Part 3 - Residence Permit

10.8K 25 0
                                    

Sa progresong aking tinamasa, siguro para sa isang tipikal na asawa'y sapat na. Marangyang trabaho at sweldo, maayos na pamumuhay, tahimik na bahay, at isama pa natin ang magandang asawa na ni minsa'y hindi ako binigo sa aking mga sixual desires. Hindi ko masasabing ito'y itinakda o talagang nakaguhit na sa aking tadhana, tadhanang tayo rin ang nagma-maniobra.

Naging maayos naman ang buhay namin dito sa Saudi Arabia, mas sumaya pa nga dahil kahit paano'y nabawasan pang lalo ang aming pagka-homesick, sa presensya ng aking pinsan na mula pa noong una'y akin nang nakilala. Subalit sa kabila nito'y sadyang paglalaruan ka ng tukso, ang akala kong magandang buhay ay hindi ko masasabing madaragdagan pa ng kulay o di kaya'y mababahiran ng mantsa panghabang-buhay.

Sa unang buwan naming magkakasama ng mag-asawang Mamerto at Patricia, wala akong nakitang masyadong pagbabago. Maliban na lamang sa asawa kong lalong naging mabagsik sa ibabaw ng aming kama. Noong una, akala ko ay normal lamang, ang aming sinimulang apoy ay patuloy na nag-aalab. Subalit habang nagtatagal ay tila ang aking pang-gatong sa apoy na iyon, sa halip na kahoy lamang na tuyo ay parang binuhusan pa ng gasolina upang ito'y labis na magliyab at uminit pa.

Ako'y napaso. Napaso sa init ng apoy na dulot ng aking mahal na asawa. Isang gabi sa gitna ng aming pagtatalik ay biglang nagtanong ang aking asawa. Gaya ng aming nakagisnan, natural na sa aming dalawa ang magkwentuhan habang nagpapasarap ng aming katawan. Subalit ang madalas o may diin na pagbanggit ng isang pangalan ang labis kong ipinagtaka.

"babes....uhhhhh...ohhhh..." ungol ng aking asawa.

"yes babes?" sagot ko naman habang siya ay kumakabayo sa aking ibabaw.

Tumitig sa akin si Kaye, dumapa pa siya ng kaunti upang ang dalawa niyang suso'y lumapat sa aking dibdib. Ramdam ko ang kanyang paghinga sa aking ibabaw, pati na din ang pag-ipit ng kanyang puki sa kahabaan ng aking sandata.

"ooohhh...ohhhh...uhhhh...ohhh..." papalakas na ungol ng aking asawa.

Labis akong natuwa noon, bihirang mapatid ang kanyang lalamunan sa pag-sigaw ng ganoon. Sa aking isipan ay lubos siyang nasasarapan, damang-dama namin ang bawat hagod ng aming katawan.

"hihi! babes malakas ba boses ko? hihi!" tanong ni Kaye.

"medyo babes hehe" sagot ko naman.

"nandyan na ba si kuya Mamerto? hihi baka marinig tayo?" patuloy niya.

Bakit kailangang si pinsan pa ang hanapin niya? I mean, pwede namang "nandyan na ba yung mag-asawa?" ang kanyang sambitin. Lalo nabuo ang aking duda nang labasan siya, halos isang iglap lamang matapos sambitin ang pangalang ng aking pinsan ay sumirit na ang kanyang dagta. Gumiling si Kaye, gumiling sa aking ibabaw. Nilamas pa niya ang sariling suso at sa aki'y ipakita. Gustuhin ko mang namnamin ang sarap ng bawat sandali'y hindi ko magawa, sapagka't sa isang sulok ng aking isipa'y nagdududa pa.

"di ko alam...parang nandyan na yata..." sagot ko nalang.

Madalas tuwing siya ay nilalabasan, magpapahinga ito at panandaliang hihiga o papatong sa aking katawan upang muling kumuha ng lakas. Ngunit noong tagpong iyon ay nagtuloy-tuloy ang aking asawa, matapos manginig ay muli siyang umindayog.

"sarap babes...uhhhhh...oohhhh..." muli, malakas niyang mga ungol.

Sinabayan ko nalang ang libog ni misis, minarapat ko itong gawin upang hindi masira ang mood sa pagitan ng aming pagtatalik.

Dahil doon, ako na mismo sa aking sarili ang nagpasya upang alamin kung ano ba talaga. Ano ba talaga ang nangyari at tila ang aking asawa'y nag-iba. Ayos lang naman sana, pabor pa nga sa akin ang taglay niyang kalibugan. Pero ang aking pagkahalata sa tuwing magbabanggit siya ng ibang pangalan, partikular kay pinsan, at lalo siyang gaganahan, ang siyang nag-udyok sa akin para magmasid. Hindi ko nagawang tanungin siya ng diretso, takot ako, baka mamaya sabihin niyang "oo, nalilibugan ako sa pinsan mo".

Bahay-BahayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon