Mga Pangunahing Tauhan:
Badong – Isang Civil Engineer, dalawampu't walong taong gulang, may asawa at nagtatrabaho sa gitnang silangan.
Kaye – Asawa ni Badong, isang nurse, dalawampu't limang taong gulang.Mamerto – Pinsan at kababata ni Badong, isang I.T. consultant.
Patricia – Asawa ni Mamerto, isang nurse, dalawampu't tatlong taong gulang.CHAPTER 1
Part 1 Immigration
Itinuturing na "bagong bayani", kinabukasan ng ating bayan, sa limpak-limpak na salaping aming ipinapadala kahit paano'y nakakatulong kami sa ekonomiya ng ating bansa. Malayo ma'y kailangang tiisin, labanan ang pagkalumbay, maitaguyod lamang ang aming kinabukasan. Dalawang buwan matapos kaming ikasal ni Kaye ay balde-baldeng luha ang umagos sa aming mga mata nang ako'y ihatid niya sa ating paliparan, halos sampung oras kong tiniis ang sakit lulan ng eroplano patungong gitnang silangan.
Aking naalala tatlong taon na ang nakakalipas, paglabas ko ng pintuan ng palipara'y hinanap ko ang aking pangalan. Gaya ng bilin ng ahensyang nagpadala sa akin dito, ito'y hawak ng isang taong galing sa kumpanya na aking papasukan. Ilang saglit akong nagpalinga-linga, inisa-isa ko ang mga nag-aabang sa labas, iba't ibang lahi, hawak ang kapirasong papel at nakalimbag ang pangalan ng kanilang mga susunduin. Sa isang panig ng grupo ng mga tao'y napatitig ako, ito na, ito na ang aking sundo. Nakasulat sa puting papel ang pangalan ng kumpanya, at sa ibaba nito'y pangalan ko – "Baldomero Ongasis".
Kaybilis ng panahon, mabilis ang pagtitiis. Gawa ng makabagong teknolohiya'y napaglalapit ang mga magkakalayo, hindi na kailangan pang maghintay ng sulat, isang tawag lang ay iyong makakausap kaagad. Isang pindot lamang ay makikita nang lahat, lalo na ang iyong mga mahal sa buhay. Subalit sa kabila ng lahat, hindi ko pa din maiwasang malumbay, sa mga hawak, sa mga yakap at halik, sa presensya ng aking asawa.
Mahirap gumawa ng paraan dito sa aking kinaroroonan, mahirap tugunan ang aking sekswal na pangangailangan. Sa bansang itinuturing na pinaka-konserbatibo'y magdadalawang isip kang gumawa ng kalokohan. Isa lang ang solusyon, magsumikap at mag-ipon. Ito ang aking ginawa sa mga nakalipas na taon, sinikap kong kuhanin ang aking asawa, baka madagit pa ng iba, upang mapunan na din ang aking mga pangangailangan.
"I hope makapag-adjust ka kaagad babes..." sabi ko sa aking asawa paglabas namin ng eroplano.
"oo naman babes, happy ako kasi magkasama na tayo ulit" sagot naman ng aking asawa.
Culture shock. Ito na yata ang isang sitwasyon na halos lahat ng tao ay pagdadaanan lalo na kung ika'y maninirahan sa ibang lugar. Ibang kultura, ibang salita, ibang lahi. Ganunpama'y sa kabila ng malakihang pagbabago, sa pananamit, pag-intindi ng mga salitang banyaga, unti-unting nakapag-adjust ang aking asawa.
Sa walong oras kong trabaho'y nasa bahay lamang siya, tuwing tanghali ako'y uuwi upang mananghalian at sa gabi nama'y malimit kaming lumabas at kumain ng hapunan sa iba't ibang restaurant upang siya ay hindi naman din malumbay. Sa unang buwan ni Kaye sa aking piling ay talaga namang nagsilbing motel ang aming tahanan. Gabi gabi kami kung magtalik, dalawa, tatlong round ang aming average, nagsilbing pagpapatuloy ng aming pulot-gata ang unang buwan naming muling pagsasama.
BINABASA MO ANG
Bahay-Bahayan
RomantizmAng istoryang inyong matutunghayan ay hango lamang sa mapaglarong isipan ng may akda (suicideking), ito'y nabuo sa kathang-isip at anumang pagkaka-halintulad nito sa totoong buhay ay hindi sinasadya. Ang istoryang ito ay nilikha bilang pagsuporta sa...