Part 4 - Dual Citizenship

10.5K 29 1
                                    

Hindi ako nagpadalus-dalos upang mapagbigyan lamang ang init ng aking laman na hindi ko inasahang madarama ko sa katauhan ng asawa ni pinsan. Mula noong narinig ko ang ungol ni Patricia ay madalas ko na siyang naiisip, nagkaroon ako ng interes sa babaeng nakatali sa matalik kong pinsang si Mamerto. Naging malimit ang pagku-krus ng aming landas dito din sa loob mismo ng aming inuupahang bahay, at kadalasan dito'y mga matatamis na ngiti ang aking natatanggap mula sa kanya. Hindi ako nagpa-pogi, hindi ako nagpapansin, unti-unting naging bukas ang aming diwa sa mga biruan at kadalasan kong idinadahilan ay ang mga paksang naririnig ko tuwing sila ni Kaye ang magkausap o nagku-kwentuhan.

Humanap at nakahanap ako ng pagkakataon, pagkakataon na ilang linggo ko ding masusing pinlano. Nalipat ng oras ang trabaho ni Mamerto, pang-gabi ito kaya't madalas na hindi sila nagkikita ng matagal ng kanyang asawang si Patricia. Siguro nag-aabot sila minsan sa aming tarangkahan pero tiyak ako na dumalang ang pagdidilig dito ni insan.

"tara kain tayo Pat..." paanyaya ng aking asawa isang gabi.

"ay thank you, sige busog pa ako e.." sagot ni Patricia.

"naku halika na, tikman mo luto ni Badong" pagpupumilit pa ng aking asawa.

Lumapit si Patricia, sinuri ang aming pinagsasaluhang pagkain ni Kaye na aking asawa. Muli kong nakita nang malapitan ang matamis niyang ngiti bago siya nagsalita ulit.

"masarap ba yang talong mo kuya Badong?" mala-inosenteng tanong ni Patricia patungkol sa nakahaing tortang talong na aking niluto.

Bago pa man ako nakasagot ay halos masamid ang aking maybahay saka ito tumawa ng malakas. Kinuha ang baso ng tubig at ang pisngi niya ay namula pa bago nagsalita.

"hihihi! anu ka ba Patricia, syempre masarap yang talong ni Badong noh! hehehe!" pabirong sabat ng aking asawa.

Mga ilang segundo din bago napagtanto ni Patricia na ang sinabi pala ng aking maybahay ay may ibang nilalaman. May kahalong biro ito kung saan hindi niya unang naunawaan.

"ay! hihihi!" sambit na lamang ng asawa ni pinsan.

"halika na kasi, kuha kana ng plato mo at kainin mo na itong talong ng asawa ko! hihihi!" sundot pa na biro ni Kaye.

Nakita ko sa mukha ni Patricia ang bahagyang pamumula, siguradong may tama sa kanya ang biro ng aking asawa. Siguro nga marahil ay matagal nang hindi nakakakain ng "talong" itong si Patricia, nahiya din siya dahil baka hindi sanay sa mga ganoong biro pero alam kong wagas din ang kalibugan nito nang minsang marinig ko ang kwentuhan nilang dalawa ni Kaye na hindi nila alam na naroon ako.

Makalipas ang ilang minuto at ilang mga kwentuhan ay naunang nagpaalam ang aking asawa.

"babes, ikaw na bahala dito ha, nagtext sila mommy mag-skype daw kami..Pat una na ako" wika ni Kaye sa amin.

Saglit kaming natahimik nang pumasok na si Kaye sa aming silid upang makipag-chat sa aking byenan. Alam kong ito na ang pagkakataon ko upang makipaglaro ng apoy sa asawa ng aking pinsan. Sinubukan kong ulitin ang mga biro na kay misis na din nanggaling, titignan ko kung sasakay ba si Patricia o di kaya'y mababadtrip at lilisan na din.

"oh masarap ba?" tanong ko sa kanya.

"alin kuya?" sagot naman niya.

"itong talong ko..hehe" sabay banat ng biro kanina.

"ah oo kuya, ang sarap ng TALONG mo" balik naman niya na alam kong siya ay nasa bangka pa din at hindi pa bumababa.

"sabihin mo lang, kung gusto mo pa ulit e ipagluluto kita...baka hindi ka naipagluluto ni insan e" pahabol ko naman.

Bahay-BahayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon