mga taon.
"basta sabihin mo sa taxi, sa 'Batha'...tapos doon na tayo magkita, susunduin ka namin doon ni Kaye tapos lilibot tayo" wika ko sa aking pinsan.
Halos isang oras bago ko muling nakita ang aking kababata, ang aking kasangga, ang aking pinsan. Daig pa ang magsyota nang kami'y magtagpo, kulang nalang siguro'y halikan ko sa pisngi ang aking pinsan. Lahat ay masaya, bilang dayuhan ay iba talaga ang pakiramdam ng makakita ka ng kapwa mo pinoy pero mas lamang naman lalo na't kadugo mo pa ang iyong makikita.
"insan! hehehe! kumusta??" masayang bati ko sa kanya.
"uy Badong insan! pumuti ka yata hehe! hi Kaye!" balik naman niya sa amin.
Kaagad kong pinasakay si Mamerto sa aming sasakyan, inilibot ko siya sa iba't ibang bahagi ng Riyadh. Napag-usapan namin ang halos lahat, pero nabuo ang aming atensyon sa paglipat ni Patricia dito din sa aming lugar.
"alam mo naman insan, tao lang, natitigang din" biro pa ni Mamerto.
Sa puntong ito'y napangiti pa si misis ko, kung kanina'y parang nagseselos na sa amin ni Mamerto ngayon nama'y tila muling sumampang muli sa bangka at sumabay na sa agos ng aming usapang magpinsan. Hindi na kami mga bata, kapwa may mga karanasan na kami pagdating sa six, kaya hindi na siguro mahirap para pag-usapan ang ganitong mga bagay kahit pa kasama namin ang aking asawa. Alam ko din sa isipan ng aking maybahay ay ang kalibugan, pero syempre hindi naman siya ganoon ka-open o ka-bulgar sa pagsasalita.
"oo nga kuya Mamerto, isa yan sa dahilan kung bakit kinuha ako ni Badong dito hihihi!" hirit ng aking asawa.
"buti ka nga insan, hindi na malamig ang gabi mo hehehe" hirit muli ng aking pinsan.
Aminado akong bahagyang kumibot ang aking ari sa mga hirit nila lalo na ng aking asawa. Hindi ko alam, pero parang lalo akong nalilibugan tuwing maririnig ko ang tawa ni Kaye tuwing magkakabiruan tungkol sa six. Hindi ko din alam kung may kakaibang kalabit din ito sa kanyang isipan, ang pagkatigang ng aking pinsan.
Mula nang mabuksan ang usapan tungkol sa six o sa pagkalumbay ni Mamerto sa kanyang asawa ay tila nabaligtad na ang sitwasyon. Kung noong una'y ako ang bangka sa usapan, ngayon ako ay tsuper na lang nila. Mula hapunan hanggang sa ihatid na namin si pinsan sa kanilang tahanan ay sila nalang ni misis ang nagku-kwentuhan, sumisingit din naman ako paminsan-minsan pero saglit lang.
Ayaw ko pa sanang matapos ang araw, kung pwede nga lang sana e sa bahay na matulog si pinsan para naman masulit ang aming pagkikita. Pero hindi pwede dahil may curfew daw ang kanilang tinutuluyan. Habang binabaybay ko ang daan pauwi sa aming bahay ay nakatulog si Kaye, tuwing hihinto kami sa mga stoplight ay akin siyang pinagmamasdan. Napakaganda ng aking asawa, ito lagi ang sinasabi ko sa aking isipan tuwing siya ay aking tititigan. Kaya naunawaan ko kalaunan ang hinahanap ni pinsan, ang kasama sa gabing tulad nito.
BINABASA MO ANG
Bahay-Bahayan
RomanceAng istoryang inyong matutunghayan ay hango lamang sa mapaglarong isipan ng may akda (suicideking), ito'y nabuo sa kathang-isip at anumang pagkaka-halintulad nito sa totoong buhay ay hindi sinasadya. Ang istoryang ito ay nilikha bilang pagsuporta sa...